Apple Paguio - Kapalaran at Pampaswerte

  • Home
  • Apple Paguio - Kapalaran at Pampaswerte
Online Horoscope Hulyo 22, 2025ARIES  (Marso 21 – April 19) Maglalaho at kukupas ang lahat ng bagay, ngunit may isang ma...
21/07/2025

Online Horoscope Hulyo 22, 2025

ARIES (Marso 21 – April 19) Maglalaho at kukupas ang lahat ng bagay, ngunit may isang mananatili. Ito ay ang suwerteng bumalatay sa iyong katawan. Kailan man, anuman ang iyong ginagawa, hindi ka nga lalayuan pa ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 3, 9, 27, 33, 39, 42.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Kahit na totoo ang sinasabi mo, hindi mo ito dapat iparinig sa nakararami. Ito ang dahilan kung bakit may mga taong lihim na naiinis sa iyo, masyado ka kasing si totoo. Minsan, hindi dapat na binibigkas ang totoo, lalo na’t ikasasakit ito ng kaloob ng iyong kapwa. Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 6, 16, 25, 33, 39, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Dagdagan mo ngayon ang galaw ng katawan mo. Kung baga, kailangang kumendeng at kumilos ka ng kumilos. Ito ang panahong dodoblehin pang lalo ng langit ang iyong suwerte, basta’t makita lang niyang gumagalaw-galaw ang iyong pangangatawan, lalo na ang iyong balakang. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 5, 15, 24, 32, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ang mga dating nakakatulong sa iyo ay mapapansin mong tila nagbago na ng ugali. Pero hindi ka dapat na malungkot, dahil may bago na namang kakilala ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, upang may umagapay at tumulong uli sa iyo. Mapalad ang kulay na crystal green. Masuwerteng numero 2, 7, 19, 28, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Makakaharap mo ngayon ang sarili mong anino. Magagalit ka sa isang tao sa kanyang ginagawa. Pero ang totoo, gusto mo rin pa lang itong gawin sa kanya. Ang pinakamabuti, putulin mo na ang pakikipag-ugnayan mo sa taong ito, Sa ganyang paraan, gagaang ang iyong kalooban. Kapag magaang na ang iyong pakiramdam, dobleng suwerte na at magagandang kapalaran ang darapo sa iyong katawan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 1, 19, 22, 34, 41, 44.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Bigyang daan mo ang mungkahi ng mga nasa tabi mo. Hindi maganda na puro ikaw na lang ang nasusuod. Sa pansamantalang pgpapaubayan sa desisyon ng iba, susuwertehin at papalarin ka na. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 5, 11, 19, 23, 31, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Handa kang magsakripisyo alang-alang sa mahal mo. Magkaganon man, hindi siya papayag na malungkot ka at namumroblema ka. Kaya hawak-kamay pareho kayong babangon at kikilos, upang muling paunlarin at paigtingin pang lalo ang ikauunlad at ikaliligayahan ng iyong relasyon. Mapalad na kulay ang sky blue. Masuwerteng numero 3, 15, 19, 33, 42, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi ka dapat na maging pala-kontra. Hindi makabubuti sa mahal mo na lagi ka na lang nakasalungat sa mga balakin niya. Kung hindi ka sang-ayon sa pinapanukala ng iyong minamahal, manahimik ka na lang muna. Sa iyong pananahimik, susuwertehin kayong dalawa. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 2, 14, 27, 37, 42, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mananalo ka at ang iyong panalo ay sunod-sunod. Hahanggaan ka ng mga katabi mo at hihingi sila ng balato. Magbalato ka, upang muling magkasunod-sunod ang iyong panalo. Sa iyong pag-uwi feeling tagumpay ka at masaya. Mapalad ang kulay na purple. Masuwerteng numero 9, 12, 27, 30, 33, 39.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kikilos ka ayon sa mga plano mo. Kaya walang makakahadlang, dahil noon pa itinalaga ka na ng langit upang tuloy-tuloy ng manaig, magwagi at magtagumpay. Mapalad na kulay ang golden yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 28, 34, 38, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Oo makukuha mo ang gusto mo. Kaya lang parang hindi sapat ang ginawa mong paghihirap sa nakuha mong munting tagumpay. Baguhin mo ang iyong diskarte, magpakatino ka na, dahil hindi lang ang mga kaibigan mo ang nasasaktan, pati na rin ang mga mahal mo sa buhay. Mapalad na kulay ang lavander. Masuwerteng numero 4, 10, 22, 31, 40, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Naboboring ka na ba na nasa bahay lang? Kailangang mong muling lumakas at sumigla, dahil sa sandaling nasugpo na ng mundo ang pananalasa ng Covid 19, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating pa sa iyo. Ito ang dapat mong paghandaan ngayon pa lang upang maiplano mo kung saan mo dadalhin ang suwerte at magagandang kapalarang ito. Mapalad na kulay ang olive green. Masuwerteng numero 7, 16, 25, 33, 41, 44.

