City of Calamba - Smoking Cessation Program

City of Calamba - Smoking Cessation Program Screening/Assessment and Psychosocial Services related to the Smoking Cessation Program

ANTI-SMOKING and VA**NG ORDINANCE, MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA LUNGSOD NG CALAMBA. Narito ang kopya ng ordinansa kung saan...
10/06/2026

ANTI-SMOKING and VA**NG ORDINANCE, MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA LUNGSOD NG CALAMBA.

Narito ang kopya ng ordinansa kung saan nakapaloob kung papaano ito ipapatupad upang masigurado ang mas malusog na kinabukasan para sa buong komunidad ng Calamba. πŸ’™πŸ©΅

🚭 STOP SMOKING TODAY, SAVE YOUR TOMORROW! Ang paninigarilyo ay may masamang epekto hindi lamang sa ating kalusugan kundi...
04/06/2026

🚭 STOP SMOKING TODAY, SAVE YOUR TOMORROW!

Ang paninigarilyo ay may masamang epekto hindi lamang sa ating kalusugan kundi pati na rin sa ating pamilya at kapaligiran. Sa pagtigil sa paninigarilyo, mas mapapabuti ang paghinga, mapoprotektahan ang mga mahal sa buhay laban sa secondhand smoke, makakatipid ng pera, at magkakaroon ng mas mahaba at mas malusog na buhay.

πŸ’š Piliin ang kalusugan.
πŸ’š Piliin ang mas magandang kinabukasan.
πŸ’š NO TO SMOKING!

Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malinis, mas ligtas, at mas malusog na komunidad para sa lahat.

πŸ“’ World No To***co Day | Mayo 31, 2026Tema: "Paglalantad sa Katotohanan: Pagsugpo sa Pagkalulong sa Nikotina at Tabako”A...
31/05/2026

πŸ“’ World No To***co Day | Mayo 31, 2026

Tema: "Paglalantad sa Katotohanan: Pagsugpo sa Pagkalulong sa Nikotina at Tabako”

Ang tabako ay may sangkap na nakakalulong, at sa likod nito ay panganib sa ating kalusugan at buhay. Ngayong araw, inaanyayahan namin ang bawat CalambeΓ±o na magising sa katotohanan: ang pagtigil sa paninigarilyo ay ang pinakamabisang paraan upang pangalagaan ang sarili at ang ating kapaligiran.

Sabay-sabay nating tanggalin ang "maskara" ng tabako at nikotina, at simulan ang pagbabago tungo sa mas malinis, masigla, at mas malusog na pamumuhay. 🚭✨

Mula sa Lungsod ng Calamba at City Health Services Department, sama-sama tayong maging malaya sa bisyo! πŸ’™

***coDay

🚭 ITIGIL ANG PAG-V**E!Ang pagva-v**e ay hindi ligtas sa kalusugan. Ito ay naglalaman ng ni****ne at iba pang kemikal na ...
15/05/2026

🚭 ITIGIL ANG PAG-V**E!

Ang pagva-v**e ay hindi ligtas sa kalusugan. Ito ay naglalaman ng ni****ne at iba pang kemikal na mayroong dulot na masamang epekto sa baga, puso, at pangkalahatang kalusugan. Ito rin ay nagdudulot ng adiksyon at nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay at kinabukasan.

Hindi lamang ang gumagamit ang naaapektuhan, kundi pati ang mga taong nasa paligid na maaaring makalanghap ng usok mula rito. Kaya mahalagang maging responsable at piliing pangalagaan ang sariling kalusugan at kapakanan ng pamilya at komunidad.

πŸ’™ Piliin ang mas malusog na pamumuhay.
πŸ’™ Iwasan ang v**e at iba pang bisyo.
πŸ’™ Maging ehemplo sa kabataan at sa komunidad.

✨ Itigil ngayon. Huminga nang mas malinis. Mabuhay nang mas maganda.

🚭 SAY NO TO SMOKING AND VA**NG. SAY YES TO LIFE.Ang paninigarilyo at paggamit ng v**e ay nagdudulot ng panganib sa kalus...
25/04/2026

🚭 SAY NO TO SMOKING AND VA**NG. SAY YES TO LIFE.

Ang paninigarilyo at paggamit ng v**e ay nagdudulot ng panganib sa kalusugan dahil sa taglay nitong ni****ne at iba pang nakalalasong kemikal na maaaring magdulot ng sakit sa baga, puso, at iba pang bahagi ng katawan.

