Mayari's Lucky Charms

Call Directions Website

Mayari's Lucky Charms Bringing the light of the moon to your everyday life. Healing • Luck • Manifestation

📩 Message us to find your perfect match."

🚨 Mercury Retrograde na naman. Aba'y welcome back sa season ng "Ano ba talaga tayo?" 🤦🏻‍♀️😂Kung biglang may nag-chat na ...
30/06/2026

🚨 Mercury Retrograde na naman. Aba'y welcome back sa season ng "Ano ba talaga tayo?" 🤦🏻‍♀️😂

Kung biglang may nag-chat na ex, old friend, o taong ilang buwan kang ginhost tapos ngayon "Hi, kumusta?"... aba, wag agad kiligin. Baka Mercury lang 'yan, hindi destiny. 😭🤣

Sa mga susunod na linggo, normal lang kung:
✨ Mas emotional ka kaysa usual.
✨ Paulit-ulit ang family issues na akala mo tapos na.
✨ May mga misunderstanding kahit malinaw naman ang chat mo. (Basahin mo ulit bago i-send, bes. 😂)
✨ Delayed ang mga plano, biyahe, o kahit gadgets na biglang nagto-topak.

Hindi ibig sabihin malas ka. Ang universe minsan parang nanay lang...
"Anak, umupo ka nga. May kailangan tayong pag-usapan na ilang buwan mo nang ini-ignore." 😌

Kaya bago ka mag-react, mag-away, mag-resign, o bumalik sa taong dahilan ng therapy mo... inom ka muna ng tubig. Huminga. Isipin kung peace ba ang dala niya o panibagong stress na naman. 😅
Reminder lang, mga mare: Hindi lahat ng bumabalik ay para manatili. Minsan bumabalik lang sila para i-test kung natuto ka na. 😂
Mercury Retrograde isn't here to ruin your life. Nandito lang siya para ipaalala na may mga bagay na kailangan mong ayusin, i-heal, at tuluyan nang bitawan.

Protect your peace. Double-check your messages. At higit sa lahat... wag marupok dahil lang nag-"Hi." 🤍✨

Ang inaabangan ng lahat 😚🔮HOROSCOPE TODAY🔮💗JUNE 29,2026💗♈ Aries (March 21 – April 19)May mga bagay na hindi mo na kayang...
29/06/2026

