Balanga City Health Center IV

Balanga City Health Center IV Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balanga City Health Center IV, Medical and health, Don Antonio Street, Balanga.

03/08/2026
๐ŸŒฑ๐Ÿฅ— NUTRISYON AT KALIKASAN, ATING PANGALAGAAN! ๐Ÿฅ—๐ŸŒฑ๐Ÿ’š 52nd National Nutrition Month Celebration | July 2026Matagumpay na nak...
31/07/2026

๐ŸŒฑ๐Ÿฅ— NUTRISYON AT KALIKASAN, ATING PANGALAGAAN! ๐Ÿฅ—๐ŸŒฑ

๐Ÿ’š 52nd National Nutrition Month Celebration | July 2026

Matagumpay na nakiisa ang Balanga City Health Center IV sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo, na may temang:

โœจ โ€œSa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!โ€
๐ŸŒฟ โ€œNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!โ€

Sa buong buwan, isinagawa ang ibaโ€™t ibang nutrition-related activities na naglalayong magbigay ng kaalaman, mahikayat ang mga pamilya na magkaroon ng wastong nutrisyon, at maisulong ang malusog na pamumuhay at pangangalaga sa ating kalikasan. ๐Ÿฅฆ๐ŸŽ๐ŸŒฑ

Taos-pusong nagpapasalamat ang Balanga CHC IV sa lahat ng Healthcare workers, barangay officials, daycare workers, mga bata at magulang, at iba pang indibidwal at grupo na nakiisa at naglaan ng oras, suporta, at serbisyo upang maging matagumpay ang bawat aktibidad.

๐Ÿค Ang bawat programa at gawain ay naging posible dahil sa sama-samang pagkilos at pagtutulungan ng ating komunidad. Ang inyong suporta ay malaking bahagi ng ating patuloy na layunin na magkaroon ng masustansya, malusog, at masiglang pamilya at pamayanan.

๐Ÿ’š Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

27/07/2026
21/07/2026
๐Ÿ’š Matagumpay na naisasagawa ang PuroKalusugan Program sa mga Barangay na nasasakupan ng Balanga City Health Center IVDaa...
20/07/2026

๐Ÿ’š Matagumpay na naisasagawa ang PuroKalusugan Program sa mga Barangay na nasasakupan ng Balanga City Health Center IV

Daan-daang residente ang nabigyan ng ibaโ€™t ibang serbisyong pangkalusugan tulad ng medical consultation, dental services, Pap smear, laboratory services, at health education, bilang bahagi ng ating layuning mailapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat komunidad.

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng residenteng nakiisa at naglaan ng oras upang mapangalagaan ang kanilang kalusugan. Ang inyong aktibong pakikilahok ang naging susi sa tagumpay ng programang ito.

Lubos din kaming nagpapasalamat sa Pamunuan ng Barangay Bagong Silang, Camacho, Munting Batangas at Tenejero at sa buong staff ng Balanga CHC IV, na walang sawang naglalaan ng oras, dedikasyon, at suporta upang maging matagumpay ang bawat PuroKalusugan.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit ng bawat isa, patuloy nating nailalapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan at naitataguyod ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na komunidad.

Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. Nawaโ€™y patuloy tayong magkaisa sa pagsusulong ng kalusugan ng bawat pamilya at bawat mamamayan.

๐Ÿ“ข Abangan ang susunod na iskedyul ng PuroKalusugan sa inyong barangay!

๐Ÿ“ Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Center.

๐Ÿ’š Sa Healthy Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!

LIGTAS TIGDAS: MEASLES-RUBELLA Supplemental Immunization Activity (SIA)Bilang paghahanda sa naturang aktibidad na gagana...
16/07/2026

LIGTAS TIGDAS: MEASLES-RUBELLA Supplemental Immunization Activity (SIA)

Bilang paghahanda sa naturang aktibidad na gaganapin mula Agosto 10โ€“28, 2026, matagumpay na isinagawa ng Balanga City Health Center IV ang orientation at coordination meeting kasama ang ating mga katuwang sa barangay ng Bagong Silang, Camacho, Munting Batangas at Tenejero.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga layunin ng kampanya, mga estratehiya sa implementasyon, mga vaccination site, at ang mahalagang papel ng bawat barangay sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon ukol sa aktibidad.

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na edad 6โ€“59 buwan (wala pang 5 taong gulang) sa pinakamalapit na health center o itinakdang vaccination site mula Agosto 10โ€“28, 2026. Bukod sa bakuna laban sa Tigdas at Tigdas-hangin (Measles-Rubella), makatatanggap din ang mga kwalipikadong bata ng Vitamin A supplementation bilang dagdag na proteksyon para sa kanilang kalusugan.

