07/06/2026
MID-YEAR BONUS + BIGAS PA! ๐พ๐
Sa Global Prime Eye Center, naniniwala kami na ang tagumpay ng isang organisasyon ay hindi lamang nasusukat sa dami ng pasyenteng natutulungan, kundi pati na rin sa kung paano nito pinahahalagahan ang mga taong nasa likod ng bawat serbisyo.
Bilang pasasalamat sa dedikasyon, malasakit, at sipag ng aming team, bawat empleyado ay tumanggap ng kanilang Mid-Year Bonus at isang sako ng bigas.
Ito ay maliit na paraan lamang ng pagpapakita ng aming pasasalamat sa kanilang araw-araw na commitment sa pagbibigay ng dekalidad na eye care sa ating komunidad.
Maraming salamat sa aming mga doctors, nurses, technicians, at staff. Kayo ang dahilan kung bakit patuloy naming natutupad ang aming misyon na magbigay ng mas maliwanag na kinabukasan sa bawat pasyente.
Happy employees. Better service. Better care. ๐๐