BIÑAN TEENS SOCIETY - BTS

BIÑAN TEENS SOCIETY - BTS One Health, One Adolescent, One Binan

09/08/2026
07/08/2026
5 Agosto 2026 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalag...
05/08/2026

5 Agosto 2026 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," nagsagawa ang City Population Office ng Slogan and Poster Making na nilahukan ng mga kabataang mula sa Teen Center ng Brgy. Sto. Niño.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan, habang binibigyang pagkakataon silang maipahayag ang kanilang mga ideya at adbokasiya sa pamamagitan ng sining at malikhaing pagsusulat.

Sa pangunguna ni Mayor GEL Alonte, MPA, at sa gabay ni Ms. Ma. Fritzie R. Javier, MPA, Acting City Population Officer, naging matagumpay ang aktibidad dahil sa aktibong pakikilahok at kahanga-hangang talento ng mga kalahok.

Lubos din ang aming pasasalamat kay Hon. Wilfredo Dennis Hernandez, Punong Barangay ng Barangay Sto. Niño, sa pagbubukas ng kanilang barangay at sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga programang naglalayong mapaunlad ang kapakanan ng mga kabataan.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbibigay ng mga oportunidad na humuhubog sa kabataang may malasakit sa kalusugan, kalikasan, at sa kanilang mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas maunlad na komunidad.






31 Hulyo 2026 | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang, "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaa...
31/07/2026

31 Hulyo 2026 | Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month na may temang, "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan," matagumpay na nagsagawa ang City Population Office ng Slogan and Poster Making para sa mga kabataang kabilang sa mga school-based at community-based teen centers.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor GEL Alonte, MPA, at sa pangangasiwa ni Ms. Jenny Anne B. Sarmiento, MPsy, Acting City Population Officer, ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain, husay, at kamalayan sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng kanilang mga likhang poster at slogan.

Taos-puso ang aming pasasalamat kay Hon. Rodolfo "Popit" Montañez, Punong Barangay ng Barangay Langkiwa, kasama ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Langkiwa, sa kanilang mainit na pagtanggap at patuloy na suporta sa mga programa ng City Population Office. Lubos din kaming nagpapasalamat kay Sir Oliver Caliwag, Punong-guro ng Jacobo Z. Gonzales Memorial National High School, at kay Sir Eulogio Jr. P. Lamputi, Overall ARH Coordinator, sa kanilang mahalagang pakikiisa at suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng gawaing ito.

Patuloy nating hikayatin ang mga kabataan na maging aktibong katuwang sa pagtataguyod ng wastong nutrisyon, pangangalaga sa kalikasan, at responsableng paghubog ng kanilang kinabukasan.





31/07/2026
Lubos ang aming pasasalamat sa Barangay Bungahan sa kanilang mainit na pagtanggap at buong pusong suporta sa matagumpay ...
14/07/2026

Lubos ang aming pasasalamat sa Barangay Bungahan sa kanilang mainit na pagtanggap at buong pusong suporta sa matagumpay na pagpapalaganap o pagbibigay impormasyon patungkol sa Adolescent Pregnancy Prevention Symposium (APPS) at sa paglulunsad ng WALKING TEEN KIOSK, isa sa mga inisyatibo ng City Population Office ng Biñan. Ang inyong aktibong pakikiisa ay mahalagang bahagi sa pagpapalawak ng kaalaman ng ating mga kabataan sa usapin ng adolescent health, responsableng pagpapasya, at pag-iwas sa maagang pagbubuntis. Nawa’y magpatuloy ang ating matatag na pagtutulungan sa pagtataguyod ng mga programang naglalayong makabuo ng isang mas ligtas, mas malusog, at mas maalam na kinabukasan para sa kabataang Biñan.💙

📢 Isang inisyatibong naglalayong magbigay ng tamang kaalaman, gabay, at suporta para sa mga kabataang Biñanense!Lubos an...
11/07/2026

📢 Isang inisyatibong naglalayong magbigay ng tamang kaalaman, gabay, at suporta para sa mga kabataang Biñanense!

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng barangay at katuwang na patuloy na sumusuporta sa WALKING TEEN KIOSK PROGRAM. Sa sama-samang pagkilos, mas marami pa nating kabataan ang maaabot at mabibigyan ng access sa mga impormasyon at serbisyong makatutulong sa kanilang kalusugan, pag-unlad, at kinabukasan.

Patuloy nating suportahan at bigyang-kapangyarihan ang kabataang Biñanense! 💙💚





01/07/2026

NANGYAYARI NGAYON: State of the City Address (SOCA) ni Mayor Angelo "Gel" B. Alonte sa kanyang unang taon ng magaling at epektibong paglilingkod sa lungsod ng Biñan.

Congratulations to the City of Biñan for being one of the recipients of the 2025 Seal of Good Financial Housekeeping!
01/07/2026

Congratulations to the City of Biñan for being one of the recipients of the 2025 Seal of Good Financial Housekeeping!


Address

Biñan
4024

Telephone

+639983820015

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BIÑAN TEENS SOCIETY - BTS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to BIÑAN TEENS SOCIETY - BTS:

Shortcuts

Share