Ang va**ng ay hindi ligtas, nagdudulot ito ng pinsala sa kalusugan, lalo na sa kabataan.
Hinihikayat ang lahat na iwasan ang paninigarilyo at va**ng upang mapanatili ang malusog na pamumuhay at maiwasan ang mga sakit na dulot nito.

πŸ’™ Ang kalusugan ay yaman.
πŸ’™ Ang kinabukasan ay nasa iyong mga kamay.

Your Health. Your Future. Your Choice.
πŸ‘‰ Choose Health, Not Harm.

🚫Alamin ang Katotohanan Tungkol sa KushAng Kush ay isang uri ng cannabis na may mataas na THC, na nagdudulot ng β€œhigh” a...
01/04/2026

🚫Alamin ang Katotohanan Tungkol sa Kush

Ang Kush ay isang uri ng cannabis na may mataas na THC, na nagdudulot ng β€œhigh” at maaaring makaapekto sa pag-iisip at pakiramdam. Maaari itong magdulot ng euphoria, pagkaantok, pagbabago sa memorya at konsentrasyon, pati anxiety o paranoia.
Sa madalas na paggamit, lalo na sa kabataan, maaari itong makaapekto sa brain development at pag-iisip.

Karaniwang ginagamit ang kush sa pamamagitan ng paninigarilyo o vaporizing (v**e), na parehong maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

πŸ’‘ Mahalagang maging mulat at magkaroon ng tamang kaalaman upang maprotektahan ang sarili at ang komunidad.

Piliin ang kalusugan. Piliin ang tamang impormasyon.

Hindi lahat ng impormasyon tungkol sa paninigarilyo ay tama. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, mas mapoprotektahan nati...
19/03/2026

Hindi lahat ng impormasyon tungkol sa paninigarilyo ay tama. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, mas mapoprotektahan natin ang ating kalusugan.

Narito at alamin ang mga myths na nakakalinlang at mga facts na dapat tandaan patungkol sa paninigarilyo.

πŸ’‘Mas malinaw na impormasyon, mas tamang desisyon. Piliin ang buhay na walang usok.

🚭 ALAM MO BA?Ang paninigarilyo ay maaaring magbigay ng pansamantalang pakiramdam ng sigla dahil sa ni****ne, ngunit ang ...
06/03/2026

🚭 ALAM MO BA?
Ang paninigarilyo ay maaaring magbigay ng pansamantalang pakiramdam ng sigla dahil sa ni****ne, ngunit ang epekto nito ay hindi nagtatagal. Sa katunayan, maaari itong magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo, mas mabilis na tibok ng puso, at pagbaba ng oxygen sa dugo dahil sa carbon monoxide. Dahil dito, mas napapagod ang puso at katawan sa pagganap ng pang-araw-araw na gawain.

Piliin ang mas malusog na pamumuhay. Iwasan ang paninigarilyo at protektahan ang iyong kalusugan at ang kalusugan ng iyong pamilya. πŸ’™

πŸ‘‰πŸ» NARITO ANG 8 PARAAN PARA LABANAN ANG PAGNANASA SA TABAKOMagplano, maging aktibo, at alagaan ang iyong kalusugan. Sa b...
26/02/2026

πŸ‘‰πŸ» NARITO ANG 8 PARAAN PARA LABANAN ANG PAGNANASA SA TABAKO

Magplano, maging aktibo, at alagaan ang iyong kalusugan. Sa bawat hakbang na iiwas ka sa tabako, mas napapalapit ka sa mas malusog at mas ligtas na kinabukasan.

Sama-sama nating labanan ang pagnanasa sa tabako. Piliin ang kalusugan, protektahan ang pamilya, at itaguyod ang mas ligtas na komunidad.

🚭 Itigil ang Va**ng, Kabataan!Tandaan: Ang V**E o E-CIGARETTE ay hindi ligtas. Ito ay naglalaman ng ni****ne na nakakaad...
12/02/2026

🚭 Itigil ang Va**ng, Kabataan!

Tandaan: Ang V**E o E-CIGARETTE ay hindi ligtas. Ito ay naglalaman ng ni****ne na nakakaadik at maaaring magdulot ng masamang epekto sa utak, puso, baga, at mental health. Maaari rin itong makaapekto sa pagkatuto, pag-uugali, at pangkalahatang kalusugan.

Kung kaya’t mahalagang piliin ang kalusugan. Piliin ang mas maliwanag na kinabukasan. πŸ’™

Address

Main Health Center
Calamba
4027

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of Calamba - Smoking Cessation Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share