RHU Midsayap HEPO

  • Home
  • RHU Midsayap HEPO

RHU Midsayap HEPO RHU HEALTH EDUCATION AND PROMOTION OFFICE OF MIDSAYAP��

📢 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗥𝗛𝗨 𝗠𝗜𝗗𝗦𝗔𝗬𝗔𝗣Ang 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 – 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗼𝗳 𝗠𝗶𝗱...
06/08/2026

📢 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗥𝗛𝗨 𝗠𝗜𝗗𝗦𝗔𝗬𝗔𝗣

Ang 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 – 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗼𝗳 𝗠𝗶𝗱𝘀𝗮𝘆𝗮𝗽 ay patuloy na nagbibigay ng dekalidad, abot-kaya, at ilang libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.

Tingnan ang List of Services and Price List para sa inyong gabay. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita o makipag-ugnayan sa inyong Rural Health Unit.

FEES AND CHARGES OF RURAL HEALTH UNIT OF MIDSAYAP (PRIMARY CARE FACILITY) is based on Ordinance 344 series of 2017 and Ordinance 266 series of 2014.



𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 | "Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado!"Ang 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 ay isang mahalaga...
06/08/2026

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝗜𝗦 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 | "Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado!"

Ang 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗣𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 ay isang mahalagang bahagi ng responsableng pagpapamilya at pangangalaga sa kalusugan ng mag-asawa at ng buong pamilya. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at angkop na family planning method, nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat pamilya na makapagplano ng bilang at agwat ng kanilang mga anak ayon sa kanilang kakayahan, kalusugan, at kinabukasan.

May iba't ibang ligtas, epektibo, at makabagong 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗽𝗹𝗮𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗲𝘁𝗵𝗼𝗱𝘀 na maaaring pagpilian. Ang pinakamainam na paraan ay nakabatay sa inyong pangangailangan at medikal na kalagayan, kaya mahalagang kumonsulta sa inyong healthcare provider upang makatanggap ng tamang gabay at payo.

Kung makaranas ng anumang side effects sa paggamit ng isang family planning method, huwag agad itong ihinto. Makipag-ugnayan sa inyong pinakamalapit na health center upang mabigyan ng wastong payo at, kung kinakailangan, alternatibong pamamaraan na mas angkop sa inyo.

📍 Bumisita sa inyong 𝗥𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗨𝗻𝗶𝘁 𝗼 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 upang makakuha ng libreng family planning counseling at mga serbisyong naaayon sa inyong pangangailangan.



𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐢𝐬 𝐟𝐥𝐮 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧! 🤒🌧️Kasabay ng papalit-palit na panahon ay ang banta ng pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong s...
05/08/2026

𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝐢𝐬 𝐟𝐥𝐮 𝐬𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧! 🤒🌧️
Kasabay ng papalit-palit na panahon ay ang banta ng pagtaas ng kaso ng mala-trangkasong sakit o influenza-like illnesses.
Basahin at ipamahagi ang mahahalagang impormasyon sa mga sintomas, paraan ng pag-iwas, at mga hakbang kung sakaling tamaan nito.


𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programa...
05/08/2026

𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan para sa kababaihan, nagsagawa ang Municipal Health Office (Rural Health Unit) ng Midsayap ng 𝗖𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗻𝗰𝗲𝗿 𝗦𝗰𝗿𝗲𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗔𝗰𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗔𝗰𝗶𝗱 (𝗩𝗜𝗔) sa mga sumusunod na barangay:

📍 Hulyo 30, 2026 – Barangay Salunayan
✅ Naserbisyuhan ang 10 kliyente
📍 Agosto 5, 2026 – Barangay Ilbocean
✅ Naserbisyuhan ang 10 kliyente

Ang 𝗩𝗶𝘀𝘂𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗔𝗰𝗲𝘁𝗶𝗰 𝗔𝗰𝗶𝗱 (𝗩𝗜𝗔) ay isang simple, ligtas, at epektibong paraan ng pagsusuri na ginagamit upang matukoy ang mga maagang pagbabago sa cervix na maaaring mauwi sa cervical cancer. Ang maagang pagtuklas sa pamamagitan ng regular na screening ay nagbibigay ng mas malaking pagkakataon para sa agarang pamamahala at paggamot, na nakatutulong sa pagbawas ng panganib ng cervical cancer.

📢 𝗣𝗮𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼:

Ang Cervical Cancer Screening (VIA) ay 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘 at available sa Rural Health Unit (RHU) Midsayap 𝘁𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗲𝘀, mula 7:30 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi.

Ang serbisyong ito ay para sa mga kababaihang:
• 30–49 taong gulang
• Walang kasalukuyang menstruation sa araw ng screening

Inaanyayahan ang mga kwalipikadong kababaihan na magtungo sa RHU upang mapakinabangan ang libreng serbisyong ito. Ang regular na pagpapasuri ay isang mahalagang hakbang sa pangangalaga sa kalusugan at pag-iwas sa cervical cancer.

