03/03/2026
Happy birthday po, Teacher Dolly! 👩🎂
Kami po mula sa Children’s Ministry ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang sawang dedikasyon at tapat na paglilingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng paggabay at pagtuturo sa mga bata. 🧁🎀
Dalangin po namin na sa panibagong taon ng inyong buhay ay patuloy kayong pagpalain ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kagalakan, karunungan, at tagumpay sa lahat ng inyong ginagawa. Nawa’y patuloy Niya kayong gamitin bilang pagpapala sa marami. 💖✨