Online Horoscope Hulyo 11, 2025ARIES  (Marso 21 – April 19) )  Suwerte ka ngayon. Letra por letra na nakasulat sa aklat ...
10/07/2025

Online Horoscope Hulyo 11, 2025

ARIES (Marso 21 – April 19) ) Suwerte ka ngayon. Letra por letra na nakasulat sa aklat ng iyong kapalaran ang mga salitang “suwerte ka ngayon!” At iyon nga ang mangyayari at matutupad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Huwag kang makisangkot sa problema ng ibang tao dahil maaaring malipat sa ‘yo ang kanilang mga problema at ikaw ay mahihirapan ng todo. Sa halip ang paki-alaman mo ay ang sarili mong buhay at kung paano mapauunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya. Kapag nagawa mo ‘yan, magdaratingan ang suwerte sa iyong harapan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Walang tigil ang hindi maawat na paglalakwatsa ang magaganap sa iyong karanasan. Magkagayunman sa labas ng bahay ay may magsisidapong mga suwerte at magagandang kapalaran para sa ‘yo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3, 12, 17, 27, 34, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong pagdudahan ang kagandahang loob ng isang bagong kakilala. Siya ay tapat at mabuti ang kanyang motibo sa pakikipagkaibigan sa ‘yo. Ang bagong kakilala ring ito na hulog ng langit ang magdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Iwasan mong magpabago-bago ang iyong gusto sa buhay. Kung ano ang unang pinangarap mo, dapat ay ito rin mismo ang iyong tutukan ng husto. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran ay tuloy-tuloy na darating sa buhay mo. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nangangako ng masayang kaganapan ang araw na ito para sa ‘yo sa kondisyon na ang isasama mo ay ang iyong matalik na kaibigan at hindi ang iyong mahal. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Dapt kang maging mahinahon ka sa ngayon. May babala na kapag hindi mo napigil ang iyong emosyon at katarayan mahahalagang bagay ang masisira at malalaking transaksyon ang maaaring mapurnada. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nagbabadya ang araw na ito ng pagbabago. Maraming magbabago sa iyong buhay, kabilang na rito ang iyong career at kabuhayan. Habang nagaganap ang mga pagbabago, sasabay din rito ang maraming bagong suwerte at magagandang kapalarang magdaratingan na naman sa ‘yo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 7, 19, 25, 26, 35, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ito ang araw na patuloy na magniningning at titingkad ang iyong ganda. Ang ganda mong ito ang aakit at dadapuan ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran, kaya sa araw na ito at sa lahat ng araw, bawal na bawal kang pumangit. Lagi kang ngumiti at magpaganda upang ang suwerteng dumapo sa iyo ay hindi na aalis kailanman. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Pinagkalooban ka ng malakas at matibay na katawan, kaya mabilis mong tinatalo ang mga karamdaman. Nawa ay gamitin mo ang regalong ito ng langit sa pagpapayaman. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Napakabilis ng mga kilos mo ngayon. Kaya wala kang magagawa, bibilis din ang takbo at ikot ng iyong tadhana, kasabay ng pagbilis nito, bibilis din ang dating ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Magpapatuloy ang magandang takbo ng pang-pinansyal na aspeto sa iyong buhay. Lalago ng lalago ang iyong kinikita. Ingatan mo at sinupin ang iyong kabuhayan at hindi ka dapat tumulad sa mga taong sobrang galante. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

Online Horoscope Hulyo 5,2025ARIES (Marso 21 – April 19) Mababawasan ang iyong saya dahil matututok ang pansin mo sa isa...
04/07/2025

