Ilocos Sur Distict Hospital Tagudin - Public Health Unit

Ilocos Sur Distict Hospital Tagudin - Public Health Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ilocos Sur Distict Hospital Tagudin - Public Health Unit, Medical and health, Bio, Tagudin, Ilocos Sur.

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month at National TB Day, inaanyayahan ng Ilocos Sur District Hospital ...
26/08/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Lung Month at National TB Day, inaanyayahan ng Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ang lahat na makiisa sa ating Online Health Lecture na may paksang:

πŸ“Œ β€œTUBERCULOSIS: Alamin ang Sintomas, Agapan ang Lunas!”

Tatalakayin natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Tuberculosis, mga sintomas nito, paraan ng pag-iwas, maagang pagpapatingin, at kahalagahan ng tamang gamutan.

πŸ‘¨β€βš•οΈ Resource Speaker:
Dr. Guilvic Tirso S. Aspiras, RPh, FPCP, FPCCP
Pulmonology / Internal Medicine
Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC)

πŸ“… August 31, 2026 (Monday)
⏰ 1:00 PM
πŸ’» via Google Meet & Facebook Live

πŸ“² Makibahagi at magkaroon ng kaalaman! Sama-sama tayong kumilos tungo sa isang komunidad na malaya sa TB at mas malusog na baga para sa bawat pamilya.

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Sight Saving Month (Month-lon...
21/08/2026

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Sight Saving Month (Month-long) na may temang: "See Clearly, Live Fully: Promoting Early Screening and Better Eye Health."

Matagumpay na isinagawa kahapon,Agosto 20, 2026, ng Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ang pagdiriwang ng Sight Saving Month 2026.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng kaalaman ang ating mga pasyente at miyembro ng komunidad tungkol sa kahalagahan ng maagang pagsusuri at pag-iwas sa mga sakit sa mata, lalo na sa Diabetic Retinopathy at Glaucoma.

πŸ“Œ Mga naging bahagi ng aktibidad:
πŸ’¬ Lay Forum tungkol sa Diabetic Retinopathy at Glaucoma
πŸ‘οΈ Fundus Examination para sa mga high-risk patients
πŸ” IOP Checking o pagsusuri ng eye pressure para matukoy ang posibilidad ng glaucoma
πŸ‘“ LIBRENG READING GLASSES para sa mga kwalipikadong kalahok

Taos pusong pasasalamat kay Dr. Elijah Justienne L. Dauz, DPBO sa kanyang mahalagang suporta, kaalaman, oras, at dedikasyon sa pagsusulong ng mas mabuting eye health para sa ating komunidad. Malaking bahagi ng tagumpay ng aktibidad ang inyong pakikiisa at serbisyo. Maraming salamat po, Doc!

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa at pagtutulungan, patuloy nating isinusulong ang maagang pagsusuri, napapanahong paggamot, at pag-iwas sa pagkawala ng paningin na maaaring maiwasan.

Pangalagaan natin ang ating mga mata at tandaan: See clearly, live fully!









21/08/2026

PAGDIRIWANG NG SAMAHAN, KALUSUGAN, AT SERBISYO!

Balikan natin ang mga makabuluhan at masasayang aktibidad sa ginanap na 2026 National Hospital Week Celebration ng Ilocos Sur District Hospital Tagudin, mula Agosto 3–12, 2026

Mula sa masiglang Zumba at mga wellness activities, masayang Hospitalympics, team-building moments, fellowship, at salu-salong pagkain, hanggang sa Banal na Misa (Holy Eucharistic Mass) at masayang Hospital Jingle, bawat aktibidad ay nagpaalala sa atin na ang isang malusog at masayang lugar ng trabaho ay hindi lamang nabubuo sa pamamagitan ng mahusay na serbisyo, kundi sa pamamagitan din ng pagtutulungan, pagkakaibigan, pagkakaisa, at malasakit.

Ang mga pagdiriwang na ito ay nagbigay ng pagkakataon sa ating hospital family na pansamantalang makapagpahinga mula sa ating mga pang-araw-araw na tungkulin, magsaya kasama ang isa’t isa, maipakita ang ating mga talento at kakayahan, at higit pang mapatibay ang samahan na siyang dahilan kung bakit tayo ay nagkakaisa sa paglilingkod sa ating mga pasyente at komunidad.

✨ Serving with Compassion. Healing with Excellence.✨

Sa lahat ng masisipag at dedikadong empleyado ng ISDH Tagudin, maraming salamat sa inyong aktibong pakikilahok, sigla, sportsmanship, at walang sawang suporta na naging dahilan upang maging makabuluhan, masaya, at hindi malilimutan ang pagdiriwang na ito! πŸ’™

Mabuhay ang ISDH Tagudin! Maraming Salamat po inyong lahat





Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ay nakikiisa sa selebrasyon ng National TB Day (August 19, 2...
19/08/2026

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ay nakikiisa sa selebrasyon ng National TB Day (August 19, 2026) na may temang: "YES! PILIPINAS CAN !

