28/07/2026
🌿🥗 Nutrition Month Celebration 2026: Cook Fest 🥗🌿
Matagumpay na ipinagdiwang ang Nutrition Month sa pamamagitan ng isang masaya at makabuluhang Cook Fest na may temang "Cooking Ina Mo 2.0"
Sa pamumuno ni Dr. Princess Faith P. Penetrante at sa buong suporta ng ating butihing Mayor Joelle Mathea S. Panganiban, matagumpay na naisagawa ang patimpalak na nagbigay-diin sa kahalagahan ng paghahanda ng masustansya, ligtas, at abot-kayang pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.
Buong pagmamalaking nakiisa ang La-Suerte Region sa cooking competition kasama ang ating mga masisipag na mga magulang, Nurse Gerlie Corpuz Labuguen - Canceran , Midwife Catalina Arucan Remudaro at BNS Sulema Palattao . Ang kanilang dedikasyon, pagtutulungan, at pagkamalikhain ay tunay na naging inspirasyon sa pagtataguyod ng wastong nutrisyon sa ating komunidad.
Kasabay nito ang pagbibigay ng maraming give away sa mga bata gaya ng;
✅1 tray na itlog
✅5 kls na bigas
✅Isang basket ng prutas at gulay
✅Seeds na galing sa Dept.of Agri
✅Coloring books
✅Hygiene kit
💚 Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa pagdiriwang. Patuloy nating isulong ang wastong nutrisyon tungo sa isang mas malusog at masiglang komunidad.
Happy Nutrition Month! 🌾🍽️
.0