09/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng espirituwal na paghubog at rehabilitasyon ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL), isinagawa ang isang Bible Study sa Mariveles Municipal Jail na pinangunahan ni Pastor Eric Reyes kasama ang anim (6) na miyembro ng Mariveles Baptist Church.
Tinalakay ang Efeso 6:10โ20 na may temang โPamumuhay sa Liwanag ng Diyos,โ na nagbigay-diin sa pagiging matatag sa pananampalataya, pagtitiwala sa Diyos, at pamumuhay ayon sa Kanyang kalooban.
Bilang pagpapakita rin ng kanilang malasakit at pakikipagkapwa, namahagi ang Mariveles Baptist Church ng dalawang (2) kaldero ng arroz caldo na may manok at itlog para sa mga dumalo.
Sa bawat aral, panalangin, at munting handog, patuloy nating ipinapaalala na ang pagbabago ay nagsisimula sa puso. โค๏ธ
Maraming salamat, Mariveles Baptist Church, sa patuloy na pakikiisa sa layunin ng rehabilitasyon, pananampalataya, at pagbabagong-buhay.
==========
For more updates:
Follow us on FB: @๐๐ฃ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐จ๐๐จ๐๐๐ข๐๐ข๐๐ฅ
Follow us on Instagram: @๐๐ฃ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐
Follow us on TikTok: @๐๐ฃ๐ฆ๐ฉ๐ซ๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐
Visit us on our Website: ๐ซ๐.๐๐ฃ๐ฆ๐ฉ.๐ ๐จ๐ฏ.๐ฉ๐ก