13/04/2021
Sa patuloy na pagharap ng bawat isa sa pandaigdigang pandemya ng COVID-19, mahalagang tandaan na maraming bagay ang ating magagawa upang ikaw, ako, lahat tayo ay maging ligtas at protektado.
Maging responsable, disiplinado, huwag makampante, at magkaroon lagi ng ibayong pag-iingat higit lalo ngayon na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa at dahil na rin sa banta ng bagong variants ng virus.
Ayon sa Department of Health, ang pagbabakuna ay isa lamang sa maraming mga solusyon sa pandemya. Kahit nabakunahan na, kailangan pa rin natin ipagpatuloy ang simpleng pagsunod sa mga itinakdang health and safety protocols kung saan, ayon sa mga eksperto, ay nananatiling epektibo at mas mainam pa rin na pangunahing panangga sa COVID-19.
Tandaan na ang pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili. Malaking tulong sa ating pamilya at maging sa kapwa kung ikaw, sa iyong sarili, ay ligtas at protektado.
Huwag isantabi na malaki rin ang epekto ng anumang paglabag, pagkalimot, at pag-aalinlangan sa pagsunod sa mga preventive measures. Hindi lamang kalusugan at buhay mo ang nakataya kung hindi pati na rin ng ibang tao.
Ang Batangueรฑo na maingat at may disiplina, !