09/08/2026
𝐏𝐀𝐌𝐔𝐌𝐔𝐇𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐖𝐀𝐍𝐀𝐆 𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐘𝐎𝐒
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng espirituwal na paghubog at rehabilitasyon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), isinagawa ang isang Bible Study sa Mariveles Municipal Jail na pinangunahan ni Pastor Eric Reyes kasama ang anim (6) na miyembro ng Mariveles Baptist Church.
Tinalakay ang Efeso 6:10–20 na may temang “Pamumuhay sa Liwanag ng Diyos,” na nagbigay-diin sa pagiging matatag sa pananampalataya, pagtitiwala sa Diyos, at pamumuhay ayon sa Kanyang kalooban.
Bilang pagpapakita rin ng kanilang malasakit at pakikipagkapwa, namahagi ang Mariveles Baptist Church ng dalawang (2) kaldero ng arroz caldo na may manok at itlog para sa mga dumalo.
Sa bawat aral, panalangin, at munting handog, patuloy nating ipinapaalala na ang pagbabago ay nagsisimula sa puso. ❤️
Maraming salamat, Mariveles Baptist Church, sa patuloy na pakikiisa sa layunin ng rehabilitasyon, pananampalataya, at pagbabagong-buhay.
==========
For more updates:
Follow us on FB: @𝐛𝐣𝐦𝐩𝐫𝐨𝟑𝐨𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐚𝐥
Follow us on Instagram: @𝐛𝐣𝐦𝐩𝐫𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝟑
Follow us on TikTok: @𝐛𝐣𝐦𝐩𝐫𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝟑
Visit us on our Website: 𝐫𝟑.𝐛𝐣𝐦𝐩.𝐠𝐨𝐯.𝐩𝐡