06/03/2026
🦶 “Hindi lahat ng sugat sa paa ng may diabetes ay kailangang mauwi sa putol.”
Ito ang mensahe ng IWAS PUTOL: Tamang Hakbang sa Pag-aalaga ng Diabetic Foot 🩺 — isang lecture na naglalayong magbigay kaalaman kung paano maiiwasan ang amputasyon sa mga pasyenteng may diabetes sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga ng paa at maagang pagkilala sa problema.
📍 Noong February 27, naidaos ang ikatlong leg ng lecture sa Villaba, Leyte, kasama ang mga barangay health workers at lokal na doktor. Tinalakay dito ang basic diabetic foot care, mga babalang senyales ng sugat sa paa, at pagwawasto ng mga karaniwang maling paniniwala tungkol sa diabetic foot.
Ang lecture series na ito ay pinangunahan ng Department of Orthopedics - Jose R. Reyes Memorial Medical Center, at nagsimula sa San Fernando, Pampanga, sinundan sa Bacolod, at ngayon ay naidaos na rin sa Villaba, Leyte 📚
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman sa komunidad, mas maraming paa ang maliligtas.