25/07/2026
SA MGA LARAWAN: Mula Hulyo 21–24, 2026, matagumpay na isinagawa sa Barangay Hall ng Talibong ang PuroKalusugan (PK) Training on Health Promotion at ang Orientation sa PuroKalusugan Manual para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa komunidad.
Sa loob ng apat na araw na pagsasanay, tinalakay ang mahahalagang paksa tungkol sa health promotion at ang wastong paggamit ng PuroKalusugan Manual. Layunin nitong mas mapalakas ang kakayahan ng ating mga BHW at BNS upang mas mahusay nilang magampanan ang kanilang tungkulin sa pangangalaga ng kalusugan ng bawat pamilya sa barangay.
Lubos ang aming pasasalamat sa Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Talibong, sa pangunguna ni Punong Barangay Myrah A. Macaraeg, sa kanilang patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa mga programang pangkalusugan ng Department of Health. Ang kanilang malasakit at pamumuno ay malaking tulong sa tagumpay ng gawaing ito.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa lahat ng ating Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Nutrition Scholar (BNS) sa kanilang aktibong pakikilahok, dedikasyon, at pagiging bukas sa patuloy na pagkatuto. Ang inyong pagsisikap ay mahalagang hakbang tungo sa mas malusog, mas ligtas, at mas maunlad na komunidad.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng kalusugan para sa bawat mamamayan.