Bongabong Municipal Health Office & HRH Team

Bongabong Municipal Health Office & HRH Team Sa Healthy Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga!

18/03/2021

PWEDE KA BANG MAKATANGGAP NG COVID-19 VACCINE?

Alamin rito kung sinu-sino ang maaaring mabakunahan!

HINDI MAAARI
❌ May edad na mas mababa sa 18 taong gulang
❌ May allergy sa polysorbate, polyethylene glycol / PEG, o iba pang sangkap ng bakuna
❌ May malubhang allergy matapos tumanggap ng unang dose ng bakuna

IPAGPALIBAN MUNA
πŸ•’ May alinman sa mga sumusunod na sintomas: lagnat / panginginig dahil sa lamig, sakit ng ulo, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagkapagod, panghihina, kawalan ng panlasa o pang-amoy, hirap sa paghinga, DAS, rashes
πŸ•’ May exposure sa taong confirmed o suspect na kaso ng COVID-19 sa nakaraang 14 na araw
πŸ•’ Dating ginamot para sa COVID-19 sa nakaraang 90 na araw
πŸ•’ Ginamot o nakakuha ng convalescent plasma o monoclonal antibodies para sa COVID-19 nitong nakaraang 90 na araw
πŸ•’ Mga buntis na nasa unang 3 buwan ng pagbubuntis
πŸ•’ Nakakuha ng kahit na anong klaseng bakuna sa nakaraang 14 na araw

KAILANGAN NG MEDICAL CLEARANCE MULA SA DOKTOR
πŸ“„ May autoimmune disease
πŸ“„ Na-diagnose na may Human Immunodeficiency Virus (HIV)
πŸ“„ Na-diagnose na may kanser
πŸ“„ Sumailalim sa organ transplant
πŸ“„ Kasalukuyang umiinom ng steroids2
πŸ“„ Nakaratay na lang sa k**a o may sakit na hindi tataas sa anim (6) na buwan ang taning

OO, SUBALIT KAILANGAN NG KARAGDAGANG PAG-IINGAT
βœ… May sakit kaugnay ng pagdudugo o kasalukuyang umiinom ng anticoagulants
βœ… May history ng anaphylaxis o malubhang allergy
βœ… May allergy sa pagkain, itlog, o gamot
βœ… May hika

RESBAKUNA, kasangga ng BIDA! Sama-sama tayo sa BIDA Bakunation!



+

Address

Aplaya
Bongabong
5211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bongabong Municipal Health Office & HRH Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Bongabong Municipal Health Office & HRH Team:

Shortcuts

Share