14/08/2026
💔 Isang nakakalungkot na paalala para sa ating lahat.
Naging balita ngayon ang pagkamatay ng isang 4-year-old boy matapos makagat ng a*ong pinaghihinalaang may rabies. Nakakalungkot isipin na isang kagat lamang ang maaaring mauwi sa ganitong trahedya. (GMA Network)
🙏 Huwag nating hintayin na may mangyaring ganito bago natin seryosohin ang kagat o kalmot.
Kung ikaw o ang iyong anak ay nakagat o nakalmot ng a*o o pusa, magpa-assess agad sa Animal Bite Treatment Center. Ang tamang treatment ay nakadepende sa uri at severity ng exposure, kaya mahalagang ma-assess nang maaga.
Rabies is preventable. Prevention starts with prompt action. 🛡️
📍 Vaxis Animal Bite & Vaccine Center
Fortaleza, Bangad, Cabanatuan City
🕖 Open daily | 7:00 AM–6:00 PM
Condolences to the family of the young victim. 💙
Namatay ang isang apat na taong gulang na lalaki sa General Santos City mahigit isang buwan matapos umano itong makagat ng isang a*ong-gala na pinaniniwalaang may rabies.
Agad siyang dinala sa ospital kung saan nilinis at tinahi ang kaniyang mga sugat. Binigyan din siya ng bakuna laban sa tetanus.
Matapos ibigay ang tetanus shot noong gabi, kinaumagahan ay ibinigay naman sa bata ang unang dose ng bakuna laban sa rabies. Naka-tatlong dose ng anti-rabies shot ang bata pero bago ang ikaapat na dose, nakitaan na umano ng sintomas ng rabies ang bata.
Ayon sa ospital kung saan na-admit ang bata, karaniwang apat na dose ng bakuna ang ibinibigay sa nakagat ng a*o ngunit hindi na umabot sa huling dose ang pasyente. Nagkaroon din siya ng sugat mula sa kagat ng a*o na malapit sa kaniyang ulo.
”Unfortunately, umabot siya ng third dose pero hindi na siya umabot ng fourth dose. We categorize yung mga sugat or kagat ng a*o… sa pasyente, Category 3… masyado nang malapit sa ulo. Meron tayong ibinibigay na immunuglobilin, which is active yung ibinigay na bakuna,” ayon kay Dr. Jeorge P. Royeca City Hospital Chief, Dr. Ryan Oscar Aplicador.
Basahin: https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/promdi/998480/4-anyos-na-lalaki-na-nakagat-ng-a*ong-gala-nasawi-higit-1-buwan-kahit-naturukan-ng-kontra-rabies/story/