SBHC Salonga Behavioral Health Center Antipolo - Main

Call Directions Website Contact the practice

SBHC Salonga Behavioral Health Center Antipolo - Main Serving behavioral, emotional, and developmental health for children and neurodiverse population.

We are private service provider of emotional, behavioral and developmental health for a better community. You may call or text 0905-2845890 for schedule and appointment

Neuropsychological and Psychological Assessment
Psychological Therapy, Counseling and Psychotherapy
Neurodevelopmental Evaluation
Brain Stimulation Therapy
Behavioural Modification and Positive Behaviour Support Therapy and Intervention
Early Intervention Programs
Applied Behavioural Analysis Program

03/09/2026

Madalas nating isipin na ang development ng bata ay parang checklist. Kapag natutunan na niya ang isang skill, expected natin na tuloy-tuloy na agad ang progress.

Pero sa totoo lang, ang developmental journey ng isang bata ay hindi straight line.

May mga panahon na mabilis ang progress, may mga panahon naman na mabagal, at minsan ay parang walang malaking pagbabago. May mga skills ding nauunang ma-develop kaysa sa iba. Lalo na sa neurodivergent children, maaaring hindi pantay ang development sa iba’t ibang areas.

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, ito ang madalas kong ipinapayo sa mga magulang:

✅ Huwag ikumpara ang development ng inyong anak sa ibang bata. Ang bawat bata ay may sariling developmental journey.

✅ Tingnan ang progress over time. Huwag lamang tingnan kung ano ang hindi pa niya kayang gawin. Balikan din kung ano ang mga skills na natutunan na ng bata.

✅ Huwag panghinaan ng loob kapag may developmental plateau. Ang mabagal na progress ay hindi nangangahulugang walang progress.

✅ I-celebrate ang small wins. Ang pagtingin, pag-request, pagsunod sa instruction, pag-iimitate, o pag-try ng bagong activity ay maaaring mahalagang hakbang sa development ng bata.

✅ Ipagpatuloy ang practice at support sa bahay. Consistency at repetition are important, pero dapat nakaayon ang mga activities sa developmental level at needs ng bata.

✅ Kung kaya, ipagpatuloy ang professional therapy. Malaking tulong ang structured intervention para matukoy kung anong skills ang kailangang unahin at kung paano ito masusuportahan.

Tandaan, ang development ay hindi isang straight line at hindi rin ito isang race. May mga pause, detours, at moments na parang mabagal ang progress. Ang mahalaga ay patuloy nating binibigyan ng pagkakataon ang bata na ma-discover ang kanyang kakayahan at potential.

And remember, always practice kindness! 💙💙💙

12/08/2026

Different ways of experiencing the world deserve understanding, not shame.

Grateful to begin this meaningful collaboration between the Smile TaytayMunicipality of Taytay, under the leadership of ...
22/07/2026

Grateful to begin this meaningful collaboration between the Smile TaytayMunicipality of Taytay, under the leadership of Mayor Allan De Leon, and Salonga Behavioral Health Center. Together, we are committed to advancing accessible, compassionate, and evidence based behavioral and developmental healthcare for every child, every family, and the entire Taytay community.

Together, we make a difference.

Honored to achieve this meaningful milestone!As the number of neurodivergent children and individuals continues to grow,...
22/07/2026

Honored to achieve this meaningful milestone!

As the number of neurodivergent children and individuals continues to grow, the need for accessible behavioral and developmental healthcare has never been more important. We commend the Municipality of Taytay, Rizal, under the leadership of its Mayor, for recognizing this need and supporting initiatives that promote the well being of children, families, and the community.

It is an honor for Salonga Behavioral Health Center to be part of this collaborative journey in advancing evidence based behavioral and developmental healthcare for the people of Taytay. Together, we are working toward a more inclusive community where every child is understood, every family is supported, and every individual is empowered to reach their fullest potential.

This milestone strengthens our shared commitment to creating lasting positive change, one child, one family, and one community at a time.

TAYTAY LGU, PRIVATE MEDICAL INSTITUTIONS UNITE TO MAKE QUALITY HEALTHCARE MORE AFFORDABLE FOR TAYTAYEÑOS

Mas magiging abot-kaya na ang ilang serbisyong medikal para sa mga Taytayeño matapos lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Bayan ng Taytay at ilang pribadong medical institutions sa bayan.

Layunin ng kasunduang ito na mabawasan ang gastusin ng mga residente sa pagpapagamot sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kaya at kalidad na serbisyong medikal.