Ang inaabangan ng lahat 😚

🔮HOROSCOPE TODAY🔮
💗JUNE 29,2026💗

♈ Aries (March 21 – April 19)
May mga bagay na hindi mo na kayang baguhin kahit anong effort pa ang ibigay mo. Imbes na pilitin mong ibalik ang nakaraan, piliin mong bitawan ito. Hindi lahat ng nawawala ay dapat habulin. Minsan, ang pagkawala ang gumagawa ng espasyo para sa mas magandang oportunidad. Huwag mong dalhin ang mga lumang sama ng loob dahil mabibigatan lang ang susunod mong hakbang.
Lucky Number: 22, 7, 29
Lucky Color: Gold, Yellow
♉ Ta**us (April 20 – May 20)
Huwag hayaang sirain ng problema sa pera ang relasyon o pamilya mo. Ang mga pagsubok sa pananalapi ay lumilipas, pero ang masasakit na salitang nabibitawan ay maaaring manatili. Huminga muna bago magdesisyon. Ang tamang komunikasyon at pasensya ang magiging susi para maayos ang sitwasyon.
Lucky Number: 45, 9, 23
Lucky Color: Purple, Red
♊ Gemini (May 21 – June 20)
Ang iniisip mo ang nagdidikta ng direksyon ng araw mo. Kung puro negatibo ang papasukin mo sa isip mo, pati magagandang pagkakataon ay hindi mo mapapansin. Piliin mong mag-focus sa mga bagay na nagbibigay ng inspirasyon at lakas. Hindi mo kontrolado ang lahat ng mangyayari, pero kontrolado mo kung paano ka tutugon.
Lucky Number: 19, 30, 16
Lucky Color: Pink, Red
♋ Cancer (June 21 – July 22)
Ngayong araw, piliin mong maging totoo sa sarili mo. Hindi mo kailangang maging perpekto para tanggapin ng iba. Ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula kapag tumigil kang magpanggap. Alagaan mo rin ang sarili mong emosyon at huwag mong akuin ang problema ng lahat.
Lucky Number: 17, 39, 44
Lucky Color: Black, Violet
♌ Leo (July 23 – August 22)
Kung may pangarap kang matagal nang isinantabi, baka ito na ang tamang panahon para balikan ito. Hindi hadlang ang edad o nakaraan. Ang tunay na limitasyon ay ang paniniwala mong hindi mo na kaya. Simulan mo ulit. Kahit maliit na hakbang lang, malaking progreso na iyon.
Lucky Number: 27, 10, 6
Lucky Color: Brown, Purple
♍ Virgo (August 23 – September 22)
Hindi ka ginawa para mabuhay sa takot. Ang mga oportunidad ay para sa mga taong handang sumubok. Huwag mong hintaying maging perpekto ang lahat bago ka kumilos. Mas masakit ang pagsisisi kaysa sa pagkakamali.
Lucky Number: 17, 38, 25
Lucky Color: Pink, Burgundy
♎ Libra (September 23 – October 22)
Ang pinakamalaking hadlang sa pangarap mo ay minsan ang sarili mong pagdududa. Maniwala ka sa kakayahan mo. Hindi man madali ang dadaanan mo, sapat ang lakas mo para malampasan ito. Ang tagumpay ay nagsisimula sa paniniwala sa sarili.
Lucky Number: 38, 45, 7
Lucky Color: Peach, Silver
♏ Scorpio (October 23 – November 21)
Ipagpatuloy mo lang ang mabubuti mong ginagawa. Maaaring mabagal ang resulta, pero hindi nasasayang ang bawat effort mo. Habang nananatili kang matatag at may pananampalataya, unti-unting bubukas ang mga oportunidad na para talaga sa'yo.
Lucky Number: 30, 29, 11
Lucky Color: Gold, Burgundy
♐ Sagittarius (November 22 – December 21)
Pagod ka na, pero hindi pa ito ang oras para sumuko. Ang bawat araw na pinipili mong lumaban ay inilalapit ka sa mga pangarap mo. Magpahinga kung kailangan, pero huwag mong kalimutang bumangon ulit.
Lucky Number: 15, 24, 2
Lucky Color: Light Green, Sky Blue
♑ Capricorn (December 22 – January 19)
Kung mabigat ang pinagdaraanan mo ngayon, tandaan mong hindi ito habang-buhay. Ang bawat pagsubok ay may itinuturo at inihahanda ka para sa mas malaking responsibilidad at mas magagandang biyaya. Magtiwala sa proseso.
Lucky Number: 28, 10, 35
Lucky Color: Orange, Indigo
♒ Aquarius (January 20 – February 18)
May mga pagkakataong matatalo ka, madadapa, o mabibigo. Pero tandaan, ang pagkatalo ay pangyayari lamang at hindi ito ang sukatan ng pagkatao mo. Hangga't pinipili mong bumangon at magpatuloy, hindi ka talunan. Ang tunay mong lakas ay makikita sa bawat pagkakataong hindi ka sumusuko.
Lucky Number: 46, 28, 10
Lucky Color: Pink, Violet
♓ Pisces (February 19 – March 20)
Mas malakas ka kaysa sa iniisip mo. Nasa iyo na ang kakayahang baguhin ang direksyon ng buhay mo. Huwag mong hayaang takot o opinyon ng ibang tao ang humawak sa manibela ng kapalaran mo. Magtiwala sa sarili dahil ang susunod mong hakbang ay maaaring maging simula ng pinakamagandang kabanata ng buhay mo.
Lucky Number: 37, 4, 17
Lucky Color: Green, Gray

✨💜 FEEDBACK OF THE DAY 💜✨Maraming salamat po sa tiwala at pagbabahagi ng inyong experience. 🙏Nag-avail po siya ng Wishin...
29/06/2026

✨💜 FEEDBACK OF THE DAY 💜✨
Maraming salamat po sa tiwala at pagbabahagi ng inyong experience. 🙏

Nag-avail po siya ng Wishing Paper at Pyrite Citrine Bracelet, at ayon sa kanya ay mas gumaan ang kanyang pakiramdam, naging mas positibo ang pagtingin sa buhay, at nakatanggap pa ng job offer habang nag-aapply abroad. ✈️💼

Kasama rin sa kanyang ibinahaging blessings ang ilang panalo sa online games.

📌 Paalala lamang: Ang mga charms, rituals, at spiritual tools ay gabay lamang upang makatulong sa positibong mindset, focus, at pag-attract ng opportunities. Ang resulta ay maaari pa ring magkaiba sa bawat tao depende sa kanilang sitwasyon, kilos, at paniniwala.

Maraming salamat po sa inyong feedback. Nawa'y mas dumami pa ang biyaya, oportunidad, at magandang balita sa inyong buhay. 💜✨

Love Binding & Protection Ritual Feedback !By: Najah Mayari Vertudes Isa na namang masayang kliyente ang nagbahagi ng ka...
29/06/2026

Love Binding & Protection Ritual Feedback !
By: Najah Mayari Vertudes

Isa na namang masayang kliyente ang nagbahagi ng kanyang karanasan matapos ang Love Binding Ritual at Protection Ritual. Unti-unting nagkaroon ng pag-uusap, paghingi ng tawad, at muling pagkakaayos ng kanilang pamilya.

