Dr. Andrew Dave Lopez

Dr. Andrew Dave Lopez RMT🔬| MD🩺
Personal Facebook account: https://www.facebook.com/share/18msz91Rhe/?mibextid=wwXIfr

02/10/2026

Protect your kidneys by making healthier habits part of your routine.

🥗 Eat healthy
🏃🏼 Stay active
⚖️ Maintain a healthy body weight
🩺 Follow medical advice
🚭 Avoid smoking
🚫 Stay away from alcohol

02/10/2026

DOH: NEWBORN SCREENING, MAHALAGA SA KALUSUGAN NI BABY!

Ayon sa 2024 Newborn Screening Program Statistics, 92% ng mga ipinanganak noong 2024 ang sumailalim sa Newborn Screening.

Dahil mas pinalawig ang programang ito, maagang natukoy at naagapan ang mga sanggol na may congenital diseases. Kung hindi agad matutukoy ang mga sakit na ito, maaaring magdulot ang mga ito ng matinding kapansanan o maagang kamatayan.

Siguraduhing isagawa ang Newborn Screening para sa malusog na kinabukasan ni baby!





02/10/2026

DOH: MAGPAKONSULTA SA UNANG SINTOMAS NG DENGUE!

Detalye sa comment section.





02/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA BANTA NG HAZE AT MARUMING HANGIN!

Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Office of Civil Defense, kasalukuyang binabantayan ang kalagayan ng hangin dahil sa haze na nakakaapekto sa mga lugar sa Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Cebu, Bohol, at lahat ng probinsya sa Mindanao.

Ang observed haze ay posibleng sanhi ng usok at transboundary haze mula sa mga sunog sa Kalimantan, Indonesia na nadadala sa ating bansa dahil sa hanging habagat.

Paalala para sa mga pampublikong drayber, delivery riders, street vendors, at field workers na madalas nasa kalsada, sundin ang mga gabay at paalala mula sa DOH ngayong may haze. Tandaan, laging unahing protektahan ang iyong kalusugan!





01/10/2026
01/10/2026

DOH: PROTEKTAHAN ANG SARILI LABAN SA MATINDING INIT

Ang El Niño ay nangyayari kapag umiinit ang malaking bahagi ng Karagatang Pasipiko. Dahil dito, mas mainit ang panahon at mas kaunti ang ulan sa loob ng ilang buwan. May ulan pa rin, pero hindi ito kasing dalas ng karaniwan.

Kung may makitang palatandaan ng heat stroke, tumawag agad sa National Emergency Hotline 911 o dalhin sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar.

01/10/2026

DOH: HUWAG BALEWALAIN ANG PAULIT-ULIT NA PANTAL AT PANGANGATI!

Alamin ang mga sintomas, maling akala, at kung kailan dapat magpakonsulta kung nakararanas ng Chronic Spontaneous Urticaria (CSU).

Detalye sa comment section.






30/09/2026

DOH: MAGING HANDA SA EPEKTO NG HAZE SA KALUSUGAN!

Dahil sa hanging Habagat, umabot na sa ilang bahagi ng Luzon ang usok mula sa forest fires sa Kalimantan, Indonesia.

Maaaring magdulot ang haze ng hirap sa paghinga, pag-ubo, pananakit ng dibdib, pangangati o pagluluha ng mga mata, at paglala ng mga sakit sa baga tulad ng hika. Dobleng pag-iingat ang kailangan para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang sakit sa baga o puso.

Habang nagpapatuloy ang banta ng haze, mag-suot ng mask kung lalabas ng bahay. Alamin ang lagay ng hangin sa inyong lugar at unahin ang kaligtasan. Maging handa sa banta ng Haze!






30/09/2026

DOH: MAS MARAMI NANG SOLUSYON AT SUPORTA PARA SA HIV PREVENTION

Tandaan, may available na libreng Combination Prevention Methods para sa'yo:
✅ Condom
✅ Lubricant
✅ Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP)

Bumisita sa pinakamalapit na HIV Care Facility para sa libreng testing at mga serbisyo: bit.ly/DOH-HIV-CareFacilities







Address

Bauang, La Union
Bauang
2501

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Andrew Dave Lopez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share