08/10/2026
Mahalaga ang iyong mental health. Maglaan ng oras para kumustahin ang sarili mo at ang mga taong nasa paligid mo. Minsan, malaking bagay na ang simpleng pagtatanong ng, “Kumusta ka?”
Kung pakiramdam mo ay mabigat na at kailangan mo ng makakausap, huwag mag-atubiling humingi ng tulong. Maaari kang tumawag sa National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline, na bukas 24/7:
📞 1553 — Landline
📞 0966-351-4518
📞 0908-639-2672
📞 0917-899-8727
Okay lang magpahinga. Okay lang magsabi ng nararamdaman. At okay lang humingi ng tulong. Hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. May mga taong handang makinig at tumulong.