BOAC RHU II

Directions

BOAC RHU II Mapagpala at malusog na Araw! This is the Official page of Boac (Bantay) Rural Health Unit

Makilahok sa ating 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 ngayong araw, 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 22, 2026 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) sa 𝐏𝐍𝐌𝐌𝐇𝐃𝐂, 3𝐫𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫!Ang baw...
22/10/2026

Makilahok sa ating 𝐌𝐨𝐛𝐢𝐥𝐞 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐃𝐨𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 ngayong araw, 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 22, 2026 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) sa 𝐏𝐍𝐌𝐌𝐇𝐃𝐂, 3𝐫𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫!

Ang bawat patak ng dugo ay maaaring magbigay ng panibagong pag-asa sa mga nangangailangan. Maging bayani sa simpleng paraan, mag-donate ng dugo at tumulong na magligtas ng buhay! 🩸🫶

📅 Petsa: Oktubre 22, 2026
📍 Lugar: PNMMHDC, 3rd Floor

📞 Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Boac Municipal Health Office:
0946 938 0512 / 0946 521 0457

Dugo mo, Buhay ko! ❤️

📢 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐎𝐖𝐍𝐄𝐑𝐒, 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐒, 𝐀𝐓 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐋𝐄𝐑𝐒! 🩻💙Ang Boac Municipal Health Office (MHO)...
20/10/2026

📢 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐎𝐖𝐍𝐄𝐑𝐒, 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐒, 𝐀𝐓 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐋𝐄𝐑𝐒! 🩻💙

Ang Boac Municipal Health Office (MHO) ay magkakaroon ng LIBRENG CHEST X-RAY para sa mga business owners, operators, at food handlers bilang bahagi ng pagsusulong ng kalusugan at kaligtasan ng ating komunidad. 🏥

📅 MGA PETSA NG LIBRENG CHEST X-RAY: 🗓️ October 19–30, 2026 🗓️ November 16–27, 2026 🗓️ December 1–4 at 7, 2026

📍 Lugar: Pablo N. Marquez Memorial Health & Diagnostic Center

📞 Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa: 📱 0946 938 0512 📱 0946 521 0457

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Makilahok at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan para sa inyong pangangailangan. 💚

Ligtas ba ang mga bakunang ibinibigay sa Bakuna Eskwela?✅ Oo. Ang mga bakunang ibinibigay sa Bakuna Eskwela ay ligtas at...
19/10/2026

Ligtas ba ang mga bakunang ibinibigay sa Bakuna Eskwela?

✅ Oo. Ang mga bakunang ibinibigay sa Bakuna Eskwela ay ligtas at epektibo.

✅ Ang mga ito, tulad ng MR, Td, at HPV vaccine ay hindi bagong bakuna at matagal nang ibinibigay sa mga eligible population.

✅ Dumaan ang mga ito sa mahigpit na pagsusuri upang matiyak ang kanilang kaligtasan at bisa. Ibinibigay ang mga bakunang ito upang maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Magpabakuna Na!




Libre ba ang bakuna sa Bakuna Eskwela?Oo. Makukuha nang libre ang mga bakuna sa mga pampublikong paaralan tuwing Bakuna ...
16/10/2026

Libre ba ang bakuna sa Bakuna Eskwela?

Oo. Makukuha nang libre ang mga bakuna sa mga pampublikong paaralan tuwing Bakuna Eskwela at health facilities.

Kung ang mga ito ay bibilhin sa pribadong klinika o health facility, aabot ng halos 13,000 ang magagastos mo.

Magpabakuna Na!





!

