06/10/2026
Hanggang sa Muli, Future Psychologists! ππ«Ά
Hindi madaling magpaalam, lalo na kapag sa maikling panahon ay naging bahagi na kayo ng araw-araw na buhay ng aming mga nanay at tatay. π₯Ή
Sa farewell program ng ICCT College Bachelor of Science in Psychology OJT Students, nagkaroon ng pagkakataong magbahagi ng short messages ang ating mga elders para sa mga estudyante. May Bingo rin, tawanan, at simpleng salu-salo ng pancit, bread, at shanghai. πβ€οΈ
Mas naging espesyal ang araw nang ang ating mga nanay at tatay naman ang sumulat ng kanilang sariling mga mensahe para sa mga OJT students. Simple man ang mga salita, puno ito ng pasasalamat at mga alaala mula sa panahong magkakasama sila. ππ
Maraming salamat sa inyong oras, effort, at pagmamahal na ibinahagi ninyo sa aming elders. Sana ay madala ninyo hindi lang ang mga natutunan ninyo sa Psychology, kundi pati ang mga kwento, aral, at mga taong nakilala ninyo dito sa One Cainta Sunset Retreat. π‘
Sana magamit ninyo ang lahat ng inyong natutunan saan man kayo dalhin ng inyong landas. Keep learning, keep growing, and most importantly, keep choosing to care. π
Good luck, future psychologists! Hanggang sa muli! πβ¨