29/06/2025
" kung bawat luha'y maaaring gawing hagdanan at ang kirot sa dib-dib ay magsilbing baitang,aakyatin ko ang langit upang ikaw ay mapuntahan at makikiusap sa " Panginoon " maiuwi ka lamang "..
ni:Pepe
Kami po na mga mag- aaral sa BCHS batch 85-86 ( 4B- Emerald) ay labis po na kalungkutan ang nadarama dahil po sa pag panaw ng aming butihing g**o na si Gng. Clarita Samson Olaya ...kung nasaan man po ngayon siya nais po naming iparating ang aming lubos na pasasalamat sa mga bagay na kanyang ipinunla sa bawat isipan ng isa sa amin....marami pong salamat mam Clarita..dalangin po ng bawat isa sa amin na kamtin po ninyo ang kapayapaan sa piling ng ating "Ama sa Langit"
Gayundin po ang Bataeño Federation of Sr. Citizen funeral parlor ay nais din pong ipaabot ang kanilang lubos pakikiramay sa mga mahal sa buhay na naiwan ng yumao at maging ang samahan po ng mga nakatatanda (FSCAP) sa Abucay nagpapaabot din po ng kanilang pakikiramay...Rest in peace po Ma'am Clarita S. Olaya...May 22,1944 - June 29, 2025
" Salamat sa g**o "
Katuwang ng magulang,silang mga g**o,
Na nagpapakapuyat,sa paghahanda ng ituturo,
Lilinangin ang isipan,na parang lupang
tiwang-wang,
Upang ito'y mataniman,maani natin sa kinabukasan.
Ano ang doktor, abugado at inhinyero,
Kung wala ang g**o,na sa kanila'y nagturo,
Paano nalinang,ang kanilang isipan,
Kun'di dahil sa g**o,wala ang sinuman.
Sino ba ang g**ong ito,kung ating iisipin,
Na nagpapaka- hirap,sa mga katulad natin,
Limot na bayani, kung sila'y ituring,
Pagkat walang bantayog na ating titingalain.
Sa araw na ito,sa inyo ang karangalan,
Sa pagpapasalamat, sa mga natutunan,
Sa paglilinis,ng aming daraanan,
Sa pagtahak sa landas,na di maliligaw...
ni:zaldygdacion