28/09/2026
Alagang Reina sa Matatag na Kawani ng Gobyerno💚💗
Bawat Kawani, Lingkod Bayani! 🇵🇭
Nakiisa si Bokala Dra. Reina Abu-Reyes sa isinagawang lingguhang pagtataas ng watawat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kasabay ng Culminating Activity ng ika-126 na Anibersaryo ng Philippine Civil Service (PCSA) na ginanap sa Batangas Province Events Center (BPEC), Batangas Sports Complex, Brgy. Bolbok, Batangas City.
Ang programa ay pinangunahan nina Governor Vilma Santos-Recto at Vice Governor Dodo Mandanas, kasama ang buong Sangguniang Panlalawigan at lahat ng kawani ng Kapitolyo.
Maagang dumalo at buong pusong nakiisa si Bokala Reina sa pagdiriwang na may temang “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal at Galing para sa Bayan” bilang pagpupugay sa lahat ng lingkod-bayan na tapat na naglilingkod para sa bawat Batangueño.
Mabuhay ang mga kawani ng gobyerno! Mabuhay ang Lalawigan ng Batangas!