25/08/2026
Thank you for trusting Play PALS for Dan’s therapy, Daddy and Mommy Pilyong Inggo 🙏🏻
Isa sa pinaka hindi namin malilimutang ganap bilang Ausome Parents ay yung natawagan na kami for a slot sa Occupational Therapy.
Ang makakuha ng slot sa isang occupational therapy ay hindi ganoon kadali, nagpapasalamat kami dahil may malapit sa amin na legit and trusted Therapy Center (Play PALS Child Development Center). Hindi kasi agad nakakakuha ng slot sa kadahilanang kakaunti pa lang ang mga therapy centers at mga registered therapists, kumpara sa dumadaming bilang ng mga batang nadadiagnosed at kinakailangan ng suporta.
Isa kami sa mga naghintay, at umaasang makakuha agad ng slot dahil ang kalaban namin ay ang oras at panahon. Habang naghihintay sa tawag ay inenroll muna namin si Dan sa isang Behavioral Therapy (SMLC) na nakatulong ng malaking bagay upang matugunan ang pangangailangang suporta ni Dan para sa kaniyang behavior, noong mga panahon kasi na ito ay madalas nagtatantrums siya.
Halos 6 na buwan kaming naghintay para sa occupational therapy slot.
Mahigit 1 taon naman sa speech therapy slot..
Worth it naman ang paghihintay namin sapagkat, sobrang laki ng improvement ni Dan simula ng Mag Therapy siya, ang masasabi ko lang ay mahuhusay at professionals ang mga therapist na humahawak sa kaniya 😊..
hindi lang sa pagsasalita, paggamit ng mga maliliit na muscles at buto sa kamay, at mapagpasensyang paghihintay nag improve si Dan! Pati na rin ang kaniyang character bilang bata, from mahiyain at namimili ng kausap to madaldal at palabating bata na nakikipaglaro narin sa iba pang mga bata..
Nga pala mag 3 years na kami sa OT and almost mag 2 years na ST 😁..