23/07/2026
๐๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐๐ง๐๐ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐๐๐๐
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026 at paggunita sa Hands-Only CPR Day na ipinagdiriwang tuwing Hulyo 17, matagumpay na nagsagawa ang RHUโAnnex Masiag, katuwang ang Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Masiag, Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Hands-Only Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Training para sa mga Grade 12 na mag-aaral ng Masiag National High School.
Layunin ng gawaing ito na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataan sa Basic Life Support (BLS), partikular sa Hands-Only CPR, upang maging handa silang tumugon sa mga sitwasyong pang-emergency at makatulong sa pagligtas ng buhay habang hinihintay ang pagdating ng mga emergency responders.
Sa isinagawang lecture at demonstration, tinalakay ang:
๐ซ Ano ang Cardiac Arrest at Hands-Only CPR
๐ซ Kailan at paano isinasagawa ang tamang Hands-Only CPR
๐ซ Tamang chest compressions at wastong pamamaraan sa pagtugon sa emergency
Nagkaroon din ng aktuwal na hands-on skills demonstration, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na maisagawa ang tamang Hands-Only CPR sa ilalim ng gabay ng mga health personnel.
Bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok at matagumpay na pagtatapos ng pagsasanay, iginawad ang Certificate of Recognition sa lahat ng mga kalahok.
Ang gawaing ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng RHUโAnnex Masiag na palaganapin ang kultura ng kahandaan, kaligtasan, at pagiging handang tumugon sa oras ng sakuna at emerhensiya.
Ang inyong dalawang kamay ay maaaring makapagligtas ng buhay.