16/09/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ซ๐ ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ 12, 2026
Source: Provincial Health Office of Aurora
๐ฆ Nakapagtala ang iba't ibang Disease Reporting Units sa Aurora ng 106 na bagong kaso ng dengue, kaya umabot na sa 2172 ang kabuuang bilang ng mga kaso.
๐ Mas mataas ito ng 137% kumpara sa kaparehong panahon noong 2025 (915 kaso).
Sa kabuuan, pito (7) na pagkamatay na may kaugnayan sa dengue ang naitala (Case Fatality Rate: 2.2%).
๐ถ๐ต Ang mga nagkaroon ng dengue ay may edad mula 1 buwang gulang hanggang 104 taong gulang (median na edad: 12 taon). Sa kabuuang bilang ng mga kaso:
โข 917 (42%) ay nasa edad 1โ10 taong gulang.
โข 1094 (50%) ay mga kalalakihan.
๐ Ang Maria Aurora ang may pinakamaraming naitalang kaso na 463 (21%), habang ang Dilasag naman ang may pinakamataas na attack rate na 23.2 kaso bawat 1,000 populasyon.
Patuloy na nagpapaalala ang Provincial Government of Aurora, sa pamamagitan ng Provincial Health Office, na sama-sama nating isabuhay ang 4S Kontra Dengue upang maprotektahan ang ating pamilya at komunidad laban sa dengue.
โ
๐๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ฒ โ Hanapin at alisin ang mga pinamumugaran ng lamok.
โ
๐๐๐ฅ๐-๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ฌ โ Gumamit ng mga pananggalang tulad ng kulambo, insect repellent, at magsuot ng damit na may mahabang manggas.
โ
๐๐๐๐ค ๐๐๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง โ Agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health facility kapag may sintomas ng dengue.
โ
๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐
๐จ๐ ๐ ๐ข๐ง๐ โ Makiisa sa fogging o spraying sa mga lugar na may dengue outbreak kung ito ay inirerekomenda ng mga health authorities.
โ
๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ข๐ง ๐๐ฒ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง - Panatilihing hydrated ang katawan sa pamamagitan ng regular na pag-inom ng sapat na tubig, lalo na kapag mainit ang panahon o aktibo sa gawain.
๐ Ang pag-iwas sa dengue ay responsibilidad ng bawat isa. Kumilos ngayon, linisin ang paligid, at sama-sama nating sugpuin ang dengue!