Pinangunahan ni Mayor Allan Martine S. De Leon ang paglagda sa MOA kasama sina Vice Mayor JV Cabitac, mga miyembro ng ika-13 Sangguniang Bayan, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga partner medical institutions ang Taytay Chemotherapy Center na kinakatawan ni Dr. John Paul Aclan, BDM Imaging Center Inc. na kinakatawan ni Engr. Rogelio Serrano, Medisense Laboratory Center Inc. na kinakatawan ni Ms. Julita Y. Dayandayan, RN, at Salonga Behavioral Health Center na kinakatawan ni Dr. Ferdinand Zandro Salonga.

Sa pamamagitan ng partnership na ito, mas maraming Taytayeño ang magkakaroon ng pagkakataong makapagpa-chemo, makapagpa-laboratory, MRI, at makatanggap ng iba pang serbisyong medikal sa mas abot-kayang halaga.

Isa itong hakbang ng Pamahalaang Bayan ng Taytay upang matulungan ang mga residente na mapangalagaan ang kanilang kalusugan nang hindi gaanong nabibigatan sa gastusin.

Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Bayan sa iba't ibang sektor upang makapaghatid ng mga programang may tunay na pakinabang sa bawat Taytayeño, bilang bahagi ng layuning magbigay ng Serbisyong may Ngiti para sa lahat.


17/07/2026

Madalas kong sinasabi ito sa mga magulang sa consultation ko: “Hayaan ninyong maglaro ang inyong anak.” Hindi ito simpleng pampalipas-oras o paraan lang para maging abala or busy ang bata. Ang paglalaro ay isang mahalagang bahagi ng kanyang development.

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, habang naglalaro ang bata unti-unti niyang nade-develop ang kanyang thinking skills, attention, memory, problem solving, language and communication, social skills, emotional regulation, at creativity. Kaya nga sinasabi nating play is the work of a child.

So for example, kapag nagbu-build siya ng blocks, natututo siyang magplano at mag-solve ng problems. Kapag nagpe-pretend play siya bilang doctor o teacher, nade-develop ang imagination, language, at social interaction. Kapag naman naglalaro siya ng board games o simpleng turn-taking games, natututo siyang maghintay, sumunod sa rules, at kontrolin ang kanyang emotions.

Ano ang puwedeng gawin ng mga magulang sa bahay?

✅ Maglaro ng puzzles at matching games para mahasa ang problem solving, visual perception, at attention.

✅ Gumamit ng blocks o LEGO upang ma-develop ang creativity, planning, at spatial thinking.

✅ Magbasa ng picture books at magtanong tungkol sa kuwento upang mapalawak ang vocabulary, comprehension, at critical thinking.

✅ Mag-pretend play tulad ng bahay-bahayan, tindahan, doktor-doktoran, o luto-lutuan upang mapaunlad ang imagination, communication, social skills, at problem solving.

✅ Maglaro ng memory games, turn-taking games, at simpleng board games upang mahasa ang memory, concentration, impulse control, at pagsunod sa rules.

✅ Isaama ang bata sa mga simpleng activities sa bahay tulad ng pagluluto, pag-aayos ng mesa, o pagligpit ng laruan. Kahit simpleng gawain lang ito, malaki ang naitutulong nito sa kanyang cognitive at adaptive development.

Bilang mga magulang, hindi ninyo kailangang bumili ng mamahaling laruan para matuto ang inyong anak. Kayo mismo ang pinakamahalagang “learning partner” niya. Ang 20 hanggang 30 minuto ng quality play araw-araw, na walang gadgets at puno ng interaction, ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa kanyang cognitive, language, social, at emotional development. Minsan, ang pinakamagandang therapy ay nagsisimula sa simpleng paglalaro kasama ang pamilya.

And remember, always practice kindness 💙💙💙

❤️❤️❤️
09/07/2026

❤️❤️❤️

Isa ito sa mga madalas na tanong ng mga magulang sa consultation ko: “Ano po ba ang puwede naming gawin kapag nagkakaroon ng sensory overload ang anak namin?”

Ang sensory overload ay nangyayari kapag nahihirapan ang isang bata na iproseso ang sobrang daming sensory input gaya ng malakas na ingay, matinding ilaw, maraming tao, o iba pang stimuli sa paligid. Dahil dito, maaaring umiyak, magtakip ng tainga, sumigaw, tumakbo, o magkaroon ng meltdown ang bata.

Narito ang mga general recommendation ko sa mga magulang:

✅ Sikaping manatiling kalmado. Mas makakatulong ang kalmado ninyong boses at kilos kaysa sa pagsigaw o pagalit.
✅ Kung maaari, ilayo muna ang bata sa source ng sensory overload at dalhin siya sa mas tahimik at mas komportableng lugar.
✅ Huwag pilitin ang bata na magsalita o magpaliwanag habang overwhelmed pa siya. Bigyan mo muna siya ng oras at space na hanggang siya ay kumalma.
✅ Kung may mga bagay na nakakapag-regulate sa kanya tulad ng paboritong laruan, headphones, o iba pang sensory tools na inirerekomenda ng therapist, maaari itong gamitin.
✅ Kapag kalmado na ang bata, saka ninyo alamin kung ano ang posibleng naging trigger upang mas maiwasan ito sa susunod.