Online Horoscope Hulyo 5,2025

ARIES (Marso 21 – April 19) Mababawasan ang iyong saya dahil matututok ang pansin mo sa isang kakilala na maraming problema. Alalayan mo siya sa abot ng iyong makakaya, dahil habang umaalalay ka sa mga taong namomoblema tuloy-tuloy kang pagkakalooban ng langit ng mga biyaya at mga pagpapala. Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Kung magsuot ay simple lang, pero siya ay mayaman. Kung magsalita ay matipid, pero siya ay maraming nalalaman. Ito ang pang-unang impormasyon tungkol sa isang taong padala ng langit na maghahatid sa iyo ng magandang kapalaran. Nasa sa iyo ang pagpapasya kung siya ay gugustuhin mo at tatanggapin sa iyong buhay. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Magliliwanag ang iyong paligid ngayon. Ang liwanag na ito ay padala ng langit na nagsasabing, malulutas na ang lahat ng iyong mga problema na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Pagkatapos na malutas ang mga suliranin, marami pang mga sobra at bonus na matitikman. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hinihintay ng isang kaibigan ang iyong pangako sa kanya. Hindi siya dapat mabigo dahil siya ang nakakubling anghel na ipadala ng langit para sa ‘yo upang gabayan ka, tulungan at alalayan ka habang buhay. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Suwerte ka ngayon, kaya dapat lalong mag-ingat ang inggit na sa iyo dati pa dahil hindi nila maubos maisip kung bakit ang suwerteng gusto nila ay sa iyo napupunta. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6, 15, 19, 24, 37, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Masaya ka ngayon na para bang hindi ka malulungkot. Ibahagi mo ang iyong ligaya sa mga malalapit sa iyong puso. Kailangana mo sila at sila ang tutulong sa iyo sa mga panahong nagigipit ka. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ito ang araw na inaanyayahan ka ng kapalaran na makibahagi ka sa paglilinis at pagpapaganda ng iyong bahay. Alisin ang mga luma at sira-sira ng bagay at palitan ng bago. Kapag nagawa mo, makaaasa ka na ang mga magagandang kapalaran ay mabilis na mapapa sa iyo. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ngayon ay masaya ka, ngayon ay malakas ka, pero paano na bukas? Ngayon pa lang, bawasan ang iyong sipag at pagpapagod. Oo mahalaga ang yaman dito sa mundo pero ang higit na mas importante ay ang wala kang sakit na sisingil at magpapahirap sa iyo. Ngayon pa lang alagaan mo na ang iyong sarili at bigyang pansin ang malusog na pamumuhay. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Malalayong lugar ang iyong mapupuntahan. Iba’t-ibang bansa rin ang iyong mararating. Huwag mong sayangin ang mga pagkakataon, dapat ay makapagpundar ka at makapag-savings para sa iyong kinabukasan. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Huwaran sa kasipagan at pagsisikap. Ito ang angkin mong taglay, kaya hindi ka man hinahangaan ng mga tao dahil hindi naman nila ito gaanong nalalaman, wag kang malungkot dahil hinahanggan ka naman ng nasa itaas. Dahil dito, may dagdag na namang bagong suwerte at magagandang kapalarang darating sa iyo ng hindi mo inaasahan. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 8, 17, 26, 38, 41, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi isang laro ang buhay! Maging seryoso ka upang seryosong kapalaran at seryosong tao rin ang mapunta sa iyo. Ang mga mahaharot, palabiro at mga saya lang ang gusto sa buhay ay layuan mo agad, dahil darating ang araw lalaruin din sila ng kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Kung sa iba ay paisa-isang biyaya lang ang natatanggap sa iyo ay laging doble o bulto. Ganon din ang suwerteng darating sa iyo, hindi lang marami - parami pa ng parami bawat araw. Upang magpatuloy ang ganoong buhos ng iyong magandang kapalaran, lalo na’t sa panahong ito ng tag-ulan, wag mag-alinlangang ibahagi sa iba ang sobra mong suwerteng natatanggap. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5, 14, 27, 28, 32, 41

Online Horoscope Hulyo 4,2025ARIES  (Marso 21 – April 19) Kikita ka ng kikita at hindi pupuwede sa iyo ang kokonti, dahi...
03/07/2025

Online Horoscope Hulyo 4,2025

ARIES (Marso 21 – April 19) Kikita ka ng kikita at hindi pupuwede sa iyo ang kokonti, dahil ang itinakda sa iyo lagi ng kapalaran ay marami. Kaya kung magtatayo ka ng negosyo at ito ay magiging marami dahil hindi puwede sa ‘yo ang isa lang. Sa lahat ng bagay, laging dalawa, tatlo o marami ang pag-aari mo, dahil ito ang nakatakda sa iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero 9, 14, 23, 27, 37, 45.

