08/06/2026
Libreng Maintenance Medicines para sa mga Pasyente ng Pampanga Provincial Dialysis Center II – Apalit
Bilang bahagi ng patuloy na programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, namahagi ang Pampanga Provincial Dialysis Center II (PPDC II) – Apalit ng mga libreng maintenance medicines para sa mga pasyente nito.
Layunin ng programang ito na makatulong sa pagpapagaan ng gastusin ng mga pasyente at kanilang mga pamilya sa araw-araw na pangangailangan sa gamot. Sa pamamagitan ng serbisyong ito, patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Panlalawigan ang malasakit at dedikasyon nito sa pagbibigay ng abot-kaya, dekalidad, at maaasahang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Cabalen.
Taos-pusong pasasalamat din sa mga dedikadong healthcare workers at medical staff ng PPDC II – Apalit na walang sawang nagbibigay ng maayos, maagap, at malasakit na pangangalaga sa ating mga pasyente araw-araw.