05/06/2026
Ngayong Dengue Awareness Month, paalalahanan natin ang bawat pamilya na ang pag-iwas sa dengue ay nagsisimula sa ating sariling tahanan.
⏰ Tuwing Alas-Kwatro, ugaliin ang:
✅ TAOB – Itumba ang mga lalagyan na maaaring maipunan ng tubig.
✅ TAKTAK – Alisin ang naipong tubig sa mga paso, gulong, at iba pang lalagyan.
✅ TUYO – Panatilihing tuyo at malinis ang paligid.
✅ TAKIP – Takpan ang mga imbakan ng tubig upang hindi pamugaran ng lamok.
Ang lamok na nagdadala ng dengue ay mabilis dumami sa mga lugar na may nakatiwangwang na tubig. Sa simpleng 4S Strategy at sa araw-araw na pagsasagawa ng Taob, Taktak, Tuyo, Takip, makatutulong tayo sa pagpigil ng pagkalat ng dengue sa ating komunidad.
🚨 Magpatingin agad sa pinakamalapit na health facility kung may sintomas ng dengue tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo at katawan, pagkahilo, o pagdurugo.
💙 Sama-sama nating pangalagaan ang ating pamilya at komunidad lalo na ngayong paparating na tag-ulan sa ating bansa.