12/10/2024
“𝐊𝐮𝐝𝐨𝐬 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐓𝐎. 𝐓𝐎𝐌𝐀𝐒 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟒.”
Ang Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sto. Tomas ay nagsagawa ng kanilang 2nd General Assembly na may temang: Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas” noong ika-11 ng Oktubre sa ganap na alas-5 ng hapon. Kasama rin dito ang ilan sa mga head officers na nagmula sa iba’t ibang departamento sa pamunuan ng Bayan ng Agoncillo. Isa na rito sina Mr. Christian Dave N. Luya (Public Information Officer), Ms. Ella Refaela A. Padua (Nurse 1 and Adolescent Health and Development Program Manager), Ms. Jhoy Charisma M. Deomampo, PMAJ Broderick Noprada, FO1 Cresencio Tolentino, at Mr. Jerome A. De Roxas (MDRRMO Agoncillo).
Kaugnay nito, naipahayag ng Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kap. Ricardo S. Encarnacion at Sangguniang Kabataan na pinangungunahan ni SK Chairperson Janella Ann Sebastian D. Angulo ang kanilang mga proyektong naisakatuparan sa pangalawang semestre ng taon pati na rin ang mga proyekto sa darating na taon.
Ang buong Saggunian ng Barangay Sto. Tomas ay malugod na nagpapasalamat sa ating mga magulang, 4Ps, Senior Citizens, at mga Kabataan na nagbigay ng kanilang oras upang makiisa sa mahalagang talakayin na ito sa Barangay.