27/08/2026
💙🧔 ERPATS | Empowered and Responsible Partners of Active Tatay’s & Spouses
📍Mambulo Viejo Covered Court
Isang makabuluhang talakayan ang isinagawa para sa mga tatay, partner, at pamilya ng Mambulo Viejo sa ilalim ng ERPATS Program na may temang “Tatay na Responsable, Pamilyang Matatag.”
Naging bahagi ng aktibidad ang pagbabahagi ng kaalaman ng ating RHU IV Rural Health Physician tungkol sa mahahalagang paksa tulad ng Mental Health, Stress Management, Substance Abuse Prevention, at Responsible Parenthood upang matulungan ang mga magulang na mas maging handa sa pagharap sa mga hamon ng pagiging gabay ng pamilya.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon, pag-unawa, at pagpapakita ng pagmamahal sa loob ng tahanan. ❤️
Mga magulang, huwag kalimutang iparamdam sa inyong mga anak ang pagmamahal araw-araw—ugaliing magsabi ng “I love you” sa mga anak dahil ang simpleng salita ng pagmamahal ay malaking bagay sa kanilang paglaki. 🥰
Patuloy ang RHU IV – Libmanan sa pagsusulong ng mas matatag na pamilya at mas malusog na komunidad.