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National TB Day 2026, nagsagawa ngayong Agosto 19, 2026 ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ng Ward Class at pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials para sa mga pasyente sa ward.

Pinangunahan ang aktibidad nina Ginoong Edgar Allan N. Lagrana, Nurse I / TB-DOTS Coordinator, at Ginang Noemi Germelina L. Lodia, Nurse III / District Nurse Supervisor (DNS).

πŸ“š Sa pamamagitan ng ward class at pamamahagi ng IEC materials, nabigyan ang mga pasyente ng mahahalagang kaalaman tungkol sa Tuberculosis (TB), kabilang ang mga senyales at sintomas, paraan ng pagkalat, mga hakbang sa pag-iwas, kahalagahan ng maagang pagpapasuri at tamang gamutan, at ang kahalagahan ng pagtatapos ng buong TB treatment.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga pasyente tungkol sa TB, mahikayat ang maagang pagtukoy at tamang paggamot, maiwasan ang pagkalat ng sakit, at mahikayat ang bawat isa na maging aktibong katuwang sa pagpigil at pagkontrol ng TB.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyong pangkalusugan mismo sa mga pasyente, mas nabibigyan sila ng kakayahang gumawa ng tamang desisyon at maging katuwang sa pangangalaga sa kanilang sarili, pamilya, at komunidad.

πŸ’™ Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na malaya sa TB!









πŸ‘οΈπŸ’™ SEE CLEARLY, LIVE FULLY! πŸ’™πŸ‘οΈIn celebration of Sight Saving Month 2026, Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public H...
19/08/2026

πŸ‘οΈπŸ’™ SEE CLEARLY, LIVE FULLY! πŸ’™πŸ‘οΈ

In celebration of Sight Saving Month 2026, Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unity in partnership with:

🀝 DOH – Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) – Ophthalmology
🀝 Philippine Academy of Ophthalmology (PAO)
🀝 Northwestern Luzon Chapter – Philippine Academy of Ophthalmology (PAO-NWL)
🀝 Ilocos Sur Medical Community

invites everyone to our Sight Saving Month 2026 Celebration with the theme:

🌟 β€œSEE CLEARLY, LIVE FULLY: Promoting Early Screening and Better Eye Health” 🌟

πŸ“… August 20, 2026
⏰ 9:00 AM
πŸ“ Ilocos Sur District Hospital Tagudin Outpatient Department Area

πŸ‘οΈ FREE EYE HEALTH SERVICES:

πŸ—£οΈ Lay Forum – Diabetic Retinopathy and Glaucoma
πŸ‘οΈ Fundus Examination – Retinal screening for high-risk patients
πŸ” IOP Checking – Eye pressure screening for high-risk patients
πŸ‘“ FREE Reading Glasses – Available during the activity

πŸ“Œ High-risk patients include those with diabetes, a family history of glaucoma, and other risk factors identified during assessment.

Let us make eye health a priority. Early screening and timely intervention can help protect our vision and prevent avoidable visual impairment.

Come and joins us😊

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (August 12, 2026) na may tema...
17/08/2026

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (August 12, 2026) na may temang: "Diferrent Contexts, Common Aspirations" at National Adolescent Immunization Month (Month-long) na may temang: "Protect their future.. Vaccinate today"

Bilang isang Adolescent-Friendly Health Facility (AFHF), ang ISDH Tagudin ay patuloy na nagbibigay ng accessible, age-appropriate, confidential, at youth-friendly health services para sa ating mga kabataan. Kabilang dito ang health education and counseling, preventive health services, immunization, at iba pang serbisyong pangkalusugan na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

πŸ’‰ Bakuna ay proteksyon.
πŸ§‘β€πŸ€β€πŸ§‘ Kalusugan ay karapatan.
🌱 Ang malusog na kabataan ay pundasyon ng malusog na kinabukasan.

Kaya, mga kabataan, huwag mag-atubiling lumapit sa ating Adolescent-Friendly Health Facility! Sama-sama nating pangalagaan ang inyong kalusugan, kapakanan, at mga pangarap. πŸ’™










Happiest Birthday Doc Jules BonaπŸŽ‚πŸŽˆπŸŽ‰May Godbless you moreEnjoy your special day Doc😊
17/08/2026

Happiest Birthday Doc Jules BonaπŸŽ‚πŸŽˆπŸŽ‰
May Godbless you more
Enjoy your special day Doc😊

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Awaren...
15/08/2026

Ang Ilocos Sur District Hospital Tagudin Public Health Unit ay nakikiisa sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month (Month-long) na may temang: "Breastfeeding for a Sustainable Start in Life: Strengthen What Works."

