UP LAKAN Baguio

UP LAKAN Baguio Samahan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio na nagmula sa lalawigan ng Bulacan

Chapter Founder: Isaac Ern Galang

Set of Officers for the school year 2022-2023

Chairperson: Ivan Pangan
Vice President for Internal Affairs: Franchesca Ortega
Vice President for External Affairs: Mary Catherine Espejo
Secretary General: Crisitine John Jamon
Finance Committee Head: Jasmine Margarette Estrella
Academic Committee Head: Lauriane Rose Carpio
Publicity Committee Head: Bea Christia Tolentino
Special Projects, Events and Culture Committee Head: China Gem Santos

๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐๐€ ๐’๐€ ๐’๐Ž๐๐€Ang State of the Nation Address (SONA) ay hindi dapat maging entablado ng pagbubuhat ng sariling bangko ...
29/07/2026

๐Œ๐†๐€ ๐’๐€๐๐€ ๐’๐€ ๐’๐Ž๐๐€

Ang State of the Nation Address (SONA) ay hindi dapat maging entablado ng pagbubuhat ng sariling bangko ng administrasyon. Ito ay dapat magsilbing tapat na pag-uulat sa kalagayan ng bansa at konkretong pagharap sa mga problemang kinahaharap ng sambayanan.

Sa kanyang ikalimang SONA, ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga umano'y naging tagumpay ng kanyang administrasyon sa iba't ibang sektor. Binanggit niya ang pagpapatuloy ng mga proyektong pang-imprastraktura, kabilang na ang pagpapalawak ng mga kalsada, tulay, at railway projects na layong mapabuti ang transportasyon at konektibidad sa bansa. Gayunpaman, nananatiling hamon kung kailan tunay na mararamdaman ng mga commuter ang benepisyo ng mga proyektong ito, lalo na sa gitna ng patuloy na problema sa trapiko, mahabang biyahe, at kakulangan ng maaasahang pampublikong transportasyon.

Tinalakay rin sa SONA ang usapin ng enerhiya at ang pangangailangan na tiyakin ang sapat, matatag, at abot-kayang suplay ng kuryente at enerhiya para sa bansa. Binigyang-diin man ang pagpapalawak ng energy sector upang matugunan ang lumalaking pangangailangan ng ekonomiya, nananatiling mabigat na pasanin para sa maraming Pilipino ang mataas na singil sa kuryente pati na ang lumolobong presyo ng langis. Ang pagkakaroon ng enerhiya ay hindi lamang dapat nakatuon sa paglago ng industriya, kundi dapat ding tiyakin na ito ay kayang abutin ng karaniwang mamamayan.

Bukod dito, binigyang-diin din ng administrasyon ang mga programa para sa flood control at disaster resilience upang tugunan ang paulit-ulit na pagbaha na nararanasan ng maraming komunidad. Binanggit din ang pagpapalakas ng agrikultura, suporta sa mga magsasaka at mangingisda, food security, kampanya laban sa smuggling at hoarding, digitalisasyon ng serbisyo ng pamahalaan, edukasyon, at kalusugan. Gayunpaman, sa kabila ng mga ipinahayag na proyekto at pangako, nananatiling mahalagang tanong kung gaano kalaki ang tunay na pagbabago na nararamdaman ng mga Pilipino.

Bilang mamamayan, hindi tayo dapat maging tahimik na tagapakinig lamang. Ang SONA ay may direktang epekto sa ating buhay sapagkat dito nakasalalay ang direksiyon ng mga polisiya at serbisyong ating mararanasan. Dapat nating igiit ang pananagutan sa pamahalaan na sa bawat desisyon nito ay walang ibang dapat manaig kundi ang interes, dignidad, at soberanya ng Pilipinasโ€”ng Pilipino.

Kung kaya, lagiโ€™t laging dapat kondenahin ang anumang anyo ng panunupil, kabilang ang pag-aresto sa mga mapayapang nagpoprotesta, sapagkat ang demokrasya ay hindi lamang nasusukat sa mga talumpati kundi sa paggalang sa boses ng taumbayan. Kaya kaugnay ng mga panawagan, bilang mga iskolar ng bayan na nagmula sa lalawigan ng Bulacan, mariing kinukundena ng UP LAKAN Baguio ang iligal na pag-aresto sa SONA 51 kabilang si Juan Obra, isang manggagawang kultural na nakabase sa Baguio.

