City of Calamba-Mental Health Program

Call Directions

City of Calamba-Mental Health Program City Health Office of Calamba Mental Health Program offers free consultation/mental health assessment

19/10/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Mental Health Month 2026 na may temang “Lived Experiences Heard: Real Voices, Real Change,” nagkakaisa ang mga barangay sa Lungsod ng Calamba sa pagpapahayag ng kanilang Pledge of Commitment para sa Kalusugang Pangkaisipan.

Sa pamamagitan ng mga video na ito, ipinapakita ng bawat barangay ang kanilang pangako na itaguyod ang kamalayan sa mental health, labanan ang stigma at diskriminasyon, igalang ang dignidad at karapatan ng bawat indibidwal, at suportahan ang pagkakaroon ng accessible at de-kalidad na serbisyong pangkalusugang pangkaisipan para sa lahat.

Ang bawat pangako ay isang hakbang tungo sa pagbuo ng isang komunidad na may malasakit, pag-unawa, pagtanggap, at suporta—kung saan walang sinuman ang kailangang harapin nang mag-isa ang kanilang mga pinagdaraanan.

Sama-sama nating isulong ang isang Mental Health-Friendly Calamba City! Dahil ang kalusugang pangkaisipan ay mahalaga, at ang bawat isa ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas maunawain at mapagmalasakit na komunidad.

13/10/2026

🧠💚 WORLD MENTAL HEALTH MONTH 2026 | PLEDGE OF COMMITMENT

Ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Lungsod ng Calamba ay isa sa mga nakiisa sa pagdiriwang ng World Mental Health Month sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang Pledge of Commitment bilang pagpapakita ng suporta sa pagsusulong ng kalusugan ng isip at kapakanan ng bawat mamamayan. 💚

Ang City of Calamba – Mental Health Program, sa ilalim ng City Health Services Department, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa, nakikiisa, at patuloy na makikiisa sa pagdiriwang na ito.

Ang inyong pakikiisa at suporta ay mahalagang hakbang tungo sa pagbuo ng isang komunidad na may malasakit, pag-unawa, at pagpapahalaga sa mental health ng bawat isa.

Sama-sama nating itaguyod ang isang mentally healthy Calamba kung saan ang bawat mamamayan ay napakikinggan, nauunawaan, at nabibigyan ng sapat na suporta.

💚 Mental Health Matters! Sama-sama para sa Kalusugan ng Isip!






Sa darating na pagdiriwang ng World Mental Health Day sa Oktubre 10 na may temang “Lived Experiences Heard: Real Voices,...
09/10/2026

Sa darating na pagdiriwang ng World Mental Health Day sa Oktubre 10 na may temang “Lived Experiences Heard: Real Voices, Real Change,” ang City Health Services Department – Mental Health Program ng Lungsod ng Calamba ay nag-anyaya ng mga service user upang ibahagi ang kanilang mga personal na karanasan at paglalakbay sa pagharap sa mga hamon ng kalusugang pangkaisipan.

Sa pamamagitan ng kanilang mga tunay na kuwento at testimonya, layunin nating palawakin ang pag-unawa, palakasin ang pag-asa, at ipakita ang kahalagahan ng suporta at malasakit sa bawat isa. 💚

🌱 Dahil ang bawat kuwento ay mahalaga, bawat tinig ay nararapat pakinggan, at bawat karanasan ay maaaring maging daan tungo sa makabuluhang pagbabago.

In celebration of World Mental Health Month, the City Health Services Department, through the Mental Health Program, lau...
08/10/2026

In celebration of World Mental Health Month, the City Health Services Department, through the Mental Health Program, launches the Mental Health Bulletin Board in every barangay of Calamba City. This initiative promotes mental health awareness, encourages help-seeking, and provides accessible information on available mental health services and support. In support of City Ordinance No. 912, we continue to work together toward a mentally healthy, informed, and supportive community. 💙

📞 Mental Health Program: 0963 903 9283
📘 page: City of Calamba Mental Health

Your mental health matters. You are not alone, and help is available. 💙

💚 Ngayong Oktubre, kaisa ang City of Calamba - Mental Health Program sa buong mundo sa paggunita ng World Mental Health ...
05/10/2026

