DOH - Joni Villanueva General Hospital JVGH

Call Directions Contact the practice

DOH - Joni Villanueva General Hospital JVGH Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DOH - Joni Villanueva General Hospital JVGH, Hospital, National Road, Igulot, Bocaue.

23/09/2026

DOH: ALAMIN ANG MGA POSIBLENG PINAGMUMULAN NG LEPTOSPIROSIS

Hindi lang sa baha nakukuha ang Leptospirosis, maaari rin itong makuha sa maruming lupa, putik, at iba pang lugar na may latak ng ihi ng daga. Basahin ang post na ito para malaman ang iba't ibang posibleng pinagmumulan ng sakit at maiwasan ang panganib nito.

Kung lumusong sa baha o naexpose sa alinman sa mga nabanggit sa post, agad na magtungo sa health center o YAKAP clinic, may sintomas man o wala. Tumawag sa National Emergency Hotline 911 kapag kailangan ng tulong.






DOH-Joni Villanueva General Hospital Opening of Bids | September 23, 2026
23/09/2026

DOH-Joni Villanueva General Hospital
Opening of Bids | September 23, 2026

Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.

DOHโ€“Joni Villanueva General Hospital Physical Wellness ProgramPromoting a Healthy and Active LifestyleSeptember 21, 2026...
21/09/2026

DOHโ€“Joni Villanueva General Hospital Physical Wellness Program
Promoting a Healthy and Active Lifestyle
September 21, 2026

Isang masigla at makabuluhang pagsisimula ng linggo para sa mga kawani ng DOHโ€“Joni Villanueva General Hospital
Ngayong September 21, 2026, kasabay ng ating Flag Raising Ceremony, opisyal na isinagawa ang Opening of the Physical Wellness Program, na naglalayong itaguyod ang kahalagahan ng physical activity, healthy lifestyle, at pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng bawat kawani.

Senyales ng pormal na pagbubukas ng programa ang seremonya ng Torch Lighting, na pinangunahan ng ating Medical Center Chief, na sumisimbolo sa sama-samang hangarin ng buong JVGH community na magkaroon ng mas malusog, mas aktibo, at mas masiglang workforce.

Bilang bahagi rin ng opening activities, naging makulay at masaya ang Wellness Parade, kung saan ipinakita ng bawat J.O.N.I. Team ang kanilang energy, creativity, unity, at team spirit!
Tampok din sa programa ang pagpapakilala sa mga Muse ng bawat J.O.N.I. Team, na nagdagdag ng saya, kulay, at excitement sa pagdiriwang.

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy nating hinihikayat ang bawat kawani na kumilos, maging aktibo, at gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang healthy lifestyle. Dahil ang pangangalaga sa kalusugan ay hindi lamang para sa ating mga pasyente, nagsisimula rin ito sa ating sarili.

Healthy employees, stronger workforce, better healthcare!

19/09/2026
18/09/2026

DOH: TANDAAN ANG MGA DAPAT GAWIN KONTRA LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



18/09/2026

Pangalagaan ang Kalusugan!
Protektahan ang pamilya laban sa Waterborne & Food-borne Diseases!

Sundin ang gabay sa tamang paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang germs at mga sakit!


17/09/2026

๐Ÿฉธ JOIN OUR BLOOD DONATION DRIVE: BE A HERO, SAVE A LIFE!

Ang bawat patak ng dugo ay maaaring maging pag-asa, lakas, at panibagong pagkakataon para sa isang pasyenteng nangangailangan. Sa pamamagitan ng simpleng pagdo-donate, maaari kang maging tunay na bayani at makagawa ng direktang ambag sa buhay ng iba.

Maging bayani sa simpleng paraan, magbigay ng dugo at magligtas ng buhay.

๐Ÿ“… September 18, 2026
โฐ 8:00 AM โ€“ 12:00 PM
๐Ÿ“ DOH-Joni Villanueva General Hospital

PAALALA BAGO MAG-DONATE NG DUGO:
โ€ข Matulog nang sapat, magkaroon ng hindi bababa sa 6โ€“8 oras na kalidad na tulog.
โ€ข Iwasan ang alak, walang alcohol intake sa loob ng 24 oras bago ang donation.
โ€ข Kumain nang masustansya bago mag-donate at iwasan ang matatabang pagkain.
โ€ข Uminom ng maraming tubig upang manatiling hydrated.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng makikiisa at magbibigay ng dugo. Ang inyong oras, malasakit, at kabutihang-loob ay malaking tulong sa mga pasyenteng nangangailangan at maaaring maging daan upang mailigtas ang isang buhay.

16/09/2026

One Drop of Humanity. Give Blood. Save Lives.

Sa bawat patak ng dugong iyong ibinibigay, may isang taong maaaring magkaroon ng panibagong pag-asa. Para sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, ang iyong simpleng pag-aalay ay maaaring maging mahalagang tulong sa kanilang oras ng pangangailangan.

Ngayong darating na September 18, 2026, inaanyayahan ng DOH-Joni Villanueva General Hospital ang bawat isa na makiisa sa ating Blood Donation Drive. Hindi kailangang maging bayani sa malaking paraanโ€”minsan, sapat nang magbigay ng kaunting bahagi ng iyong sarili upang makatulong sa buhay ng iba.

๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—–๐—›๐—ก๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ฐ๐—ผ๐—ฝ๐˜†DOHโ€“Joni Villanueva General Hospital | September 16, 2026Bil...
16/09/2026

๐— ๐—˜๐——๐—œ๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—˜๐—–๐—›๐—ก๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ฟ๐—ผ๐˜€๐—ฐ๐—ผ๐—ฝ๐˜†
DOHโ€“Joni Villanueva General Hospital | September 16, 2026

Bilang bahagi ng 54th Medical Technology Week, isinagawa sa DOH-JVGH ang Workshop on Malaria Microscopy sa pakikipagtulungan ng PAMET Bulacan Chapter.

Layunin nitong palakasin ang kaalaman at kasanayan ng ating mga Medical Technologists para sa mas tumpak na laboratory diagnosis at mas mahusay na pangangalaga sa bawat pasyente.

Maraming salamat sa PAMET Bulacan Chapter, Department of Pathology and Laboratory Medicine, at sa lahat ng participants na nakiisa sa makabuluhang learning activity na ito.

Patuloy sa pagkatuto. Patuloy sa kahusayan. Patuloy sa serbisyong nakasentro sa pasyente.

dahil sa DOH-Joni ang Galing Magpagaling.

Address

National Road, Igulot
Bocaue
3018

Telephone

+639603026389

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH - Joni Villanueva General Hospital JVGH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to DOH - Joni Villanueva General Hospital JVGH:

Shortcuts

Share

Category