Higit sa lahat, dapat nating igiit at panagutin ang pamahalaan na sa bawat desisyon nitoโ€”lalo na sa usapin ng ugnayang panlabas tulad ng Pax Silicaโ€”ay walang ibang dapat manaig kundi ang interes, dignidad, at soberanya ng Pilipinas. Hindi dapat isakripisyo ang kinabukasan ng bansa kapalit ng anumang pansariling o panandaliang pakinabang lamang.

Lebel dapat ang mata ng gobyerno at ng Pilipino. Ang tunay na pagbabago ay hindi nasusukat sa mga pangako ng SONA, kundi sa mga konkretong hakbang at sa mga mamamayang mulat, mapanuri, at matatag na naninindigan para sa bayan.


Maligayang kaarawan, Annah! Nawa'y maging masaya at punong-puno ng pagpapala ang araw na ito! Salamat sa lahat ng tawana...
24/07/2026

Maligayang kaarawan, Annah!

Nawa'y maging masaya at punong-puno ng pagpapala ang araw na ito! Salamat sa lahat ng tawanan natin. Salamat sa pagiging roommate, orgmate, at taga-paalala kung kanino ang mga pinggan sa dorm.

Wishing you all the best in life, higit lalo sa pag-aaral. We love you! ๐Ÿ˜˜๐Ÿ’š

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐Ž๐’-๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐๐€๐†๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐๐€ ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐† ๐”๐ ๐‹๐€๐Š๐€๐ ๐๐€๐†๐”๐ˆ๐Ž! ๐ŸŒป๐ŸŒพSa bansang mahal na maski ang magmah...
14/07/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐“๐€๐Ž๐’-๐๐”๐’๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐๐”๐๐”๐†๐€๐˜ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐๐€๐†๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐๐€ ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž ๐๐† ๐”๐ ๐‹๐€๐Š๐€๐ ๐๐€๐†๐”๐ˆ๐Ž! ๐ŸŒป๐ŸŒพ

Sa bansang mahal na maski ang magmahal, patuloy niyong patunayang mahirap linlangin, mahirap bilhin, at mahirap pilitin ang mamamayang mulat at may paninindigan.

Nawa'y ang pagiging iskolar ng bayan na may dangal at paninindigan ay patuloy ninyong bitbitin hanggang sa paglisan ng pamantasan ๐Ÿ’šโœŠ๐Ÿป

Ang buong UP LAKAN BAGUIO ay taas noong ipinagmamalaki kayo!

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข ๐š๐ญ ๐๐š๐๐š๐ฒ๐จ๐ง!
๐˜”๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ด๐˜ข, ๐˜›๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜š๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ด๐˜ข






๐Ÿ“ Zia Barana

๐๐š๐ฒ๐š๐ ๐ฉ๐จ! ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฉ๐จ ๐š๐ญ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ก๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ฌ ๐Ÿ…๐ŸฅณDiscounted na, may sukli pang award! Naihatid na ulit ni manong drayber ang mga...
13/07/2026

๐๐š๐ฒ๐š๐ ๐ฉ๐จ! ๐ž๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ฒ๐š๐ง๐ญ๐ž ๐ฉ๐จ ๐š๐ญ ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ก๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ฌ ๐Ÿ…๐Ÿฅณ

Discounted na, may sukli pang award! Naihatid na ulit ni manong drayber ang mga iskolar ng bayan sa biyaheng ๐ˆ๐ค๐š๐ฅ๐š๐ฐ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ฆ๐ž๐ฌ๐ญ๐ซ๐ž ๐ง๐  ๐€๐ค๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐ค๐จ๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Pagbati sa mga masisipag at mahusay na isko at iska ng UP LAKAN BAGUIO. Nawa'y marami pang ruta ang tahakin ninyo!