💚 Ngayong Oktubre, kaisa ang City of Calamba - Mental Health Program sa buong mundo sa paggunita ng World Mental Health Month. 💚

Sa buwang ito, binibigyang-halaga natin ang mental health at ang tunay na karanasan ng bawat isa. Ang City of Calamba - Mental Health Program ay patuloy na naririto, bukas na makinig at magbigay ng suporta at tulong sa bawat Calambeño na nangangailangan dahil walang sinuman ang dapat makaramdam na nag-iisa sa kanilang pinagdaraanan. 🫂

💖 YOUR FEED DOESN’T DEFINE YOUR WORTH 💖Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa mga nakikita mo sa social media — madalas...
23/09/2026

💖 YOUR FEED DOESN’T DEFINE YOUR WORTH 💖

Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa mga nakikita mo sa social media — madalas, piling-pili lang ang ipinapakita nila. 📱✨

Gawing ligtas na espasyo ang iyong feed para sa iyong isipan. Mag-unfollow kung nakakasama na sa pakiramdam. 🧠💜

Higit sa lahat: huwag hayaang mapalitan ng paggamit ng cellphone ang iyong oras ng pagtulog. Ang iyong pahinga ay mahalaga. 😴

Tandaan: mas mahalaga ang iyong kalusugang pangkaisipan kaysa sa anumang nakikita online. Hindi nasusukat ang halaga mo sa dami ng likes o views. Ikaw ay mahalaga, sapat ka, higit pa sa inaakala mo. 💖

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o 'di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

Alzheimer’s Disease Awareness Week 2026(3rd Week of September)Ang pagmamahal ay hindi nakakalimutan, kahit ang alaala ay...
23/09/2026

Alzheimer’s Disease Awareness Week 2026
(3rd Week of September)

Ang pagmamahal ay hindi nakakalimutan, kahit ang alaala ay naglalaho.

Sa Alzheimer’s Disease Awareness Week 2026, alalahanin natin na ang ating mga mahal sa buhay ay higit pa sa kanilang sakit. Maging matiyaga, maging maunawain, at huwag silang iwanan. Ang kanilang puso ay naroon pa rin at nararamdaman nila ang iyong pagmamahal, kahit hindi na nila maipaliwanag.

Ngayong Su***de Prevention Month, ipaalala natin sa isa’t isa na hindi kailangang sarilinin ang bigat ng pinagdaraanan. ...
02/09/2026

Ngayong Su***de Prevention Month, ipaalala natin sa isa’t isa na hindi kailangang sarilinin ang bigat ng pinagdaraanan. Okay lang humingi ng tulong. Hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. 🫂 💜

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

Ber months na!Bago ang Jose Mari Chan playlist, kumustahin muna natin ang ating sarili. 🎄💙 Simulan muna natin ang buwan ...
01/09/2026

Ber months na!
Bago ang Jose Mari Chan playlist, kumustahin muna natin ang ating sarili. 🎄💙
Simulan muna natin ang buwan sa pagkumusta sa ating sarili. Ano ang react mo sa taong 2026 so far?

Tandaan, kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

Sa mga nangyayari sa mundo ngayon, normal lang kung minsan ay makaramdam ng stress, pagod, lungkot, o iba’t ibang emosyo...
28/08/2026

Sa mga nangyayari sa mundo ngayon, normal lang kung minsan ay makaramdam ng stress, pagod, lungkot, o iba’t ibang emosyon.

Huminga. Magpahinga. Magkuwento kung kailangan. Nandito kami para sa’yo. 🫂

Kung ikaw ay nangangailangan ng tulong tungkol sa iyong mental health, narito ang City of Calamba - Mental Health Program. Maaari kayong mag-iwan ng mensahe sa aming hotline: 0963-903-9283 o di kaya ay sa page na ito, City of Calamba - Mental Health Program.

Address

Brgy 7 Near Post Post Office And City College Of Calamba
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639639039283

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Calamba-Mental Health Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share