Carmona City Nutrition Office

Carmona City Nutrition Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Carmona City Nutrition Office, Medical and health, JM Loyola Street Brgy. 4, Carmona.

27/08/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang “Maternal, Newborn and Infant and Youn...
27/08/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang “Maternal, Newborn and Infant and Young Child Feeding Training” noong Hulyo 28–29, 2026 sa Kalusugang Panlungsod Hall, City Health Office.

Pinangunahan ang makabuluhang dalawang araw na pagsasanay nina Liberty M. Guzman, RND at Marydel L. Pili, RND, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at praktikal na gabay tungkol sa pangangalaga sa mga ina, bagong silang na sanggol, at mga bata, gayundin sa wastong pagpapakain at nutrisyon sa mga unang yugto ng buhay.

Ang programa ay isinagawa sa pangunguna ng Office of the City Health Officer at City Nutrition Office, bilang pakikiisa sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pagpapalawak ng kaalaman ng ating mga health workers, higit nating napapalakas ang pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan at nutrisyon para sa mga ina at kanilang mga anak. Ang wastong nutrisyon sa unang yugto ng buhay ay mahalagang pundasyon tungo sa malusog na paglaki at magandang kinabukasan.

Maraming salamat sa ating mga tagapagsalita, health workers, at lahat ng nakiisa sa pagsasanay. Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad kung saan ang bawat ina at bata ay nabibigyan ng sapat na suporta, wastong nutrisyon, at pangangalaga. 💚

🌱 Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!


NUTRI-QUIZ NA! 🧠Subukin ang iyong kaalaman sa nutrisyon!Sagutin ang mga katanungan na aming inihanda at alamin kung gaan...
28/07/2026

NUTRI-QUIZ NA! 🧠

Subukin ang iyong kaalaman sa nutrisyon!
Sagutin ang mga katanungan na aming inihanda at alamin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa wasto at tamang nutrisyon tungo sa makulay na pamumuhay.

Makilahok, matuto, at ibahagi ang tamang kaalaman sa iyong pamilya at komunidad. Bawat tamang sagot ay hakbang tungo sa mas malusog na Carmona!

I-comment lamang ang sagot sa comment section.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang"Livelihood Training for Nutrition Work...
27/07/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang

"Livelihood Training for Nutrition Workers and Parents of Undernourished Children: Urban Vegetable Gardening"

noong Hulyo 25, 2026 sa Kalusugang Panlungsod Hall, City Health Office.

Pinangunahan ni Mr. Raymond R. Mapanoo, Farm Supervisor, ang makabuluhang pagsasanay na nagbigay ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa urban vegetable gardening. Layunin nitong hikayatin ang mga nutrition workers at mga magulang ng undernourished children na magtanim ng masustansyang gulay sa sariling tahanan bilang dagdag na pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan.

Ang programang ito ay pinagtulungan ng Office of the City Health Officer, City Nutrition Office, at Office of the City Agriculturist, bilang pakikiisa sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” Ipinapakita nito na ang simpleng pagtatanim ay hindi lamang nakatutulong sa pangangalaga ng kalikasan, kundi nagbibigay rin ng masustansyang pagkain na mahalaga sa paglaki at pag-unlad ng bawat bata.

Maraming salamat sa lahat ng mga kalahok na aktibong nakibahagi sa pagsasanay. Nawa'y maging inspirasyon ang mga natutunang kaalaman upang makapagtatag ng mga bakurang gulayan na magbibigay ng sapat na nutrisyon, karagdagang kabuhayan, at mas luntiang kapaligiran para sa bawat pamilyang Carmonian.







Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang "Pre-Marriage Orientation and Counseli...
27/07/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang "Pre-Marriage Orientation and Counseling: Responsableng Magulang para sa Malusog at Matatag na Pamilya" noong Hulyo 21, 2026 sa City Penthouse.