Lubos ang aming pasasalamat kay Ms. Vilma Rodrigo, City Coordinator ng National Immunization Program, sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman at gabay para sa matagumpay na implementasyon ng kampanya.

Maraming salamat din po sa lahat ng dumalo at nakiisa:
Kap. Emma Austria at Kon. Jomari Alipio
Kap. Rosario Talastas at Kon. Diosdado Espaรฑola Jr.
Kap. Reynante Magpantay at Kon. Jaycee Anne Enriquez-Anillo
Kap. Evelyn T. Yuzon at Kon. Marilou Panganiban

Ang inyong suporta at kooperasyon ay mahalaga upang maging matagumpay ang kampanyang Ligtas Tigdas para sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan.

๐Ÿ“ Para sa karagdagang impormasyon at iba pang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa inyong pinakamalapit na Barangay Health Center.

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY TENEJERO! ๐Ÿ“ฃInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa PuroKalusugan at PhilHealth Y...
13/07/2026

๐Ÿ“ฃ PAANYAYA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY TENEJERO! ๐Ÿ“ฃ

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa PuroKalusugan at PhilHealth YAKAP Program ng Balanga City Health Center IV!

Layunin ng programang ito na dalhin ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan direkta sa inyong komunidadโ€”para sa mas malusog na pamilya at mas ligtas na kinabukasan.

๐Ÿ—“๏ธ July 15, 2026 (Miyerkules)
โฐ 8:00 AM to 3:00 PM
๐Ÿ“ Batungbakal Covered Court

๐Ÿฉบ Mga libreng serbisyong handog:
โœ” Medical Consultation
โœ” Dental Consultation
โœ” Tooth Extraction (10 years old and above)
โœ” Fluoride Application (1-4 years old
โœ” Fasting Blood Sugar
โœ” Papsmear
โœ” Health Education tungkol sa Tuberculosis, Bakuna, WASH (Water, Sanitation & Hygiene), Road Safety, Hypertension, Diabetes, Cancer Prevention, Nutrisyon, at Kalusugan ng Ina at Sanggol

๐Ÿ“Œ Magdala lamang ng:
โ€ข PhilHealth ID or any Valid ID
โ€ข Birth Certificate (para sa walang ID at menor de edad)
โ€ข Marriage Certificate (para sa mga kasal)

๐Ÿ“ Para sa karagdagang impormasyon, magtungo o magtanong sa Barangay Health Center sa Tenejero.

๐Ÿ’š Sama-sama nating palakasin ang kalusugan ng bawat pamilya!

Sa Healthy Pilipinas, bawat buhay mahalaga!

July is Nutrition Month!
01/07/2026

July is Nutrition Month!

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY CAMACHO! ๐Ÿ’šInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa PuroKalusugan at PhilHealth YA...
29/06/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY CAMACHO! ๐Ÿ’š

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa PuroKalusugan at PhilHealth YAKAP Program ng Balanga City Health Center IV!

Layunin ng programang ito na dalhin ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan direkta sa inyong komunidadโ€”para sa mas malusog na pamilya at mas ligtas na kinabukasan.

๐Ÿ—“๏ธ June 30, 2026 (Martes)
โฐ 8:00 AM to 3:00 PM
๐Ÿ“ Camacho Health Center / Covered Court

๐Ÿฉบ Mga libreng serbisyong handog:
โœ” Medical Consultation
โœ” Dental Check-up at Tooth Extraction
โœ” Fasting Blood Sugar at Hemoglobin Test
โœ” Papsmear
โœ” Chest X-ray
โœ” Health Education tungkol sa TB, Bakuna, WASH (Water, Sanitation & Hygiene), Road Safety, Hypertension, Diabetes, Cancer Prevention, Nutrisyon, at Kalusugan ng Ina at Sanggol

๐Ÿ“Œ Magdala lamang ng:
โ€ข PhilHealth ID or any Valid ID
โ€ข Birth Certificate (para sa walang ID at menor de edad)
โ€ข Marriage Certificate (para sa mga kasal)

๐Ÿ“ Para sa karagdagang impormasyon, magtungo o magtanong sa Barangay Health Center sa Camacho.

๐Ÿ’š Sama-sama nating palakasin ang kalusugan ng bawat pamilya!

Sa Healthy Pilipinas, bawat buhay mahalaga!

๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฌ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ! ๐Ÿ’™Alamin kung paano pinadadali ng programang ito ang inyong pag-acces...
25/06/2026

๐— ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—›๐—ฒ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ต ๐—ฌ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ! ๐Ÿ’™

Alamin kung paano pinadadali ng programang ito ang inyong pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan, benepisyo, at kinakailangang tulong medikal.


Address

Don Antonio Street
Balanga
2100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balanga City Health Center IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share