14/10/2026

🩸 𝐃𝐮𝐠𝐨 𝐌𝐨, 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐊𝐨! ❤️

Makilahok sa gaganaping 𝑴𝒐𝒃𝒊𝒍𝒆 𝑩𝒍𝒐𝒐𝒅 𝑫𝒐𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 sa darating na 𝑶𝒌𝒕𝒖𝒃𝒓𝒆 22, 2026, sa 𝘔𝘶𝘯𝘪𝘤𝘪𝘱𝘢𝘭 𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘖𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦, 3𝘳𝘥 𝘍𝘭𝘰𝘰𝘳, 𝘉𝘰𝘢𝘤, 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘯𝘥𝘶𝘲𝘶𝘦.

Maging bayani sa simpleng paraan, mag-donate ng dugo at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan!

Isang donasyon, isang buhay na maililigtas! 💪💉

Ano ang kailangan mong gawin bilang magulang sa Bakuna Eskwela?✅ Dumalo sa mga PTA meeting at information sessions na is...
14/10/2026

Ano ang kailangan mong gawin bilang magulang sa Bakuna Eskwela?

✅ Dumalo sa mga PTA meeting at information sessions na isinasagawa kasama ang mga g**o, health care workers, at iba pang katuwang upang magkaroon ng sapat at tamang impormasyon tungkol sa Bakuna Eskwela at pagbabakuna.

✅ Sagutan at isumite ang consent form sa class adviser ng bata. Ang mga nakolektang consent form ay pagsasama-samahin ng itinalagang school personnel at/o DepEd nurse at ieendorso sa vaccination team ng LGU para sa kaukulang pagbabakuna.

✅ I-monitor ang bata pagkatapos ng pagbabakuna at kung may mapansing hindi pangkaraniwang reaksyon o sintomas, agad itong ipagbigay-alam sa health worker o vaccination team.

Magpabakuna Na!




!

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infa...
13/10/2026

Bakit kailangan ng iyong anak na mabakunahan muli sa ilalim ng Bakuna Eskwela kung nakakuha na siya ng bakuna noong infant pa siya?

Narito ang kasagutan.




!

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗮𝘁 𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬Matagumpay po nating naisagawa ang iba’t ibang serbisyong p...
01/09/2026

𝗔𝗨𝗚𝗨𝗦𝗧 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗜𝗚𝗛𝗧𝗦 | 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗮𝘁 𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬

Matagumpay po nating naisagawa ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan ngayong buwan ng Agosto sa mga barangay ng Hinapulan, Boi at Bayuti, Puting Buhangin, Canat, Tumagabok, Mahinhin, Balagasan, at Tambunan, bilang bahagi ng patuloy nating pagsisikap na mailapit ang serbisyong medikal sa bawat pamilya at mamamayan.

Sa pamamagitan ng ating General Consultation at pakikiisa sa Ugnayang Barangay, ating naihatid ang mga sumusunod na serbisyo:

✅ Medical Consultation
✅ Dental Check-up
✅ NCD Risk Assessment
✅ Laboratory Tests
✅ MR-SIA para sa mga batang 6–59 buwang gulang
✅ Pagbibigay ng Vitamin A
✅ Pamimigay ng libreng gamot at bitamina
✅ Pamamahagi ng mosquito nets
✅ PhilHealth YAKAP Registration

Lubos po kaming nagpapasalamat sa mga Sangguniang Barangay, kasama ang ating mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at higit sa lahat, sa lahat ng mamamayan sa inyong mainit na pagtanggap, pakikiisa, at patuloy na suporta sa mga programang pangkalusugan na aming inilalapit para sa inyo.

Ang inyong pakikipagtulungan ay mahalagang bahagi ng ating sama-samang pagkilos tungo sa isang mas malusog at mas ligtas na komunidad para sa lahat.

SA HEALTHY BOAC, BAWAT BUHAY AY MAHALAGA!




08/08/2026

Sa layuning mapanatiling ligtas at malusog ang bawat batang Boakeño, buong-pusong ipinapaabot ng ating Ina ng Bayan ng Boac, Mayor Armi Dela Cruz Carrion, ang kanyang mensahe ng suporta para sa Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Ligtas Tigdas Campaign 2026.

