04/05/2026
💙 ALAGAAN ANG BATO, ALAGAAN ANG BUHAY! 💚
Minsan, tahimik lang ang kidney disease—kaya mas mahalaga ang maagang checkup, tamang lifestyle, at regular monitoring.
Kung ikaw ay may high blood pressure, diabetes, naninigarilyo, mahilig sa maalat/matamis/matatabang pagkain, o madalas mag-self-medicate, mas mataas ang risk mo.
✅ Kumain nang healthy
✅ Mag-ehersisyo araw-araw
✅ I-check ang blood pressure at blood sugar
✅ Uminom ng sapat na tubig ayon sa payo ng doktor
✅ Iwasan ang self-medication
✅ Magpatingin nang maaga
Kapag may sintomas gaya ng pamamaga ng paa o mukha, madaling pagkapagod, pagbabago sa ihi, hirap huminga, o madalas mataas ang BP — huwag ipagpaliban. Magpakonsulta agad sa doktor o pinakamalapit na health center.
Sa iCare Dialysis Center, naniniwala kami na ang tunay na malasakit ay nagsisimula sa pag-iwas, kaalaman, at maagang aksyon.
📍 CDD-iCare Dialysis Center Corp.
Alagang may malasakit. Serbisyong may puso.