Dr. Christine S. Paredes Ob-Gyn Clinic

Dr. Christine S. Paredes Ob-Gyn Clinic Aesthetic Gynecologist. VBAC and Gentle Birth Advocate. Certified Waterbirth Provider. 💕
(3)

Naglabas na din ng advisory ang Pediatric Society tungkol sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases.
12/07/2026

Naglabas na din ng advisory ang Pediatric Society tungkol sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases.

Muling kumakalat ang mga kaso ng Covid sa ating mga komunidad. 🦠

Nagpapaalala ang Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) sa lahat ng mga magulang na manatiling alerto at mag-ingat.

Hindi kailangang mag-panic—panahon lang para ibalik ang mga ligtas at malusog na gawi:
🏠 Manatili sa bahay kung may sakit
😷 Magsuot ng mask sa mga matataong lugar
🧪 Magpa-test kung makaranas ng mga sintomas

Basahin ang buong advisory sa ibaba para mapanatiling ligtas ang inyong mga makikitid o maliliit na anak!

Dental procedures while trying to conceive? 🦷🤰Pwede. ☺️In fact, mas okay pa nga na maayos ang dental problems bago mabun...
12/07/2026

Dental procedures while trying to conceive? 🦷🤰
Pwede. ☺️

In fact, mas okay pa nga na maayos ang dental problems bago mabuntis.

Safe ang:�🪥 Dental cleaning�🦷 Fillings�🦷 Root canal treatment�🦷 Tooth extraction (kung kailangan)�💉 Local anesthesia (e.g. lidocaine)

Kung kailangan ng dental X-ray, pwede rin ito basta may proper shielding at clinically indicated.

Importante ring huwag balewalain ang toothache o gum infection. Ang UNTREATED dental infections and severe gum disease have been associated with an increased risk of preterm labor and other adverse pregnancy outcomes. Kaya mas mabuting maagapan at magamot ito bago o kahit habang buntis, kung kinakailangan.

Ang healthy teeth and gums ay parte rin ng healthy pregnancy. Kaya huwag ipagpaliban ang dental check-up dahil lang TTC ka.

Kapag may possibility na buntis ka na, sabihin lang sa dentist para ma-adjust nila ang management kung kinakailangan. ❤️

11/07/2026

Jet lag malala. 🤯✈️

Pero finally, nasa tabi-tabi na ulit. 😅🇵🇭

See you on Monday sa clinic! Excited na ulit akong makita kayong lahat at makabalik sa ating regular na kwentuhan at check-ups. ☺️💕

Salamat sa paghihintay. Kita-kits! 🩺

Naglabas na din pala ng advisory of Pedia Infectious Disease Society regarding sa pagtaas ng Covid Cases.
10/07/2026

Naglabas na din pala ng advisory of Pedia Infectious Disease Society regarding sa pagtaas ng Covid Cases.

Covid cases are circulating in our communities once again. 🦠

The Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) reminding all parents to keep their guards up.

No need to panic—just time to bring back those safe, healthy habits:
🏠 Stay home if sick
😷 Mask up in crowded spaces
🧪 Test if symptoms develop

Read the full advisory below to keep your little ones safe!

Si Jen ay 3 years na TTC (trying to conceive). Noong 2023, sumailalim siya sa cystectomy para sa isang dermoid cyst at n...
10/07/2026

Si Jen ay 3 years na TTC (trying to conceive). Noong 2023, sumailalim siya sa cystectomy para sa isang dermoid cyst at naka-4 cycles na rin ng ovarian stimulation sa ibang doktor.

Nag-consult siya sa akin with one simple hope—“Baka po kayo na ang makatulong sa amin.”

After 3 cycles of ovarian stimulation with us, nag-positive na ang pregnancy test niya.

And the rest is history. ❤️

Ngayon, may isa na silang napakagandang blessing na araw-araw nilang niyayakap.

Ito talaga ang isa sa mga pinakamasarap na bahagi ng pagiging OB-GYN—hindi lang ang makitang positive ang pregnancy test, kundi ang makita ang isang pangarap na pamilya na tuluyang nabuo.

