29/07/2026
[July 29-Aug 1, 2026 | Wed-Sun]
? Pasensya na at natagalan. We are about to face August 2026! Currently undergoing some big changes right now. Heto po ang ating energies (done differently without the yellow background. Not in the mood- finished around 1:10 am)
🌻🔥Fire (Aries, Leo, Sagittarius)
Adjustment period niyo po ngayong linggo and at the same time, adventure na rin. Halo-halo ang mararamdaman niyo. Makikisabayan kayo sa mga tao ngayon kahit medyo mahirap silang pakitunguhan o maraming cheche bureche sa daan. Maraming kinakailangang proseso at gagawin ngayon. Asahan ang mga dagdag pang gawain at prosesong kailangan mong daanan. Bolder din kayo ngayon sa statements at actions niyo. You seem confident and positive despite of the possible circumstances being shown to you. Gagampanan niyo ang mga nakalaang social roles sa inyo, rain or shine. Victories may come in late. The important thing is it will come. Pakiramdam niyo rin na hindi muna kayp nakakaabante sa daanang gusto niyo daanan, pero again, hindi kayo natitinag dito. On quiet days, you may think too much of things that happened in the past. Maaring dibdibin niyo, maaring hindi. Yung iba sa inyo ay maaring gumamit o gumawa ng ipinagbabawal na teknik. Depende na lang sa konteksto niyo since iba-iba naman kayo ng storya rito. Tip: play the joker card right.
🌊🐟Water (Cancer, Scorpio, Pisces)
Bumabawi ka ngayong linggo kahit andaming nangyayari. Maaring May mga sitwasyon rin na nakakakaba o medyo mabigat, pero mas pipiliin mo ang responsibilidad at kung ano ang sa tingin mo ay tama. Kinakaya mo na lang talaga. Mas nakakabawi rin ng power ngayon. Doon ka nag a-anchor sa kung ano ang dapat at hindi kung ano ang gusto mo. Maaring pilitin mo na magpatuloy kahit mahirap ngayong linggo, putting more focus into things worth investing in despite of how uncomfortable you may feel. Para sa iba sa inyo, maaring mamili rin kayo kung pipiliin niyong manahimik na lang sa isang bagay o hindi. Maaring sadyain niyo rin na medyo lowkey ngayong mga darating na araw. Wala kayo sa 100 percent vibrant self nyo ngayon e. Para bang nagcha-charge kayo. Mag-ingat din kayo sa pera niyo dahil baka kulangin o makagasto kayo ng mas malaki pa sa ginusto niyo lang na presyo. For some of you, sacred o sobrang makahulugan ang mga susunod na araw sa’yo. Family and relationships will be the main highlight of your week. Tip: be softer and kinder to yourself…..
🌬️🛬Air (Gemini, Libra, Aquarius)
Secrecy, isolation, or private matters will be dealt with this week. May mga ayaw riyan magpadistorbo, at may mga nagpapanggap na okay lang ang lahat (kahit feeling mo may mali or off, o di kaya naman ay may nararamdamang kakaiba). Nadadarang o nahihiwagaan din kayo ngayon sa isang tao, sitwasyon, lugar, o pangyayari. Kung hindi ikaw ito, maaring may nahihiwagaan sayo. Naka poker face lang din kayo ngayong linggo. Mahirap na mahalata na affected o may nasesense. There are weird, funny, creepy, or suspicious energies ahead. Basta ang nakikita ko rito ay naghahalo-halo. Anyway, may mga magaattempt rin na ikutin ka or underestimate your judgments a little bit, pero hindi ka naman nagpapadala. Ang salita ay salita lang hanggang sa hindi pa pinapatunayan sa kilos (o may taong ganito sa iyo). Ino-organize niyo rin ang inyong linggo. Ayaw niyo ng may makalat na sitwasyon. Dapat maayos ang pagkakaligpit (depende ito sa konteksto ng ginagawa niyo). Mas galante, matulungin, at rasonable rin kayo sa mga darating na araw. Tutok na tutok lang talaga kayo sa ngayon sa isang sitwasyon o tao. Tip: know more about it… knowledge is power..
🪨🌳Earth (Ta**us, Virgo, Capricorn)
Nakatuon kayo sa strategic interests niyo ngayong linggo. Saan ka ba makakabenepisyo at ano ba ang mas sulit at praktikal na option? Utakan ang laban ngayon. Maaring patayin niyo muna ang feelings niyo ngayong linggo. May mga susubukan din kayong mga paraan ng paninigurado para makapakinabang o may makuhang goal by the end of this week. Some of you will be having a hard time feeling emotions and be more transactional in your approaches. Mas objective kayo ngayon instead of being subjective. Pero hindi naman ibig sabihin na ganyan kayo ngayon ay hindi na kayo mabait. Nagpapalampas nga kayo ngayon ng mga taong nagkasala sayo e, depende sa balak or underlying reasons niyo. This could be the other way around (meaning, you will be forgiven because of a certain reason). May mga tao o sitwasyon din kayong i rereconsider ngayon. Tbh, may konting talim pa rin kayo ngayon sa tao o may mga sitwasyon na hindi komportable sayo. For some of you, maari kayong makatanggap ng balitang hindi komportable. Depende yan Sa sitwasyon niyo. Be careful of repeating old patterns that feel comfortable but is actually sabotaging youor something important in your life. Tip:get things straight. Iron out things well.