Bilang bahagi ng patuloy na health education and promotion activities ng ospital, nagsagawa ng OPD lecture tuwing Miyerkules kasabay ng OB-Gyne Check-up Day upang magbigay ng mahahalagang impormasyon sa mga ina, pamilya, at pasyente tungkol sa kahalagahan at mga benepisyo ng pagpapasuso, tamang paraan ng pagpapasuso, at wastong suporta para sa mga nagpapasusong ina. 🀱🍼

Ito ay pinangunahan ni Ms. Rodilyn B. Leal, Nurse II at MBFHI Focal Person, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay tungkol sa pagpapasuso at kalusugan ng ina at sanggol, nagbigay din IEC material at nagbigay ng impormasyon tungkol sa inisyatibo ng hospital bilang isang Mother-Baby Friendly Health Facility.

Sa pamamagitan ng mga regular na health education session na ito, patuloy na isinusulong ng ISDH Tagudin ang pagpapalaganap, pagprotekta, at pagsuporta sa breastfeeding, habang binibigyang-lakas ang mga ina at pamilya na magkaroon ng sapat na kaalaman at kumpiyansa para sa kalusugan at kapakanan ng kanilang mga anak.

πŸ’—πŸ€± Mabuhay ang mga nagpapasusong ina! Sama-sama nating suportahan ang breastfeeding para sa mas malusog na kinabukasan!









πŸ™β›ͺ BANAL NA MISA AT HOSPITALYMPICS 2026: MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG NATIONAL HOSPITAL WEEK πŸ₯πŸ’™Matagumpay na ipinagdiwang...
15/08/2026

πŸ™β›ͺ BANAL NA MISA AT HOSPITALYMPICS 2026: MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG NATIONAL HOSPITAL WEEK πŸ₯πŸ’™

Matagumpay na ipinagdiwang ng Ilocos Sur District Hospital (ISDH) Tagudin ang National Hospital Week 2026 sa pamamagitan ng mga makabuluhang aktibidad na naglalayong palakasin ang pagkakaisa, pananampalataya, kalusugan, at samahan ng bawat kawani ng ospital.

πŸ™ Noong Agosto 12, 2026, nagsama-sama ang pamilya ng ISDH Tagudin para sa isang Banal na Misa (Holy Eucharistic Mass) bilang bahagi ng pagdiriwang. Naging pagkakataon ito upang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap, humingi ng gabay at lakas sa ating paglilingkod, at ipagdasal ang kaligtasan, kalusugan, at kagalingan ng ating mga pasyente, kanilang pamilya, at mga healthcare workers.

πŸ†πŸŽ‰ Sinundan naman ito ng Hospitalympics 2026 noong Agosto 14, 2026, ang isa sa mga culminating activities ng National Hospital Week, kung saan nagtipon-tipon ang mga empleyado upang makilahok sa iba’t ibang masasaya at kapana-panabik na palaro.

Ang Hospitalympics ay hindi lamang tungkol sa kompetisyon at pagkapanalo. Layunin nitong itaguyod ang pisikal na aktibidad at wellness, mabawasan ang stress sa trabaho, mapalakas ang samahan at pagkakaibigan ng mga empleyado, at higit sa lahat, mapatatag ang teamwork at camaraderie sa loob ng ospital. 🀝πŸ’ͺ

πŸ‘ Maraming salamat sa lahat ng empleyado ng ISDH Tagudin na buong siglang nakilahok sa iba’t ibang larong inihanda para sa pagdiriwang! Ang inyong enerhiya, kasiyahan, sportsmanship, at aktibong pakikilahok ang nagbigay-buhay sa makabuluhang aktibidad na ito.

πŸ† Binabati rin namin ang lahat ng mga nanalo! 🎊 Ang inyong determinasyon, teamwork, at husay ay tunay na kahanga-hanga. Ngunit higit sa mga tropeo at premyo, ang tunay na tagumpay ay ang pagkakaisa at pagsasama-sama natin bilang isang pamilya ng ISDH Tagudin. ❀️

Bilang pangwakas na bahagi ng selebrasyon ng National Hospital Week 2026, masayang nagsama-sama ang mga empleyado ng Ilocos Sur District Hospital (ISDH) Tagudin upang sabay-sabay na sayawin ang Hospital Jingle! πŸ’ƒπŸ•ΊπŸŽΆ

Sa pagtatapos ng ating pagdiriwang ng National Hospital Week 2026, nawa’y patuloy nating dalhin ang diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, malasakit, at dedikasyon sa ating araw-araw na paglilingkod.

πŸ’™ β€œJuan Health for JuNation: Makabagong Teknolohiya sa Ospital na Mapagkalinga.β€πŸ’™

Mabuhay ang ISDH Tagudin! Mabuhay ang ating mga health workers! πŸ₯πŸ‘











Address

Bio, Tagudin
Ilocos Sur

Telephone

+639988566920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ilocos Sur Distict Hospital Tagudin - Public Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share