24/08/2026
Ang Stevens-Johnson Syndrome (SJS) ay isang bihira ngunit seryosong kondisyon na maaaring magsimula sa simpleng sintomas tulad ng lagnat o sore throat, ngunit mabilis na lumalala at nagdudulot ng matinding pinsala sa balat pati rin sa mga mata at ibang bahagi ng katawan. Maagang pagkilala at agarang gamutan ang susi sa para makaiwas sa mga delikadong komplikasyon. Sama-sama nating palaganapin ang kaalaman, suportahan ang mga pasyente, at ipakita na hindi sila nag-iisa sa laban kontra SJS.