๐Ÿ“ Zia Barana

Maligayang Kaarawan, CJ!Sa aming Rebreb, nagpapasalamat ang UP LAKAN Baguio sa sipag, talino, at pagmamahal mo para sa a...
13/07/2026

Maligayang Kaarawan, CJ!

Sa aming Rebreb, nagpapasalamat ang UP LAKAN Baguio sa sipag, talino, at pagmamahal mo para sa ating organisasyon. We appreciate your energy, dedication, and willingness to show up sa mga ganaps natin.

Nawa'y magtagumpay ka sa lahat ng iyong mga ginagawa at maging inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa'yo. To our morena queen, we love you! ๐Ÿ˜™๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿป

Maligayang Kaarawan, Stella!Tunay mong binibigyang kulay at saya ang UP LAKAN Baguio with your very kalog and funny pers...
29/06/2026

Maligayang Kaarawan, Stella!

Tunay mong binibigyang kulay at saya ang UP LAKAN Baguio with your very kalog and funny personality. We are very grateful for your warmth, energy, and the laughter you share with us.

Nawa'y patuloy kang maging source of joy and light sa mga taong nakapaligid sa'yo. At sana laging masarap ang ulam mo!

We love you! ๐Ÿ˜™๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿป

Maligayang Kaarawan, Cams!Nagpapasalamat ang UP LAKAN Baguio dahil isa kang mabuting kaibigan na handang makinig, umunaw...
17/06/2026

Maligayang Kaarawan, Cams!

Nagpapasalamat ang UP LAKAN Baguio dahil isa kang mabuting kaibigan na handang makinig, umunawa, at magbigay ng mga payong may malasakit. Sana laging masarap ang ulam mo ๐Ÿ˜š๐Ÿ—

We love you! ๐Ÿ˜™๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿป

Maligayang Kaarawan, Chrismar!Nawa'y patuloy mong gamitin ang iyong boses, talino, at husay sa pakikipagtalastasan upang...
15/06/2026

Maligayang Kaarawan, Chrismar!

Nawa'y patuloy mong gamitin ang iyong boses, talino, at husay sa pakikipagtalastasan upang maghatid ng mga kuwentong may saysay at kabuluhan. Naniniwala ang buong UP LAKAN Baguio sa galing at talentong mayroon ka, proud na proud kami lagi sa'yo! โœจ

Tigilan mo na rin sana yung pang-aaway mo sa chairperson natin ๐Ÿ˜

We love you! ๐Ÿ˜™๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿป

Maligayang Kaarawan, Rafi!Nawa'y patuloy kang maging mapanuri, makatao, at may malalim na pag-unawa sa lipunan. Sana ay ...
12/06/2026

Maligayang Kaarawan, Rafi!

Nawa'y patuloy kang maging mapanuri, makatao, at may malalim na pag-unawa sa lipunan. Sana ay mas lalo mo pang mahanap ang saysay at ligaya sa bawat aral, tanong, at karanasang tatahakin mo โœŠ๐Ÿป

We love you! ๐Ÿ˜™๐Ÿ’š๐Ÿซถ๐Ÿป

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐, ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญNoong Hunyo 12, 1898, mula sa balkonahe ng Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, ...
12/06/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐˜๐€๐€๐, ๐๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐’! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Noong Hunyo 12, 1898, mula sa balkonahe ng Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Kasabay nito ay unang itinaas ang ating pambansang watawat at tinugtog ang himig na magiging pambansang awit ng bansa.

Ngunit tunay nga ba tayong nakalaya na? Sa kabila ng ating kasarinlan, patuloy na namamayagpag ang kabi-kabilang isyu ng korapsyon na siyang nagpapahirap sa bawat Pilipino. Mahigit isang siglo na ang nakalipas mula nang ipaglaban ng ating mga bayani ang ating kalayaan, ngunit marami pa rin ang nakararanas ng kahirapan, kawalan ng opotunidad, at hindi pantay na pagtrato sa lipunan.

Ngayong araw ng kalayaan, nawaโ€™y manatili sa ating mga puso ang pagmamahal sa bayan at ang hangaring ipagpatuloy ang adhikaing sinimulan ng mga nauna sa atin.



Address

Baguio City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP LAKAN Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to UP LAKAN Baguio:

Shortcuts

Share