Congratulations again, Jen, and thank you for trusting me to be part of your story. 🥹🤍

Sharing this to all my girlies who are struggling to find a sustainable, “more than just fitness” program.This worked fo...
10/07/2026

Sharing this to all my girlies who are struggling to find a sustainable, “more than just fitness” program.

This worked for me. Baka ito rin ang hinahanap mo. ❤️

Excited na ako for Season 10! 💪

Ano, magkikita-kita ba tayo bukas sa FREE Masterclass? Tara, sabay nating simulan ang journey to becoming a stronger, healthier, and better version of ourselves.

🔗 https://100daytransformation.ph/christinep

Eto na nga…May COVID-19 cases na naman tayo. Kaya sa clinic kailangan pa din na naka-mask at mag-ingat.Panatilihin na ma...
10/07/2026

Eto na nga…

May COVID-19 cases na naman tayo. Kaya sa clinic kailangan pa din na naka-mask at mag-ingat.

Panatilihin na mataas ang resistensya, matulog ng sapat, damihan ang pag-inom ng tubig at inumin ang mga vitamins.

Makakatulong din kung mayroong flu vaccine at pneumococcal vaccine para sa dagdag resistensya.

Manatili muna sa bahay at umiwas sa matataong mga lugar. Lumabas lamang kung kinakailangan.

Same person. Same heart. Same soul. Same appetite. 😂Just stronger, healthier, happier… and in a different body. 💪✨Still ...
09/07/2026

Same person. Same heart. Same soul. Same appetite. 😂
Just stronger, healthier, happier… and in a different body. 💪✨

Still me—only better. ❤️

Gusto n’yo rin ba maging a better, if not the best, version of yourself?

Pauwi na ako! ✈️ See you virtually on July 11, 7 PM, for our FREE Masterclass.

Para sa mga hindi pa registered, join here:
https://100daytransformation.ph/christinep

Sa mga nahihirapang magbawas ng timbang, baka ito na ang simula ng healthier and stronger you.

Malay n’yo, bigla na lang maging regular ang mens ng mga may PMOS… tapos positive na pala ang pregnancy test. 🤭😂

Listening about malignant tendencies of ENDOMETRIOMA 🤓🤓🤓
07/07/2026

Listening about malignant tendencies of ENDOMETRIOMA 🤓🤓🤓

Standing in the same place, one year apart. 💚Last year, akala ko okay na ako.I was doing well in my career, may work-lif...
07/07/2026

Standing in the same place, one year apart. 💚

Last year, akala ko okay na ako.

I was doing well in my career, may work-life balance na kahit papano, nakakapag-travel while learning, and I honestly thought this was already the best version of myself.

Pero may kulang pala.

Konting lakad lang, hinihingal na ako. Buong araw lang akong nakaupo sa conference, pero pag-uwi parang ubos na ubos na yung energy ko. Lagi akong pagod, sluggish, at feeling ko kailangan ko laging magpahinga.

Fast forward to today…

Average of 12,000 steps a day habang umiikot sa London. Hindi na hinihingal. Mas klaro mag-isip. Mas magaan ang pakiramdam.

Pero alam niyo kung ano talaga ang favorite kong pagbabago?

After a whole day of lectures and walking, may energy pa rin akong umuwi at makipaglaro kay Mira.

Dati kasi, feeling ko binibigay ko na lahat sa trabaho. Ngayon, may natitira pa para sa pamilya.

And I realized… that’s what being healthy really means.

Hindi lang ito tungkol sa timbang o size ng damit.

It’s about having enough strength and energy for the people who matter most.

One year.
Same place.
Different Doc Tin. ❤️

Hindi pa rin perfect. Hindi pa rin “goal weight.” Pero sobrang layo na ng narating.

And I’m never going back.

Address

Cabanatuan City
3100

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Christine S. Paredes Ob-Gyn Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Christine S. Paredes Ob-Gyn Clinic:

Shortcuts

Share