28/07/2026
Lubos kaming nagpapasalamat sa DSWD Field Office 3 - Central Luzon at sa DSWD - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa patuloy na pakikipagtulungan sa NEOS โ Nueva Ecija Ophthalmologists in Service, a department of GoodSam Eye and Laser Center.
Sa isinagawang Eye Screening, Eye Check-up, at Consultation sa Licab, Nueva Ecija, 85 benepisyaryo ng 4Ps ang nabigyan ng libreng pagsusuri, konsultasyon, at wastong gabay para sa kanilang kalusugan sa mata sa pangunguna ni Dr. Sherwin B. Hernandez.
Patuloy nating ilapit ang dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa ating mga komunidad. Dahil sa NEOS, naniniwala kami na early detection is the best medicine. ๐๏ธ๐
Isinagawa ang Libreng Eye Screening, Eye Check-up, at Consultation sa Licab, Nueva Ecija sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Good Sam Eye and Laser Center, sa pangunguna ni Dr. Sherwin B. Fernandez, MD, isang dalubhasa sa pangangalaga ng mata.
Sa nasabing aktibidad, 85 na benepisyaryo ng 4Ps ang nabigyan ng libreng pagsusuri sa mata, konsultasyon, at mahahalagang payo upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng kanilang paningin.
Layunin ng gawaing ito na mailapit ang serbisyong pangangalaga sa mata sa mga mamamayan ng Licab, lalo na sa mga pamilyang kabilang sa 4Ps, sapagkat naniniwala tayo na ang malinaw na paningin ay mahalagang pundasyon ng isang produktibo, malusog, at mas magandang kinabukasan.
Basahin ang kwento: https://tinyurl.com/yjksy2hd