12/06/2026
June 8,2026 - Sanggunian Panglunsod Session..
Mensahe sa Malayang oras ni Dr Jonash Tolentino..
Maligayang Araw ng kalayaan..
"Sa pagdiriwang natin ng ika - 128 araw ng kalayaan ng Pilipinas ,buong puso nating ginugunita ang kagitingan,katatagan at walang kapantay na pagmamahal sa bayan ng ating mga bayani na nag buwis ng buhay upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Ang kalayaan ay hindi lamang isang makasaysayang tagumpay na ating ipinagdiriwang taun-taon,itoy isang patuloy na pananagutan na dapat natin pangalagaan at pagyamanin sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod,pag galang sa batas at aktibong pakikilahok sa pag hubog ng isang mas maunlad ,makatarungan at mapayapang lipunan.
Sa harap ng hamon ng kasalukuyang panahon naway magsilbing inspirasyon ang diwa ng ARAW NG KALAYAAN upang higit natin palakasin ang ating pagkakaisa bilang isang sambayanan.Sa pamamagitan ng sama samang pagkilos,malasakit sa kapwa at ang pagmamahal sa ating bayan,maipagpatuloy natin ang adhikaing iniwan sa atin ng naunang henerasyon- ang pagtaguyod ng isang bansang malaya,matatag,at maunlad pra sa lahat.
Bilang inyong lingkod bayan,nakikiisa ako sa buong sambayanang PILIPINO sa pag gunita sa mahalagang araw na ito.Naway manatiling buhay sa ating mga puso ang diwa ng kalayaan at pagka makabayan at mag silbing gabay sa ating mga gawain para sa ikabubuti ng ating lunsod at ng ating bansa.."
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!!
DRJONASHTOLENTINO
DENTISTAngBAYAN
SERBISYONGTAPATatTOTOO
TROPANGTOLENTINO
TEAMEBD...