17/08/2026
Matagumpay na naisagawa ang PuroKalusugan sa Sitio Kamantian, Barangay Samariniana,Brooke’s Point, Palawan noong August 16, muling naihatid ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan nang mas malapit sa ating komunidad.
Ang PuroKalusugan ay isang inisyatiba ng Department of Health (DOH) na naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa bawat purok at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pangangalaga ng kalusugan. Sa pamamagitan nito, mas napapalakas ang pag-iwas sa sakit, maagang pagtuklas ng mga karamdaman, at pagsusulong ng mas malusog na pamumuhay.
Services Offered:
1. Free Consultation
2. Immunization
3.IEC
5. Malaria Rapid Diagnostic test
6. BP Screening
Total number of patients served: 114