Ang makabuluhang talakayan ay pinangunahan ni Mr. Jerico R. Gruta, Nurse II at City Nutrition Program Coordinator, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa responsableng pagpapamilya, wastong nutrisyon, paghahanda sa buhay mag-asawa, at ang mahalagang papel ng mga magulang sa pagbuo ng isang malusog, matatag, at masayang pamilya.

Ang programang ito ay pinagtulungan ng Office of the City Health Officer, City Nutrition Office, at Office of the City Population Officer, bilang suporta sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” Isinusulong nito ang kahalagahan ng tamang kaalaman at responsableng pagdedesisyon upang makabuo ng mga pamilyang handang harapin ang kinabukasan at makapag-ambag sa isang mas malusog na komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga kalahok na nakiisa at naglaan ng oras upang paghandaan ang kanilang paglalakbay bilang mag-asawa at magiging mga magulang. Nawa'y magsilbing matibay na pundasyon ang mga aral na kanilang natutunan sa pagbuo ng mga pamilyang may malasakit sa kalusugan, nutrisyon, at kapaligiran.

🌱 Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!








Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ng Office of the City Health Officer at Ci...
27/07/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ng Office of the City Health Officer at City Nutrition Office ang "Service Improvement Course for Health Workers: Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM)" noong Hulyo 21–23, 2026 sa Kalusugang Panlungsod Hall, City Health Office.

Pinangunahan ang tatlong araw na pagsasanay nina:

👩‍⚕️ Ma. Dorothy A. Boholst, RND
Nutritionist-Dietitian II

👩‍⚕️ Kristine Joy E. Fedilo, RND
Nutritionist-Dietitian II

👩‍⚕️ Rosemarie M. Alcala, RND
Nutritionist-Dietitian II

Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, higit pang napalawak ang kaalaman at kasanayan ng ating mga health workers sa tamang pagtukoy, pamamahala, at pangangalaga sa mga batang may Acute Malnutrition, alinsunod sa mga pamantayan ng Philippine Integrated Management of Acute Malnutrition (PIMAM). Layunin nitong mapalakas ang pagbibigay ng dekalidad, maagap, at epektibong serbisyong pangkalusugan at nutrisyon sa bawat pamilyang Carmonian.

Kaakibat ng temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”, patuloy na isinusulong ng Lungsod ng Carmona ang pagpapalakas ng kakayahan ng mga frontliners upang matiyak ang mas malusog na kinabukasan para sa ating mga kabataan at buong komunidad.

Maraming salamat sa ating mga resource speakers at sa lahat ng mga health workers na aktibong nakibahagi sa pagsasanay. Ang inyong dedikasyon at patuloy na paglinang ng kaalaman ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na Lungsod ng Carmona.

🌱 Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!






Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang "Healthy Eating Habits of City Employe...
27/07/2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ang "Healthy Eating Habits of City Employees" noong Hulyo 17, 2026 sa Kalusugang Panlungsod Hall, City Health Office.

Pinangunahan ang makabuluhang talakayan ni Ms. Jean Heart Cadiente, Registered Nutritionist-Dietitian, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa tamang pagkain, balanseng nutrisyon, at mga praktikal na hakbang upang mapanatili ang isang malusog na pamumuhay sa kabila ng abalang iskedyul sa trabaho.

Ang gawaing ito ay pinagtulungan ng Office of the City Health Officer, City Nutrition Office, at Human Resource Management Office (HRMO) bilang suporta sa temang “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” Ipinapaalala nito na ang pagpili ng masustansyang pagkain at ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay magkaugnay sa pagtataguyod ng mas malusog na komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na nakiisa at naglaan ng oras upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa wastong nutrisyon. Nawa'y maging inspirasyon ang mga natutunan upang maisabuhay ang mas malusog na pagkain para sa sarili, pamilya, at komunidad.

🌱 Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!






Address

JM Loyola Street Brgy. 4
Carmona
4116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Carmona City Nutrition Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share