23/10/2026
Tumataas ang tsansa (risk) ng pagkakaroon ng glomerulonephritis sa mga sumusunod na kondisyon:
- nagkaroon kamakailan ng impeksyon (tulad ng impeksyon ng lalamunan)
- may auto-immune na mga kondisyon (tulad ng lupus, etc)
- may hypertension o high blood
- may diabetes
- mayroon sa lahi
- madalas uminom ng mga gamot sa kirot (tulad ng ibuprofen, mefenamic acid, etc)
Magpatingin sa inyong doktor o kidney specialist para maagapan ang glomerulonephritis!
Alamin ang ibang impormasyon tungkol sa glomerulonephritis sa mga susunod naming posts.
—--------------------------------------------
Ang “Ating Bato” ay isang series ng mga educational materials na naglalayong mapalalim pa ang kaalaman ng ordinaryong mamamayan tungkol sa ating bato o kidney, lalo na sa Chronic Kidney Disease. Abangan ang mga susunod pang posts hatid ng Philippine Society of Nephrology!