Municipal Health Office-LGU Brooke’s Point

Directions Contact the practice

Municipal Health Office-LGU Brooke’s Point Health Activities of RHU Brooke's Point, Palawan

🚨 MAY NAKITA KA BANG KAHINA-HINALANG POST TUNGKOL SA BAKUNA?Hindi lahat ng nakikita online ay dapat paniwalaan o ipasa. ...
29/08/2026

🚨 MAY NAKITA KA BANG KAHINA-HINALANG POST TUNGKOL SA BAKUNA?

Hindi lahat ng nakikita online ay dapat paniwalaan o ipasa. Maging mapanuri at bantayan ang 3 red flags: walang malinaw na source, kulang ang context, at pinipilit kang mag-react agad.

🔎 CHECK MUNA, BAGO MANIWALA!
Huwag agad mag-share. Hanapin ang credible source, suriin ang buong context, at kumonsulta sa healthcare worker kung may tanong o duda.

Maging BakunaDOH para ProtektaDOH laban sa measles, rubella at maling impormasyon!

DOH: 'Wag matakot sa mga side effect ng bakuna. Ang mga ito ay normal lamang at madalang na mangyari.Kung sakaling makar...
27/08/2026

DOH: 'Wag matakot sa mga side effect ng bakuna. Ang mga ito ay normal lamang at madalang na mangyari.

Kung sakaling makaranas ng side effects, handa ang mga healthcare worker na tumugon sa mga ito.

Ang dapat ikatakot ay ang panganib ng Tigdas at Tigdas-hangin na maaaring humantong sa pagkaospital at kamatayan.

Pumunta sa pinakamalapit na health center o sumangguni sa nurse o midwife sa inyong barangay para sa pagbabakuna.



GOOD NEWS, PALAWAN! ANG LIGTAS TIGDAS AY EXTENDED HANGGANG SEPTEMBER 4!May dagdag na panahon pa para maprotektahan ang i...
27/08/2026

GOOD NEWS, PALAWAN! ANG LIGTAS TIGDAS AY EXTENDED HANGGANG SEPTEMBER 4!

May dagdag na panahon pa para maprotektahan ang inyong mga chikiting laban sa Tigdas at Rubella.

Kung hindi pa nababakunahan ang inyong anak, ito na ang pagkakataon. Dalhin ang mga batang edad 6 hanggang 59 buwan sa pinakamalapit na health center o vaccination site at makiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity o MR-SIA.

Huwag nang ipagpabukas ang proteksyon ng inyong anak. Libre, ligtas, at epektibo ang bakuna laban sa Tigdas at Rubella.

Hanggang September 4 na ang Ligtas Tigdas Campaign. I-share ang good news at hikayatin ang kapwa magulang na makiisa.

𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 & 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗦𝗧𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 🤱💜📅 August 26, 2026📍 Barangay Samariniana, Brooke’s PointBilang pakikiisa sa ...
27/08/2026

𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 & 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗦𝗧𝗙𝗘𝗘𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 𝟮𝟬𝟮𝟲 🤱💜

📅 August 26, 2026
📍 Barangay Samariniana, Brooke’s Point

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Family Planning at Breastfeeding Month, nagsama-sama ang 106 participants mula sa Barangay Malis, Salogon, at Samariniana para sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa kalusugan ng ina, sanggol, at buong pamilya. 👨‍👩‍👧‍👦✨

Tinalakay sa aktibidad ang Breastfeeding Basics at Proper Positioning (Ensuring a Good Start) kasama ang ating guest speaker na si Dr. Mildy Abegail Bangit-Macaranas, gayundin ang mahahalagang laboratory tests sa panahon ng pagbubuntis, Family Planning at Dental Care. 🤱🩺🦷

Sa tamang kaalaman at wastong gabay, mas napapalakas natin ang kakayahan ng bawat pamilya na gumawa ng mga desisyong makabubuti sa kanilang kalusugan at kinabukasan. 💜

Maraming salamat sa lahat ng participants at healthcare providers na nakiisa sa matagumpay na aktibidad na ito! 🫶

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗥𝗔𝗣𝗜𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 🏥💉🗓️ August 26, 2026Isinagawa ang Rapid Convenience Monitoring (RCM) sa Brooke...
27/08/2026

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗥𝗔𝗣𝗜𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 🏥💉
🗓️ August 26, 2026

Isinagawa ang Rapid Convenience Monitoring (RCM) sa Brooke’s Point ng monitoring team mula sa DOH–CHD MIMAROPA, kasama ang PDOHO-Palawan, bilang bahagi ng monitoring at assessment ng pagpapatupad ng MRSIA 2026.

Binisita ng monitoring team ang apat na Barangay:

📍 Barangay Oring-Oring
📍 Barangay Imulnod
📍 Barangay Pangobilian
📍 Barangay Barong-Barong

Sa isinagawang monitoring, tiningnan ang status ng MRSIA implementation, kabilang ang Immunization Masterlist, Deferrals, Refusals, at iba pang mahahalagang bahagi ng kampanya.

Matapos ang pag-iikot, isinagawa ang feedbacking session kasama ang Municipal Health Office, kung saan ibinahagi ang mga obserbasyon, concerns, at rekomendasyon upang matugunan ang mga gaps at mas mapabuti pa ang pagpapatupad ng MRSIA.