Sama-sama nating isulong ang maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical cancer para sa isang mas malusog na komunidad.



MAG-BREASTFEEDING NA! Alam mo ba kung gaano kahalaga ang unang 6 na buwan sa buhay ni Baby?May dalawang simpleng hakbang...
04/08/2026

MAG-BREASTFEEDING NA!
Alam mo ba kung gaano kahalaga ang unang 6 na buwan sa buhay ni Baby?
May dalawang simpleng hakbang na malaking tulong para sa kalusugan ni Baby.
Alamin ang detalye sa baba.





MAG-BREASTFEEDING NA!

Alam mo ba kung gaano kahalaga ang unang 6 na buwan sa buhay ni Baby?

May dalawang simpleng hakbang na malaking tulong para sa kalusugan ni Baby.

Alamin ang detalye sa baba.






𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝗸𝗼𝗴 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗺𝗮𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗮𝗴𝘀𝘂𝗴𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼𝘁.Para sa mas himsog nga kaugmaon:🌱 Pada...
03/08/2026

𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝗸𝗼𝗴 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗺𝗮𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗮𝗴𝘀𝘂𝗴𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼𝘁.
Para sa mas himsog nga kaugmaon:
🌱 Padayon sa pagpasuso ug hatagi ang mga bata og lain-laing masustansyang pagkaon.
🌱 Pilia ang lokal nga mga sangkap sa pagluto.
🌱 Pagtanom og gulay ug prutas sa inyong tugkaran o komunidad.
Sugdi ang gagmay nga mga lakang alang sa mas himsog nga pamilya ug mas luntian nga kaugmaon. Kauban sa National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa pagsaulog sa National Nutrition Month 2026.
𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙪𝙜 𝙆𝙞𝙣𝙖𝙞𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣, 𝘼𝙩𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙢𝙥𝙞𝙣𝙜𝙖𝙣!





𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝗸𝗼𝗴 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘂𝗴𝗺𝗮𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗮𝗴𝘀𝘂𝗴𝗼𝗱 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘁𝗶𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗶𝗯𝗼𝘁.
Para sa mas himsog nga kaugmaon:

🌱 Padayon sa pagpasuso ug hatagi ang mga bata og lain-laing masustansyang pagkaon.

🌱 Pilia ang lokal nga mga sangkap sa pagluto.

🌱 Pagtanom og gulay ug prutas sa inyong tugkaran o komunidad.

Sugdi ang gagmay nga mga lakang alang sa mas himsog nga pamilya ug mas luntian nga kaugmaon. Kauban sa National Nutrition Council ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) sa pagsaulog sa National Nutrition Month 2026.
𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙪𝙜 𝙆𝙞𝙣𝙖𝙞𝙮𝙖𝙝𝙖𝙣, 𝘼𝙩𝙤𝙣𝙜 𝘼𝙢𝙥𝙞𝙣𝙜𝙖𝙣!






5th PK Ball Pickleball Open Play for a cause on July 31, 2026 at Poblacion 7, Midsayap, Cotabato.
01/08/2026

5th PK Ball Pickleball Open Play for a cause on
July 31, 2026 at Poblacion 7, Midsayap, Cotabato.

💛 𝗛𝗘𝗣 𝗛𝗘𝗣! 𝗔𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻, 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮, 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻! Ngayong 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗛𝗲𝗽𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆, sama-sama nating palawakin ang kaalaman tungko...
28/07/2026

💛 𝗛𝗘𝗣 𝗛𝗘𝗣! 𝗔𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻, 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗯𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮, 𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻!

Ngayong 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗛𝗲𝗽𝗮𝘁𝗶𝘁𝗶𝘀 𝗗𝗮𝘆, sama-sama nating palawakin ang kaalaman tungkol sa Hepatitis, isang viral na impeksyon na maaaring makasira sa ating atay at magdulot ng seryosong komplikasyon tulad ng cirrhosis at liver cancer kapag hindi naagapan.

⚠️ Bantayan ang mga sintomas:
Paninilaw ng balat at mata
Paulit-ulit na lagnat
Panghihina ng katawan
Pagduduwal at pagsusuka
Pananakit ng kanang bahagi ng tiyan

💉 Ang Hepatitis ay maaaring maiwasan at magamot. Ang maagang pagpapasuri, tamang paggamot, at pagbabakuna (para sa Hepatitis B) ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating sarili at ang ating pamilya.

Alamin ang iyong status. Protektahan ang iyong atay. Maging bahagi ng solusyon laban sa Hepatitis.





𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗻𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakaya...
27/07/2026

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗔𝗻𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga Healthcare Workers at DepEd Nurses, isinagawa noong 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 ang 𝗟𝗲𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗼𝗻 𝗘𝘆𝗲 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 sa 𝗔𝗰𝗲 𝗥𝗲𝘀𝘁𝗼 𝗙𝘂𝗻𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗛𝗮𝗹𝗹, 𝗣𝗼𝗯𝗹𝗮𝗰𝗶𝗼𝗻 𝟮, 𝗠𝗶𝗱𝘀𝗮𝘆𝗮𝗽, 𝗖𝗼𝘁𝗮𝗯𝗮𝘁𝗼.

Nagsilbing resource speaker si 𝗗𝗿. 𝗘𝗱𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗝. 𝗦𝗼𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼, partner ophthalmologist ng RHU Midsayap, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at tamang pamamaraan sa pagsasagawa ng eye health assessment. Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga healthcare workers upang matiyak ang wasto, pare-pareho, at dekalidad na pagsusuri sa mga kliyenteng nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan sa mata.

Patuloy na isinusulong ng 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗻𝗴 𝗠𝗶𝗱𝘀𝗮𝘆𝗮𝗽, sa pangunguna ni 𝗗𝗿. 𝗥𝗼𝘄𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗛. 𝗥𝗲𝗽𝗼𝗹𝗹𝗼, Municipal Health Officer, ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga healthcare workers sa pamamagitan ng mga makabuluhang pagsasanay upang makapaghatid ng dekalidad, ligtas, at madaling maabot na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Midsayapeño.

Buo rin ang suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Midsayap, sa pamumuno ni 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙡𝙡𝙮 “𝙐𝙧 𝘿𝙖 𝙈𝙖𝙣” 𝙎𝙖𝙘𝙙𝙖𝙡𝙖𝙣, sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan.



𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮: 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗻𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆Noong 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟭–𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲, matagumpay na isinagawa ang 𝗚𝗮...
27/07/2026

𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮: 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗻𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆

Noong 𝗛𝘂𝗹𝘆𝗼 𝟮𝟭–𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲, matagumpay na isinagawa ang 𝗚𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗗𝗿𝗼𝗴𝗮: 𝗙𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆 𝗘𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗥𝗼𝗹𝗹-𝗼𝘂𝘁 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 sa 𝗔𝗰𝗮𝗰𝗶𝗮 𝗛𝗮𝗹𝗹, 𝗠𝗲𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 𝗘𝘃𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, 𝗠𝗶𝗱𝘀𝗮𝘆𝗮𝗽, 𝗖𝗼𝘁𝗮𝗯𝗮𝘁𝗼, na dinaluhan ng mga Healthcare Workers ng Rural Health Unit of Midsayap at Barangay Health Workers (BHWs).

Pinangunahan ang aktibidad ni 𝗚𝗲𝗺𝗺𝗮 𝗩. 𝗔𝗰𝗼𝘀𝘁𝗮, 𝗥𝗡, 𝗠𝗣𝗔, CBDRP Coordinator, sa pakikipagtulungan nina 𝗝𝘂𝗱𝘆 𝗠𝗮𝗲 𝗧. 𝗥𝗲𝗼𝗺𝗮, 𝗥𝗡, 𝗠𝗔𝗡 at 𝗝𝗼𝗵𝗻𝗿𝘆𝗹 𝗟. 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝗥𝗡, 𝗠𝗔𝗡, 𝗠𝗣𝗔, 𝗠𝗕𝗔, 𝗙𝗣𝗖𝗛𝗔, na nagsilbing mga resource speakers ng nasabing pagsasanay.

Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pag-iwas sa ipinagbabawal na gamot at pagsusulong ng kalusugan sa antas ng komunidad.

Patuloy ang ating 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pangunguna ni 𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗥𝗼𝘄𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗛. 𝗥𝗲𝗽𝗼𝗹𝗹𝗼, Municipal Health Officer ng Midsayap sa pagbibigay ng dekalidad, ligtas, at accessible na serbisyong pangkalusugan para sa bawat pamilyang Midsayapeño.

Ang programa ay naisakatuparan sa tulong ng suporta at pondo mula sa 𝙂𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙖𝙣𝙙 𝘿𝙚𝙫𝙚𝙡𝙤𝙥𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙁𝙤𝙘𝙖𝙡 𝙋𝙤𝙞𝙣𝙩 𝙎𝙮𝙨𝙩𝙚𝙢 (𝙂𝘼𝘿𝙁𝙋𝙎) bilang bahagi ng pagsusulong ng gender-responsive at inclusive health programs sa komunidad.

Patuloy ding ipinapakita ng lokal na pamahalaan ng Midsayap, sa pamumuno ni 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙍𝙤𝙡𝙡𝙮 “𝙐𝙧 𝘿𝙖 𝙈𝙖𝙣” 𝙎𝙖𝙘𝙙𝙖𝙡𝙖𝙣, ang suporta nito sa mga programang pangkalusugan.



Address

Midsayap Birthing Home ( Bahay/Paanakan), Poblacion 3, Midsayap

9410

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU Midsayap HEPO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share