Carmona City Health Office

Carmona City Health Office Quality Health for Carmonians

🩸 3 ARAW NA LANG!Inaanyayahan namin kayong makiisa sa ating Voluntary Blood Donation.📅 Hulyo 24, 2026 (Biyernes)📍 Carmon...
20/07/2026

🩸 3 ARAW NA LANG!

Inaanyayahan namin kayong makiisa sa ating Voluntary Blood Donation.

📅 Hulyo 24, 2026 (Biyernes)
📍 Carmona Community Center, Brgy Cabilangbaybay
⏰ Simula 7:00 AM

Narito ang mga dapat tandaan at paghahanda bago mag-donate (tingnan ang larawan). ❤️

13/07/2026

𝗠𝗘𝗦𝗦𝗔𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗙𝗢𝗥 𝗧𝗛𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗠𝗥 𝗦𝗜𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗔𝗜𝗚𝗡 of Mayor Dr. Dahlia A. Loyola. Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon

08/07/2026
Ginanap ang Beyond Burnout: Creating A Mentally Healthy Workplace for Office of the City Health Officer Staff katuwang a...
08/07/2026

Ginanap ang Beyond Burnout: Creating A Mentally Healthy Workplace for Office of the City Health Officer Staff katuwang ang City of Carmona - Mental Health Program, a Healthy Workplace Initiative Program na pinangunahan ni Dra. Nicole Loyola upang mabigyan ng awareness lecture ang mga empleyado sa tamang paraan upang maiwasan ang Burn Out sa trabaho at self-care para sa kanilang mental health.

𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗠𝗣𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗬 𝗦𝗨𝗥𝗚𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟮𝟬𝟮7Ipinababatid ng Carmona City Health Office, sa ...
07/07/2026

𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗘𝗠𝗣𝗛𝗜𝗦 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗠𝗘𝗥𝗖𝗬 𝗦𝗨𝗥𝗚𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗘𝗕𝗥𝗨𝗔𝗥𝗬 𝟮𝟬𝟮7

Ipinababatid ng Carmona City Health Office, sa pakikipagtulungan ng Memphis Mission of Mercy, na magsasagawa po ng screening para sa Surgical Mission ng Memphis Mission of Mercy na isasagawa sa Pebrero 2027.

Ang screening ay isasagawa mula LUNES hanggang BIYERNES ng 1-2 PM sa City Health Office.

Narito ang mga kondisyon na maaaring operahan sa surgical mission:
• Cleft Lip and Palate (Bingot)
• Hernia (Luslos)
• Goiter

Inilunsad ng Office of the City Health Officer katuwang ang City of Carmona - Mental Health Program ang Mental Health Ad...
03/07/2026

Inilunsad ng Office of the City Health Officer katuwang ang City of Carmona - Mental Health Program ang Mental Health Advocacy Tshirt for OCHO Staff, a Healthy Workplace Initiative Program ngayong Hulyo 3, 2026.

Ang programang ito ay naglalayong magbigay awareness hingil sa Mental Health in the Workplace na may temang, , speak up, stand out and break the stigma.

Sa pagdiriwang ng National Blood Donors Month, ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City ...
01/07/2026

Sa pagdiriwang ng National Blood Donors Month, ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona, sa pamamagitan ng Office of the City Health Officer, katuwang ang DOH CALABARZON, General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital (GEAMH), Philippine General Hospital (PGH), Alpha Phi Omega Carmona Alumni Association, at TV5 Alagang Kapatid Foundation, ay magsasagawa ng Voluntary Blood Donation Activity sa:

🩸 Hulyo 24, 2026 (Biyernes)
🕖 7:00 AM – 12:00 NN
📍 Carmona Community Center, Brgy. Cabilang Baybay

Inaanyayahan ang lahat ng kwalipikadong blood donors na makiisa sa gawaing ito ng malasakit at pag-asa. Ang bawat patak ng dugong inyong maibabahagi ay maaaring maging susi sa pagliligtas ng buhay ng mga pasyenteng nangangailangan.

