12/09/2026
๐จ ๐๐๐ฃ๐ง๐ข๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฌ
Sa patuloy na pag-ulan at pagbaha, hinihikayat ni Mayor Carmelo โJonโ B. Lazatin II ang lahat ng Angeleรฑo na manatiling alerto, maingat, at maagap upang maiwasan ang ๐๐๐ฃ๐ง๐ข๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ at maprotektahan ang kalusugan ng bawat pamilya.
๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐ง๐ข๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ?
Ang leptospirosis ay sakit na dulot ng bacteria na Leptospira, na maaaring matagpuan sa ihi ng mga hayop na may impeksyon, lalo na ng mga daga. Maaari nitong makontamina ang baha, putik, pagkain, at tubig.
๐๐จ๐ ๐จ๐ฆ๐ข๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐?
Kung kinakailangang lumusong sa baha, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center para sa assessment at tamang gabay mula sa health professional.
Maaaring magrekomenda ng antibiotic gaya ng doxycycline kung naaangkop sa kondisyon at batay sa medical assessment. Huwag basta-basta uminom ng antibiotic nang walang payo ng health professional.
๐ฃ๐๐๐ก๐ข ๐ ๐๐๐๐ช๐๐ฆ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐ง๐ข๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ?
โ๏ธ Iwasang lumusong sa baha kung hindi kinakailangan.
โ๏ธ Kung kailangang lumusong, magsuot ng bota, gloves, at protective clothing.
โ๏ธ Maligo at maghugas agad pagkatapos mababad sa baha o maruming tubig.
โ๏ธ Takpan at panatilihing malinis ang mga sugat.
โ๏ธ Uminom lamang ng malinis at ligtas na tubig.
โ๏ธ Itapon at takpan nang maayos ang basura upang hindi ito pamahayan ng mga daga.
๐๐๐ก๐ง๐๐ฌ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ฆ๐๐ก๐ง๐ข๐ ๐๐ฆ
Mag-ingat sa mga sumusunod:
๐ก๏ธ Lagnat
๐ค Sakit ng ulo at katawan, lalo na sa binti
๐๏ธ Pamumula ng mata
๐ก Paninilaw ng mata o balat
๐คข Pagsusuka
Pananakit ng tiyan
๐ฝ Hirap umihi o walang ihi
๐ซ Hirap sa paghinga
๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ข๐ก๐ฆ๐จ๐๐ง๐ ๐๐๐๐
Kung nagkaroon ng contact o pagkakalubog sa baha o maruming tubig at nakararanas ng mga sintomas, huwag itong balewalain. Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center o health facility.
Patuloy ang panawagan ni Mayor Jon na unahin ang kaligtasan at kalusugan ng bawat Angeleรฑo. Sa pamamagitan ng pagiging maingat, maagap, at mapagmatyag, makatutulong ang bawat isa sa pagpigil sa pagkalat ng leptospirosis sa ating komunidad.
๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐๐ผ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐ด๐ฎ๐. ๐ ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฑ.
โ ๏ธ ๐๐ก๐ ๐๐๐ฃ๐ง๐ข๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฆ ๐๐ฌ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐ ๐๐ง๐๐ฌ.