TA**US – (April 20 – Mayo 20) Hindi yumayaman ang hindi marunong magpahalaga sa kabuhayan. Nagyon ay susubukan ka ng iyong kapalaran kung ano ang gagawin mo sa mga perang iyong mapapasa kamay? Kung matututo kang magsinop, mas mabilis kang yayaman, pero kung hindi, yayaman ka pa rin medyo matatagalan nga lamang. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 16, 26, 34, 39, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Kumakatok sa pintuan ng iyong kapalaran ang isang nilalang na magbibigay sa ‘yo ng kakaibang saya. Tanggapin mo siya upang malimot mo ang lahat ng problema. Siya rin ang taong lihim na ipinadala sa iyo ng langit, upang umalalay sa lahat ng pagkakataon at sa lahat ng sitwasyon ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag kang makihalo sa mga usapang wala ka namang kinalaman. Baka madamay ka at ikaw pa ang mamroblema sa suliranin ng mga taong hindi magkaintidihan. Sa halip, ang pinakamaganda at pinakamabuti ay asikasuhin mo ngayon ay kung paano palalaguin ang kabuhayan ng inyong pamilya. Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Unahin mong lutasin ang maliliit na problema dahil kapag natapos mo ang mga ito, ang malalaking suliranin ay madali nang masosolusyunan. Kapag nasulusyunan mo na ang mga problema, ang suwerte at magandang kapalaran ay maguuna-unahan ng dumating sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Makulay ang iyong buhay. Punong-puno ng masasayang kaganapan at mga sopresa ng kapalaran na pangggalingan ng mga suwerte mo at yaman. Kaya ingatan mo rin dapat ang iyong kalusugan, upang ang makulay at masayang buhay ay malaya at patuloy mong maranasan. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero 7, 14, 23, 34, 43, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Mahilig ka sa bagong damit. Kaya lang hindi mo pa gagamitin ang ilan sa mga ito. May palatandaan pa nga na ang iba ay ipamimigay mo sa iyong mga kaibigan, kakilala at mga mahal sa buhay. Dahil sa kahiligan mo sa bagong damit at ito ay nagagawa mong ipamigay din, tuloy-tuloy na darating sa iyo ang malalaking suwerte at masasayang karanasang ipagkakaloob sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kailangan ka ng kabarkada mo at kailangan mo rin sila. Sa tuwing magkakasama ang barkada, hindi lang kayo magiging masaya, sa halip ang mga kaibigan at kabarkada mong ito ay sila rin ang magiging lucky charms mo, na magsisilbing panghigop ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27, 31, 32, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Tama ang ginagawa mo sa ngayon. Kung saan ka masaya doon ka! Ang totoo yong mga pumupula at pumipintas ng palihim sa istilo ng iyong pamumuhay ay naiingit lang sila. Kung sila lang ang masusunod at katulad mo silang malaya, gagayahin ka rin nila, dahil nga laging masaya ang buhay mo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 5, 18, 27, 34, 40, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Malaki ang kikitain mo kapag iyong itinuloy ang negosyong namamanahon na biglang pumasok sa iyong isipan. Malaki ang magiging panghihinayang mo kapag naduwag ka at hindi mo sinimulan agad. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Sumali ka sa mga talakayan kung paano gaganda ang kabuhayan. Kailangan ng inyong pamilya ang kakaibang ideya mo at kapag hindi ka sumali iisipin ng iba na wala kang pakisama. Kapag sumali ka, magsisimula ng suwertehin at magakroon ng magandang landasin ang kapalaran ng inyong pamilya hanggang sa tuloy-tuloy na kayong umunlad at yumaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero 3, 12, 24, 33, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Pabugso-bugso ang iyong sigla. Ibig sabihin minsan ito ay lalakas at bigla ding hihina, dahil sa labis kang nababahala sa future. Hindi mo dapat na isipin ang bukas, sa halip ipamuhay mo ang araw na ito na masigla at masaya. Ituring mong ito na ang huling araw kaya gawin mo na ang lahat ng bagay na magpapasaya sa iyo at sa iyong pamilya. Kapag hindi ito ang naging araw ay may bukas pa – muli kang magpakasigla at magsaya! Mapalad ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Apple Paguio - Kapalaran at Pampaswerte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share