💙 Patuloy ang ating pagtutulungan upang maabot ang bawat bata at masiguro na sila ay mabakunahan at maprotektahan laban sa Measles at Rubella.

🌧️ TAG-ULAN NA, MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! ⚠️Sa panahon ng malakas na ulan at pagbaha, tumataas ang panganib na magkaro...
26/08/2026

🌧️ TAG-ULAN NA, MAG-INGAT SA LEPTOSPIROSIS! ⚠️

Sa panahon ng malakas na ulan at pagbaha, tumataas ang panganib na magkaroon ng leptospirosis. Kaya hangga’t maaari, iwasang lumusong sa baha, lalo na kung may sugat sa paa o balat.

Kung hindi maiiwasang mabasa o lumusong sa baha, agad na maghugas o maligo gamit ang malinis na tubig at sabon. 🧼🚿

⚠️ Kung nakalusong sa baha at nakaranas ng lagnat, pananakit ng katawan o kalamnan, sakit ng ulo, pamumula ng mata, o iba pang sintomas, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health facility.

Ngayong tag-ulan, maging maingat at protektahan ang sarili at pamilya. 💙

Iwas baha. Iwas leptospirosis. Kalusugan ay pangalagaan! 🌧️🩺

💜 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 | 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼, 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮! 💜Maraming salamat sa 42 haligi ng taha...
24/08/2026

💜 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗡𝗧𝗛 | 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼, 𝗞𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮! 💜

Maraming salamat sa 42 haligi ng tahanan mula sa Sitio Kamuningan, Tagpinasao, Barangay Salogon na aktibong nakiisa sa makabuluhang talakayan tungkol sa Family Planning. 🫶👨‍👩‍👧‍👦

Sa pagdiriwang ng Family Planning Month, binibigyang-diin natin ang mahalagang papel ng mga ama—hindi lamang bilang haligi ng tahanan, kundi bilang maalam, responsable, at aktibong katuwang sa pagpaplano ng pamilya para sa mas magandang kinabukasan. 💪💜

Dahil ang tunay na “Bagong Maginoo” ay marunong makinig, rumespeto, at makibahagi sa mahahalagang desisyon para sa kanyang pamilya. 🤝

Tol, maging katuwang sa pagpili ng tamang FP method para sa pamilya mo! 🫶💜

𝗘𝗠𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛 𝗣𝗘𝗘𝗥 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟭–𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 🌱✨Matagumpay na isinagawa ang Peer Education Training noong...
24/08/2026

𝗘𝗠𝗣𝗢𝗪𝗘𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗨𝗧𝗛 𝗧𝗛𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛 𝗣𝗘𝗘𝗥 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟭–𝟮𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟲 🌱✨

Matagumpay na isinagawa ang Peer Education Training noong August 21–23, 2026 sa Convention Center, kung saan binigyang-kaalaman at kakayahan ang ating mga kabataan upang maging epektibong Peer Educators sa kanilang kapwa kabataan. 🫶

Bilang bahagi ng pagsasanay, isinagawa naman ang kanilang Return Demonstration sa RHU Brooke’s Point, kung saan naipakita nila ang kanilang natutunan at kakayahang magbahagi ng tama at makabuluhang impormasyon. 💡💪

Kasabay nito, ipinakilala at ibinahagi rin ang kaalaman tungkol sa ating Adolescent-Friendly Health Facility (AFHF) sa Brooke’s Point, upang mas malaman ng mga kabataan na may ligtas, accessible, at youth-friendly na serbisyong pangkalusugan na handang tumugon sa kanilang mga pangangailangan. 💙🩺

Ang aktibidad na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Municipal Health Office (MHO), UNICEF, Philippine Society of Responsible Parenthood (PSRP), Municipal Youth and Local Development Office (MYLDO), at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). 🤝✨

Kabataang may tamang kaalaman, may kakayahang gabayan at maging boses ng kapwa kabataan! 💙

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮, 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮! 👶💉Sa loob ng dalawang linggo ng kampanya laban sa Tigdas (Mea...
22/08/2026

𝗠𝗥𝗦𝗜𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 | 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮, 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮! 👶💉

Sa loob ng dalawang linggo ng kampanya laban sa Tigdas (Measles) at Tigdas-Hangin (Rubella), 3,444 na bata na sa Brooke’s Point ang ating nabakunahan!

Kasabay nito, 3,499 na bata naman ang nabigyan ng Vitamin A supplementation bilang karagdagang suporta sa kanilang kalusugan at nutrisyon. 💊✨

Patuloy ang ating mga healthcare providers at Barangay Health Workers sa pag-abot sa mga komunidad, pagbibigay ng tama at sapat na impormasyon, at paghikayat sa mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak. 🏘️🩺

📣 Mga magulang, huwag hayaang misinformation ang magdesisyon para sa kalusugan ng inyong anak. Maging mapanuri sa mga nababasa at napapanood sa social media. Kung may alinlangan o katanungan tungkol sa bakuna, lumapit at magtanong sa ating mga healthcare providers at kumuha ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang health authorities.

Tamang impormasyon, tamang desisyon, protektadong bata!💙

Address

Brooke's Point
5305

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office-LGU Brooke’s Point posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office-LGU Brooke’s Point:

Shortcuts

Share