05/05/2026
🍽️ FOOD POISONING: IWASAN, ANTIPOLO!
Nagpapaalala ang Antipolo City Health Office na maging mapanuri sa ating pagkain upang maiwasan ang food poisoning (pagkalason sa pagkain) na maaaring magdulot ng pagsusuka, pagtatae, lagnat, at panghihina.
Ang food poisoning ay dulot ng pagkain o inumin na kontaminado ng bakterya, virus, o lason. Maaari itong mangyari dahil sa hindi maayos na paghahanda, pagluluto, at pag-iimbak ng pagkain.
🔍 Mga dapat tandaan para makaiwas:
✅ Hugasan ang kamay at mga gamit sa pagluluto
✅ Siguraduhing lutong mabuti ang pagkain
✅ Itago sa tamang temperatura ang mga pagkain
✅ Ihiwalay ang hilaw sa lutong pagkain
❌ Iwasan ang pagkain na hindi sigurado sa kalinisan
⚠️ Kapag nakaranas ng matinding sintomas tulad ng tuloy-tuloy na pagsusuka, may dugo ang dumi, mataas na lagnat, o matinding panghihina—agad na magpatingin sa doktor.
Sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Jun Ynares, patuloy ang adbokasiya ng Antipolo City Health Office na palakasin ang kaalaman ng bawat Antipoleño sa wastong kalinisan at kaligtasan sa pagkain.
📢 Maging mapanuri sa pagkain, iwas sakit!
💚 Malinis na pagkain, ligtas na kalusugan!