05/08/2026
Sa aking pinakamamahal na anak, Dr. Eulogio Clarence Martin IV L. De Guzman,
Bilang isang kapwa manggagamot at higit sa lahat, bilang iyong ina, hindi matatawaran ang aking tuwa at pagmamalaki sa iyong pagtatapos bilang Doktor ng Medisina mula sa University of the Philippines Manila bilang Cum Laude.
Alam ko ang hirap, sakripisyo, at dedikasyong kailangan upang marating ang tagumpay na ito. Dalangin ko na manatili kang mapagpakumbaba, may malasakit, at maging isang doktor na maglilingkod nang may puso at integridad.
Congratulations, Dr. Fourth!