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, gusto kong ipaalala na ang sensory overload ay hindi pagiging aggressive o pasaway. Ito ay senyales na nahihirapan ang bata na iproseso ang kanyang kapaligiran. Bilang mga magulang, mas makakatulong kung uunahin natin ang pag-unawa kaysa ang ating emotion na magalit. Sa tamang suporta at intervention, unti-unting matututo ang bata na mas ma-manage ang kanyang sensory challenges.

And remember, always practice kindness! ❤️❤️❤️

❤️❤️❤️
07/07/2026

❤️❤️❤️

Bilang isang Developmental and Speech Language Specialist, nais kong linawin ang isang karaniwang maling paniniwala at madalas na tanong sa akin ng mga magulang. Ano ang ang level sa autism?

Marami ang nagsasabing “Level 1 autism,” “Level 2 autism,” o “Level 3 autism.” Sa katunayan, ang tinutukoy ng mga level na ito ay Level of Support at hindi ang “level” o “severity” ng autism.

May tatlong Levels of Support:

Level 1 – Requiring Support
Level 2 – Requiring Substantial Support
Level 3 – Requiring Very Substantial Support

Ang mga Levels of Support ay batay sa kung gaano kalaking suporta ang kailangan ng isang bata or individual sa communication, social interaction, behavior, at mga pang-araw-araw na gawain. Hindi ito sukatan ng talino, kakayahan, o magiging kinabukasan ng isang bata.

Mahalagang tandaan na ang Level of Support ay maaaring magbago habang umuunlad ang development ng bata at unti-unting naabot ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng tamang intervention, edukasyon, at suporta.

Mas mahalagang unawain ang pangangailangan ng bata kaysa mag-focus sa kanyang Level of Support. ❤️❤️❤️

❤️
04/07/2026

❤️

SPED o Regular School?

Bilang isang Developmental and Speech Specialist, isa ito sa mga pinakakaraniwang tanong na natatanggap ko mula sa mga magulang.

Ang aking sagot - hindi ang diagnosis ang batayan ng pagpili ng paaralan, kundi ang kakayahan at pangangailangan ng bata.

Bago magbigay ng rekomendasyon, sinusuri natin ang iba’t ibang aspeto ng cognitive, behavioral, and development ng bata, kabilang ang kanyang komunikasyon, language skills, cognitive abilities, social interaction, adaptive behavior, attention, behavior regulation, at kakayahang sumunod sa mga gawain sa loob ng classroom. Mahalaga ring alamin kung gaano kalaking suporta ang kakailanganin niya upang maging matagumpay sa pag-aaral.

Hindi lahat ng batang may autism ay kailangang mag-SPED, at hindi rin lahat ay handa agad para sa regular school. May mga batang mahusay na nakakasabay sa regular classroom na may kaunting suporta, samantalang ang iba ay mas makikinabang muna sa isang SPED program o specialized educational setting bago lumipat sa mas inclusive na environment.

Bilang isang developmental specialist, ang layunin natin ay hindi lamang maipasok ang bata sa isang paaralan. Ang layunin ay mahanap ang pinakaangkop na learning environment kung saan siya matututo, magkakaroon ng positibong karanasan, mabubuo ang kanyang confidence sa sarili, at maaabot ang kanyang pinakamataas na potensyal.

Tandaan: Ang tamang paaralan ay hindi nasusukat sa pangalan ng institution, kundi sa kakayahan nitong matugunan ang natatanging pangangailangan ng iyong anak.

Committed to Excellence. Guided by Evidence.Beyond meeting the standards of the Philippine Professional Regulation Commi...
17/06/2026

Committed to Excellence. Guided by Evidence.

Beyond meeting the standards of the Philippine Professional Regulation Commission (PRC), Ms. Lea has successfully achieved certification as an International Behavior Therapist.

This milestone reflects our commitment to international best practices and our mission to provide evidence-based behavioral and developmental services that support every child's growth and development.

10/06/2026

Your child does not need a perfect parent. 💙

What matters most is your love, patience, and presence through every challenge and every milestone. Keep being the light that guides your child forward.

Address

Sen. L. Sumulong Memorial Circle, Brgy San Roque, Antipolo City
Antipolo
1870

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SBHC Salonga Behavioral Health Center Antipolo - Main posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to SBHC Salonga Behavioral Health Center Antipolo - Main:

Shortcuts

Share