Kung gusto mo ring ipa-assess ang sitwasyon mo at malaman kung anong ritual ang maaaring akma sa'yo, PM is the key. Bawat sitwasyon ay may kanya-kanyang gabay at proseso. 💜

Maraming salamat sa tiwala. 🙏

From 🇵🇭✈️🇨🇦By: Najah Mayari Vertudes Mayari's Lucky Charms Charms Order : Black Onyx ( Biyaya detector ) X Ora Lb X Moon...
29/06/2026

From 🇵🇭✈️🇨🇦
By: Najah Mayari Vertudes

Mayari's Lucky Charms

Charms Order : Black Onyx ( Biyaya detector ) X Ora Lb X Moonstone W/ Hamsa

Mula pa sa Canada 🇨🇦, unti-unti na niyang nararamdaman ang pagbabago matapos matanggap ang kanyang personalized lucky charms. 💖

Hindi lang tungkol sa swerte ang napansin niya mas naging magaan ang pakiramdam, nabawasan ang pagiging people pleaser, mas natutong magsabi ng "NO", at mas malinaw na ang direksyon niya sa buhay. Kasabay nito, sunod-sunod na ring dumarating ang opportunities habang hinihintay ang kanyang work permit. 🙏✨

Ang bawat charm ay paalala lamang at simbolo ng intention. Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula pa rin sa iyong sariling desisyon at pagkilos.

Maraming salamat sa tiwala! Nakakatuwang makabasa ng mga ganitong testimonya. 🥹

📩 Kung gusto mo rin ng personalized lucky charm na nakaayon sa iyong intention at goals, message mo lang ako.

✨FEEDBACK ORA LB✨By: Najah Mayari Vertudes Last month, ang wish niya ay makahanap ng condo na malapit sa work at magkaro...
29/06/2026

✨FEEDBACK ORA LB✨
By: Najah Mayari Vertudes

Last month, ang wish niya ay makahanap ng condo na malapit sa work at magkaroon ng pera para sa down payment dahil hirap na siya sa araw-araw na commute.

Pagkalipas lang ng ilang araw, may dumating na hindi niya inaasahang biyaya. Nakahanap siya ng condo at nagkaroon ng tulong para makapag-down. 🙏

Maraming salamat sa tiwala at sa pagbahagi ng iyong experience. Nakakatuwang makita ang mga taong unti-unting naaabot ang kanilang mga hangarin. 💛

✨Wishing Paper Feedback✨By; Najah Mayari Vertudes Last friday, sumali siya sa Wishing Paper na sana magkaroon ng pandagd...
29/06/2026

✨Wishing Paper Feedback✨
By; Najah Mayari Vertudes

Last friday, sumali siya sa Wishing Paper na sana magkaroon ng pandagdag sa matrikula ng anak niya.
Makalipas lang ang ilang araw, nanalo siya online at nagkaroon ng dagdag na pondo. 🙏

Maraming salamat sa tiwala at sa pagbahagi ng iyong experience. ❤️

✨Feedback Wishing Codes✨By: Najah Mayari Vertudes Feedback mula sa isa sa mga gumamit ng aking Wishing Codes. ❤️Nag-requ...
29/06/2026

✨Feedback Wishing Codes✨
By: Najah Mayari Vertudes

Feedback mula sa isa sa mga gumamit ng aking Wishing Codes. ❤️
Nag-request siya ng Wishing Codes dahil kailangan niya ng pambayad sa mga bills. Ilang oras lang ang lumipas, nanalo siya at nagkaroon ng dagdag na pera. 🙏
Maraming salamat sa tiwala at sa pagbahagi ng iyong experience. Sana ay mas marami pang blessings ang dumating sa'yo. 💛

✨Love Binding Personalized Ritual✨By: Najah Mayari Vertudes 💍✨ Another beautiful love story.Minsan, ang hinihiling natin...
29/06/2026

✨Love Binding Personalized Ritual✨
By: Najah Mayari Vertudes

💍✨ Another beautiful love story.

Minsan, ang hinihiling natin ay hindi lang "sana mahalin niya ako," kundi sana dumating ang tamang commitment sa tamang panahon❤️

Congratulations, sis! Thank you for trusting me and for sharing this milestone. Wishing you both a lifetime of love, respect, and endless happiness. 🥹🤍

Haha kinulang ng *r ung together 🫩 english english pa kase

LUH 😱😱😱Readings kay client 2025 nangyari na 😱Minsan kahit ako, kinikilabutan sa mga feedback na natatanggap ko.Hindi ako...
29/06/2026

LUH 😱😱😱

Readings kay client 2025 nangyari na 😱

Minsan kahit ako, kinikilabutan sa mga feedback na natatanggap ko.

Hindi ako nangangakong perpekto at hindi rin lahat ng bagay ay kayang hulaan nang eksakto. Pero lagi kong ginagawa ang bawat reading nang may sincerity, respeto, at gabay.

Maraming salamat sa tiwala at sa pagbabalik para muling magpa-reading. Ang mga ganitong mensahe ang nagpapaalala sa akin kung bakit ko ginagawa ang serbisyong ito. ❤️

Kung pakiramdam mo kailangan mo ng clarity tungkol sa career, love, finances, o sa susunod mong hakbang sa buhay, bukas ang schedule ko para sa Personalized Full Reading.

📩 Message lang sa page para sa booking. Limited slots bawat araw.

Address

Masinag
Antipolo

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayari's Lucky Charms posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share