Ang kanyang pakikiisa ay patunay ng patuloy na pagtutok at malasakit ng Pamahalaang Bayan ng Boac sa kalusugan at kapakanan ng ating mga kabataan. Sa sama samang pagkakaisa, ating isusulong ang isang Boac na ligtas, malusog at may pag-asang kinabukasan.

SA HEALTHY BOAC, BAWAT BUHAY AY MAHALAGA!


𝗠𝗲𝗮𝘀𝗹𝗲𝘀 𝗥𝘂𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 (𝗠𝗥 𝗦𝗜𝗔) 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗧𝗶𝗴𝗱𝗮𝘀 𝗖𝗮𝗺𝗽𝗮𝗶𝗴𝗻 𝗞𝗶𝗰𝗸 𝗢𝗳𝗳Matagumpay na naisagawa kahap...
07/08/2026

𝗠𝗲𝗮𝘀𝗹𝗲𝘀 𝗥𝘂𝗯𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗜𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆 (𝗠𝗥 𝗦𝗜𝗔) 𝗟𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗧𝗶𝗴𝗱𝗮𝘀 𝗖𝗮𝗺𝗽𝗮𝗶𝗴𝗻 𝗞𝗶𝗰𝗸 𝗢𝗳𝗳

Matagumpay na naisagawa kahapon, ika-6 ng Agosto, sa Bantay Health Center ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) – Ligtas Tigdas Campaign Kick-Off.

Nakiisa sa ating gawain ang mga magulang at mga batang may edad 6 hanggang 59 buwang gulang mula sa mga Barangay ng Bantay, Puyog, at Ogbac. Layunin ng aktibidad na maprotektahan ang bawat bata laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan pagbabakuna.

Pormal na binuksan ang programa sa pamamagitan ng panimulang mensahe ni Kgg. Renato Lope, Punong Barangay ng Barangay Bantay, na sinundan ng makabuluhang mensahe ni Dr. Catherine Dell J. Sadiwa-Cruz, ang ating Municipal Health Officer ng Bayan ng Boac.

Nagpaabot din ng inspirasyonal na mensahe ang ating Ina ng Bayan, Mayor Armi Dela Cruz Carrion, bilang pagpapakita ng kanyang buong suporta sa adbokasiya ng pagbabakuna. Nagbigay rin ng mensahe at suporta si Dr. Romina Victoria, Provincial Health Officer-OIC. Samantala, ibinahagi ni Dr. Russell S. Grepaldeo, Medical Officer III ng Department of Health – Center for Health Development (CHD) MIMAROPA, ang kahalagahan ng pagbabakuna bilang isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan laban sa pamamagitan ng bakuna.

Bilang bahagi ng programa, isinagawa ni Dr. Juliean R. Malubag-Muhi, Rural Health Physician ang isang oryentasyon lalo na para sa mga magulang upang higit nilang maunawaan ang layunin ng MR SIA at mabigyang-katiyakan na ang mga bakunang ibinibigay sa kanilang mga anak ay ligtas, de-kalidad, at epektibo.

Kasabay ng ating aktibidad ay isinagawa ang pamamahagi at pagpapatak ng Vitamin A sa mga batang kwalipikadong tumanggap nito.

Naging matagumpay ang gawaing ito sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at suporta ng ating mga katuwang sa kalusugan, kabilang ang Provincial Health Office, Provincial Department of Health – Marinduque, Department of Health – CHD MIMAROPA. Pasasalamat din sa Boac Municipal Nutrition Office, at ang ating katuwang na NGO ang Boac Elite Ai***ft Team.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng kanilang oras at suporta upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa ating pagkakaisa, patuloy nating isusulong para sa kinabukasan ng ating mga kabataan ang isang mas malusog, mas ligtas, at mas protektadong Bayan ng Boac.



Address

Bantay
Boac
4900

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BOAC RHU II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share