📢 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 📢🏡 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐧𝐧𝐨𝐮𝐧𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 🏡🚰 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧𝐨𝐮𝐭/𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐇𝐨𝐥𝐞 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐥𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐢𝐜 𝐓𝐚𝐧𝐤𝐬 𝐟𝐨...
08/06/2026

📢 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐀𝐋𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓! 📢
🏡 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐧𝐧𝐨𝐮𝐧𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 🏡
🚰 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧𝐨𝐮𝐭/𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐇𝐨𝐥𝐞 𝐈𝐧𝐬𝐭𝐚𝐥𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐞𝐩𝐭𝐢𝐜 𝐓𝐚𝐧𝐤𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐂𝐀𝐑𝐌𝐎𝐍𝐀 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐂𝐓 𝐂𝐎𝐍𝐂𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍𝐀𝐈𝐑𝐄𝐒 𝐎𝐍𝐋𝐘! 🚰
Minamahal na mga residente;
Kami ay nasasabik na ipahayag ang isang hakbangin ng Lokal na Pamahalaan ng Carmona upang mapahusay ang pamamahala ng septage sa ating komunidad!
𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐠-𝐚𝐚𝐥𝐨𝐤 𝐧𝐠 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐩𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐬𝐭𝐚𝐥𝐥 𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐨𝐮𝐭 𝐨 𝐀𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐡𝐨𝐥𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐬𝐞𝐩𝐭𝐢𝐜 𝐭𝐚𝐧𝐤. Ang inisyatiba na ito ay naglalayong mapadali ang proseso ng pagdesludging, at upang matiyak na wasto ang pamamahala ng basura at ang isang malusog na kapaligiran para sa lahat.
𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐈𝐓𝐎 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀?
✅ 𝐏𝐢𝐧𝐢𝐩𝐢𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐩𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐩𝐭𝐢𝐜 𝐭𝐚𝐧𝐤.
✅ 𝐏𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐝𝐚𝐥𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐜𝐜𝐞𝐬𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞.
✅ 𝐓𝐢𝐧𝐢𝐭𝐢𝐲𝐚𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐝𝐞𝐬𝐥𝐮𝐝𝐠𝐢𝐧𝐠.
✅ 𝐍𝐚𝐠𝐬𝐮𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐥𝐮𝐬𝐨𝐠 𝐧𝐚 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝.
Paano mag-avail? Mag pa-rehistro at makipag-ugnayan lamang sa
𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 -𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐢𝐯𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧
(𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬, 𝟖 𝐚𝐦 – 𝟓 𝐩𝐦) upang makakuha ng iskedyul sa ating Sanitation Inspector/s para sa libreng installation.
Magtulungan tayo para sa isang mas malinis at mas malusog na komunidad. Kumilos ngayon at samantalahin ang pagkakataong ito!
𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐭𝐚𝐧𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐢𝐬𝐭𝐫𝐨, 𝐦𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚:
• Contact numbers : City Health Office: (046)430-3010) / (046)443-5397, 09774218404
• Email address : [email protected]

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase, nagsagawa ang Sanitation Division ng Office of the City Health Officer ng mist...
05/06/2026

Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase, nagsagawa ang Sanitation Division ng Office of the City Health Officer ng misting activities sa mga pampublikong paaralan sa buong Lungsod ng Carmona, Cavite bilang bahagi ng pinaigting na programa ng lungsod para sa pag-iwas at pagkontrol ng dengue.

Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang populasyon ng mga lamok at mapaliit ang panganib ng pagkalat ng dengue, upang matiyak ang mas ligtas at mas malusog na kapaligiran para sa mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa kanilang pagbabalik-eskwela.

Patuloy na nakatuon ang Pamahalaang Lungsod ng Carmona sa pangangalaga ng kalusugan at kapakanan ng bawat Carmonian sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na mga programa para sa pag-iwas sa sakit at pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.

Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating kapaligiran at isabuhay ang 5S Kontra Dengue:
Search and destroy mosquito breeding sites,
Self-protection measures,
Seek early consultation, and
Support fogging/misting in hotspot areas and
Sustain hydration.

Address

JM Loyola Street
Carmona
4116

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Carmona City Health Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share