21/07/2026
‼️𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐦𝐚𝐠 𝐨𝐛𝐬𝐞𝐫𝐛𝐚 𝐬𝐚 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩.
Madalas na naririnig namin sa Klinik kapag nagtatanong ang mga pasyente, "𝐊𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚 𝐛𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐩𝐚𝐛𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚, 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧?"
"𝐀𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐢𝐭𝐨, 𝐨𝐛𝐬𝐞𝐫𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧”.
Ganito din po ang sinabi ng isa sa aming mga pasyente nung nakaraang linggo. Mayroon silang alagang a*o na higit isang taon na sakanila, inampon at kinalinga na din. Mas madalas daw na ito ay nasa loob ng bahay, ngunit paminsan minsan ay nakakalabas. Isang araw ay hindi nito sinasadya na matalunan siya at nagdulot ng "mababaw" na galos sa kanyang hita. Dahil alaga naman at mababantayan ang hayop ay pinapaliban muna nila ang bakuna at sinumulan muna obserbahan ang hayop dahil masigla naman ito.
Makalipas ang dalawang araw ay bigla nalang namat@y ang a*o sa hindi mapaliwanag na dahilan. Hindi parin kumbinsido ang pasyente na ito ay maaring puman@w ng dahil sa rabies dahil hindi ito naging agresib* at hindi parin kinokonsidera ng pasyente ang pagbabakuna.
Pinayuhan namin na maari ibang dahilan ang ra*on sa pagkasawi ng a*o pero maganda ay ma pa-examine. Kung ito ay positibo sa rabies, mabuti mag pa vaccine agad, kung hindi naman, maaring tetanus shot nalamang.
Wala pang dalawang araw ay lumabas na ang resulta. Positibo ang a*o sa rabies. 😢 Hindi ito naging agresib* at naul*l (posible po ito). Mabuti ay wala pa kahit anong sintomas ang pasyente at sinimulan agad ang pagbabakuna ng 𝐚𝐧𝐭𝐢𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐫𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐢𝐦𝐦𝐮𝐧𝐨𝐠𝐥𝐨𝐛𝐮𝐥𝐢𝐧.
💡Ano po ang Lesson mula dito?
✅ 𝐓𝐢𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐯𝐚𝐜𝐜𝐢𝐧𝐞. Kahit gaano kamahal ang bakuna, hindi na ito gagana kung may early symptoms na ang patient.
✅ 𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨 𝐨𝐛𝐬𝐞𝐫𝐛𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐲𝐨𝐩 𝐤𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲𝐚𝐧. Hindi po inborn ang rabies sa hayop. Pero mas mabuti napo ang maingat at maagap.
Para sa ligtas, epektibo at kalidad na antirabies vaccine. 📩 Message our page to inquire sa nearest JGMD clinic sa inyong lugar.
📞: 0977-170-6575
📩: [email protected]