Health Center- Brgy. Zapote Binan City

Health Center- Brgy. Zapote Binan City Official page of Zapote Health Center

31/07/2026
19/07/2026

SK NG BIÑAN, NAGBIGAY NG LIBRENG BOARD EXAM FEE SA MGA KABATAAN

Naglunsad ang Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Zapote sa Biñan City ng programang nagbibigay ng libreng board exam fee para sa mga kwalipikadong kabataang kukuha ng licensure examination. Layunin ng inisyatiba na mabawasan ang gastusin ng mga examinee at masuportahan ang kanilang pag-abot sa pangarap na maging lisensyadong propesyonal.

𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔Matagumpay na isinagawa ang programang "Pabasa sa Nutrisyon" sa ating barangay, ...
17/07/2026

𝐉𝐮𝐥𝐲 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐏𝐀𝐁𝐀𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝟐𝟎𝟐𝟔

Matagumpay na isinagawa ang programang "Pabasa sa Nutrisyon" sa ating barangay, na naglalayong maghatid ng tamang kaalaman at gabay sa mga magulang patukol sa wastong nutrisyon, kalusugan, at pag-aalaga sa ating mga anak.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng lecture, interactive games, at pagbabahagi ng mga nutritional packs, mas pinatibay pa natin ang ating kampanya laban sa malnutrisyon.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa buong-pusong pagtaguyod ng Pamahalaang Barangay sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Kgg. Angelito A. Naval, kasama ang ating masisipag na Barangay Nutrition Scholar, Gng. Josephine N. Olivario, VAW Desk Officer, Gng. Clarita L. Abanid, at ang ating mga Barangay Health Workers (BHW).

Isang malaking pasasalamat sa lahat ng mga nanay, tatay, at mga chikiting na nakiisa at naging bahagi ng tagumpay na ito. Patuloy po tayong magtutulungan para sa isang mas malusog, masigla, at matatag na Barangay Zapote! 💪💚




𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐄𝐘𝐄 𝐒𝐂𝐑𝐄𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆 𝟏𝐒𝐓 𝟐𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐓𝐈𝐄𝐍𝐓𝐒  (𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐂𝐎𝐌𝐄, 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐃)Date: July 15, 2026 (Wednesday)Tiime: 8AM-12NNLocation...
08/07/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐄𝐘𝐄 𝐒𝐂𝐑𝐄𝐄𝐍𝐈𝐍𝐆
𝟏𝐒𝐓 𝟐𝟎𝟎 𝐏𝐀𝐓𝐈𝐄𝐍𝐓𝐒 (𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐂𝐎𝐌𝐄, 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐄𝐃)

Date: July 15, 2026 (Wednesday)
Tiime: 8AM-12NN
Location: Biñan Congressional District Office (halos tapat ng IMART)

Paalala:
- Magdala ng valid ID
- Photocopy ng valid ID (2 COPIES)
- 18 and above patients only

Maraming salamat po!

𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍, 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐀𝐍!Nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Zapote sa opisyal na pagbubukas at pagdiri...
06/07/2026

𝐍𝐔𝐓𝐑𝐈𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍, 𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀𝐀𝐍!

Nakiisa ang Pamahalaang Barangay ng Zapote sa opisyal na pagbubukas at pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month ngayong Hulyo 2026.

Sa pamumuno ng ating Punong Barangay Angelito A. Naval, kasama si Kgg. Agapito D. Naval, at ang mga miyembro ng Barangay Nutrition Council (BNC) — VAW Desk Officer Clarita L. Abanid, Barangay Nutrition Scholar Josephine N. Olivario, Solo Parent President Erlinda N. Miranda, at ang ating nakatuwang na health worker na si Cecilia M. Naval — buong-pusong isinusulong ng ating komunidad ang mga programang naglalayong maghatid ng sapat at masustansyang pagkain para sa bawat pamilya sa ating barangay.

Ang kalusugan ng bawat pamilyang Zapotenian ay nananatiling prayoridad ng ating lokal na pamahalaan at pamahalaang barangay. Sama-sama nating abutin ang isang malusog at ligtas na komunidad!

Dahil sa bagong pamunuan ng Barangay Zapote ang lahat ay may partisipasyon!



05/07/2026
21/05/2026

Address

Brgy Zapote CIty Of Binan, LAguna
Binãn
4024

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Center- Brgy. Zapote Binan City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share